Lydia POV
Lumabas ako ng kwarto ng nakabihis. Plano ko sanang magrocery. Kunti na rin ang mga stock sa ref kaya ako na lang mamili. Wala din sila Mommy dito , may pinuntahan. Si Kuya naman Hindi pa umuwi. Ok na din yun ng saganon ay mabantayan niya si Ate Heidi buntis pa naman.
Dumeretso ako sa kusina para kunin ang listahan kay Aling Norma
"Aling Norma"
Tumigil naman ito sa pagpunas ng plato at lumapit sakin.
"Dia. Sandali ha!"
May kinuha ito sa bulsa. Isang pirasong papel. Nakangiti naman siyang binigay sakin.
"Yan iha. Medyo madami dami yan. Buti na lang at may makakasama"
Tinanggap ko ang papel at nilagay sa shoulder bag. Taka ko siyang nilingon pagkatapos.
"P-po? Makakasama"
"Oo. Nagaantay nga Jan sa labas. Puntahan mo na kanina pa yun"
Gusto ko pa sanang magtanong pero hindi ko na kinulit pa.
Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang sinasabi ni Aling Norma.
Nakatayo ito sa gilid ng kotse at naka shade. Tinanggal niya naman ito ng makita ako.
"You here"
Tinaasan ko siya ng kilay "Anong ginagawa ng isang Ryder Valdez sa tapat ng bahay ko?"
Namulsa naman ito.
"Well sinusundo ka. I guess"
"Do I know you?"
"Sinabi mo pangalan ko kanina"
I rolled my eyes. "I'm sorry . Mr Ryder but I don't have time for your joke. So can you please get out of my way"
Naglakad ako sa harap nito. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya kung hinigit palapit sa kaniya. Sa gulat ko Hindi ako nakagalaw agad.
"I'm here to say sorry for what happened in the party"
Hinila ko ang kamay ko kaya nabitawan niya ito. Masama ko siyang nilingon.
"Sorry accepted"
Tumalikod na ako para maglakad. Hindi pa ako nakakalayo ng hinila naman niya ako.
"Ano na naman ba!!! Tinanggap ko na ang sorry mo!! Ano pa ba gusto mo!!!"
Kanina pa ako naiinis. Pag ako hindi makapagtimpi. Makakapanapak ako ng wala sa oras.
"Hindi ako naniwala"
"Its not my fault. Maniwala ka man o hindi , nasa sayo na yun. Kaya bitiwan mo ako dahil may pupuntahan pa ako"
"Then. Sasama ako" ngisi niyong sagot.
"No" diin Kong sabi.
"Yes my dear. Whether you like it or not"
Hinila niya ako palapit sa kotse at binuksan yun.
"Get in"
"No!"
"Papasok ka o itutulak kita"
Padabag akung pumasok kaya natawa ito. Kalma Lydia. Pagtiisan mo muna pero pag hindi mo na kaya. Patayin mo na.
Sinuot ko ang seat belt ko at hindi siya pinansin.
-----
Hindi ko na siya hinintay pa pagbuksan ako at agad na akung lumabas. Pumasok ako ng mall na Hindi siya pinansin. Bahala siya jan.