#Chapter1

275 6 0
                                    

#Chapter1

Sabrina's POV

"Sab ano ba"

"Problema mo?"

"Ikaw"

"Di ka naman inaano diyan ahh?"

"Kaya ka di nag kakalovelife eh!"

"Alam mo Joy kung pinoproblema mo na naman lovelife ko tumigil ka na"

"Puro ka nalang kasi pagluluto kaya ayaw mong mag lovelife alam mo ba sabi nila pag nagkalovelife daw ang isang baker o cheif o ano pa when it comes to food, mas sasarap pa yung putahi nila"

"At talagang sinasali mo talaga yan ah?"

"Ikaw eh ayaw mong mapilit"

"Ano naman gagawin ko Joy puro ka dada ng dada diyan sa lovelife ko"

"Kasi lahat nalang sa mag babarkada meron na ikaw nalang kaya lageng naiiwan na single, ewan ko sayo ang dami dami naman ng nagiging boyfriend mo noon ah? bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?"

"Alam mo on duty pa ako kaya pwede ba?"

"Naku naku di mo ko malulusotan ngayon Sab"

"Totoo kasi"

"As if naman may costumer ka"

"Hindi naman nakakapag taka na wala akong customer ngayon ah? kahit naman meron may ready made naman diyan na cake"

"Ma'am Sab mag hanap ka na po ng lovelife niyo" singit naman nitong trabahante ko na siyang nag babantay sa harap.

"Kaya nga diba ate Olive? see? pati si Ate Olive gusto ka ng magkalovelife"

"Naku ewan ko sayo Joy ah?"

"May kilala ako Joy" kumunot naman ang noo ko sakanya.

"May kaibigan si Karl na single din, ipapakilala kita don gusto mo?" sumubo naman ito ng cake, konti nalang talaga manghihinala nku sa kaibigan kong to

Sa tuwing pupunta dito sa shop ko kinukulit ako at kumakain minsan nag dedemand pa ng shake!

"Ewan ko sayo! ewan ko sayoooo! bahala ka sa gusto mong gawin"

"Yun!" napailing nalang ako sakanya.

Bigla naman nabaling ang atensyon ko sa pinto dahil tumunog yung bell.

"Good Afternoon Sir" lumabas naman ako para malaman sino ang customer.

"Good Morning, may Mocha Flavor ba kayo?"

"Yes po Sir"

"Sige palagyan niyo nalang po ng Happy Birthday Michael"

"Isulat niyo nalang po sir" isinulat niya naman sa papel na binigay ni Olive.

"Ano po ba ilalagay kong pangalan sa receipt niyo sir?"

"Aedyx Jay nalang" Tumango tango naman si Olive, kinuha ko nalang yung nag iisang mocha cake na kaninang umaga ko lang ginawa, ngumiti naman ako sa costumer at kinuha yung papel na sinulatan niya.

"Ohh may costumer kayo?" Bungad saakin ni Joy ng pumasok ako sa kusina.

"Wala kakainin ko to"

"Sungit mo naman, epekto talaga ng walang lovelife yan"

Di ko nalang siya pinansin at ginawa nalang yung cake.

Pagkatapos kong tignan ngumiti nalang ako at pinasok ko ito sa box, at binigay sa nag order nito.

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon