#Chapter30

85 2 0
                                    

#Chapter30

Sabrina's POV

Sa pag bitaw niya saakin doon din nawasak ng tuloyan yung puso ko.

"Michael"

tumalikod naman ito saakin.

"Nonono, Michael w-wait"

Sinundan ko siya pero dahil sa sobra niyang bilis nag lakad di ko siya naabotan.

Hinanap ko agad yung phone ko at tinawagan siya, pero binaba niya lang ito, kaya tinawagan ko ulit siya. Sinagot niya naman ito.

"Mic, please wag mong eh baba mag eexplain lang ako"

"Ano ba sasabihin mo Sab?"

"Michael, Lance is my boy bestfriend please understand that please, wala na akong ibang matatakbohan kundi siya lang, hindi naman ako mag papaagaw Mic eh, ikaw yung mahal ko" nag tuluan na yung mga luha ko.

"Ikaw kasi yung mahal ko, please don't leave me like this Mic, wag mo naman akong iwan oh?"

Napaupo nalang ako sa sahig at parang bata na kinakabahan. Tahimik naman yung kabilang linya.

"Lance is just my friend hindi na lalampas doon Mic, please believe me, maniwala ka naman na hindi ako mag papaagaw oh"

"Kailan pa to Sab?"

"Simula nung umalis ka ng bansa para mag concert Mic, may girlfriend na din naman siya Mic"

"Okay"

"Don't leave me please"

"Okay I won't"

"I love you"

"Yeah bye, mag pahinga ka na diyan" binaba niya naman yung tawag kaya tumayo na ako at dumiretso sa condo ko.

Napaupo naman ako sa sahig at niyakap ang binti ko at doon umiyak.

Bumalik yung sitwasyon na mas lalong nag pagulo saakin.

-

Nagising naman ako ng may hapdi sa mga mata, pero di ko nalang pinansin yun at naligo nalang para pumasok sa trabaho.

Ng makarating ako sashop dumiretso naman ako ng opisina ko at nag mukmok.

Lumabas na naman ulit yung mga luha ko, kailan ba ako mauubosan ng luha nito?

Binangon ko naman yung ulo ko at binuksan ang laptop ko nang tumawag si Joy kaya sinagot ko agad ito.

"Hey good morning"

"Morning din Joy"

"You okay? gusto mo bang puntahan kita?"

"Hindi na okay lang ako?"

"You sure? di ko naman kasi aakalaing mag hiwalay kayo tapos maging sila nga ni Cristel"

"huh?"

"Nabasa ko na yung article Sab"

"Ah? I have to go Joy bye" agad ko naman binaba yung tawag at hinanap yung sinasabing article ni Joy.

Michael Edmond of Belles Hommes released a statement about his girlfriend:

Good Day everyone! I'm Michael Edmond Cortel of Belles Hommes under the Saturn Entertainment.

I'm going to release my official statement about my girlfriend.

It is true that Cristel Mangal is my girlfriend. Pasensya na sa lahat kung natagalan akong sabihin sino ang girlfriend, sinasabi ito dahil pumayag na siyang ipakilala ko siya sa buong mundo,

That's all thank you!

Even Cristel release her own statement about their dating issue.

Hi everyone! I'm Cristel, nakakasama ko si Michael sa pag trabaho ng album ko at nag papasalamat ako sakanya dahil don naging mas kilala ako sa industriyang ito, at hindi ko din inaakalang dadating kami sa puntong maging mag kasintahan kami at ito nga naging mag kasintahan kami, kung di lang kami nakikita ng media hanggang ngayon pipiliin kong maging sekreto ang relasyon namin dalawa. I love Michael so much, corny man pakinggan pero simula nung dumating sa buhay ko si Michael hindi ko na nakikita ang sarili ko sa future na wala siya so please accept me, no harm please just love, I love you all. Thank You!

Michael and Cristel is in relationship.

So the mysterious girlfriend of Michael Edmond is now revealed!

thank you for reading this!

pinilit kong taposin ang buong article kahit nararamdaman ko na ang pagsikip ng dibdib ko.

Umiyak naman ako ng umiyak, ito yung pinaka masakit eh! ito yun! hindi pa kami hiwalay dalawa pero may girlfriend na siyang bago.

Humingi ako ng statement pero hindi ganitong klaseng statement ang gusto kong mabasa Michael, hindi ito!

Tinawagan ko naman si Michael agad naman niyang sinagot.

"Hello?" ang lamig tagos hanggang likod.

"K-kumain K-kana?"

"Yeah"

"Okay ka lang ba Mic"

"I'm fine Sab"

"Good to hear, I'm j-just here if you need okay?"

"Yeah whatever"

"Wag na wag mong kalimutan ang mga bilin ko sayo ah? kumain ka at wag mag pagod"

"Yes thank you"

"Sige I love you"

"Okay bye" binaba niya naman agad ito kaya naman tinignan ko nalang yung cellphone ko at hinayaan ang mga luha kong lumabas sa mata ko.

Kaya siguro ayokong magka boyfriend dahil ayokong dumating ako sa ganitong sitwasyon.

At di ko naman inaakalang ganitong sitwasyon ang mararanasan ko! hindi ko ito gusto hindi to kaya ng puso ko.

Sa relasyong ito ako ang nag kamali, bumaliktad yung sitwasyon at di ko alam bakit, hindi ko maintindihan, kahit pa paulit ulit kong sabihin na hindi ko naiintindihan hindi ko talaga maintindihan kahit anong pilit kong pag intindi.

I hate myself anymore.

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon