#Chapter12

49 2 0
                                    

#Chapter12

Sabrina's POV

Buti nalang at napigilan ko si Lance na samahan ako ngayon. Pero di ko siya napigalang ihatid ako dito sa shop kaya ngayon wala akong kotse. Siguro kukunin ko nalang muna yun mamaya.

Kasalukuyan akong andito sa opisina ko may inaasikasong mga papels ng marinig ko ang pag bukas ng pinto.

Tumingin naman ako.

"Hey"

"Michael"

"Good Morning"

"Yeah same to you"

"Wrong timing ba ako? parang busy ka eh"

"Hindi naman katatapos ko lang gawin to, nag renew kasi ako sa contract ko"

"Ganon? kamusta ka naman?"

"Maupo ka nga" umupo naman ito sa sofa kaya sumunod naman ako sakanya at umupo sa pang isahang upuan.

"So kamusta ka?"

"I'm fine, ikaw?"

"Okay lang sorry kung hindi kita nabibisita medyo busy kasi ako this week"

"Okay lang yun, busy din naman ako eh"

"Pwede ko bang malaman kung ano ang nag papabusy sayo?"

"Ako kasi nag asikaso ng wedding cake ng kaibigan ko"

"Nga pala may gagawin ka ba after your work?"

"Yeah, idadala ko yung mga batang pulubi sa angels care"

"Samahan na kita kung pwede?"

"Uhm yeah sure" ngumiti naman ako sakanya.

Nakarinig kami ng katok kaya naagaw ang mga atensyon namin.

"Ma'am Sabrina?" tumayo naman ako at pinag buksan.

"Ate Olive bakit?"

"Madami po tayong customer ngayon"
"huh?"

lumabas naman ako ng opisina ko pero napasinghap nalang ako sa gulat sa dami ng customer. Naagaw ko man ang atensyon nila pero bigla naman silang tumili kaya nilingon ko ang nasa likod ko.

Lumaki nalang ang gulat ko ng lumabas si Michael ngumiti pa ito saakin at sa mga customers.

"Bakit ka lumabas? alam mong may issue ka na baka tuluyan na nila akong makilala" bulong ko sakanya.

"Don't worry sinabi ko naman sakanila na kaibigan ko ang nag mamay ari ng shop nato which is ikaw at kaya ko yung ipaglaban sa media" nag wink pa ito saakin.

"Di pa naman ako nag bake ngayon sa inaakalang di ganito karami ang magiging customer ko ngayon" bulong ko sa sarili ko.

"Tulongan kita mag bake"

"h-huh?"

"Tulad nung nag order ako sayo ng marami tinulungan kita?"

Lumapit naman ako sa counter sumunod naman itong si Michael, tinulungan niya kaming mag bigay ng order ng mga customer

Pumasok naman ako sa kusina ng mag order ng mga shake, kape at kung ano pang inomin.

Kinuha naman ito ni Michael saakin sa pag labas na paglabas ko ng pinto sa kusina.

"Ako na mag seserve" bulong niya saakin at sinirve niya lahat ng yun.

Pabagsak naman akong umupo sa malapit na upuan at table saakin.

Parang na drain lahat ng energy ko ewan ko ba.

Ubos lahat ng paninda ngayong araw, kaya bukas gagawa na naman ako ng panibagong cake.

Umupo naman sa kaharap kong upuan si Michael.

"Uminom muna kayo oh?" bigla namang nag lapag ng chocolate shake si Ate Olive kaya ngumiti nalang ako sakanya.

"Napagod ka ba?" sumimsim naman ako nito.

"Medyo, nagulat ako physically and emotionally kaya siguro drain yung energy ko"

"Nakikita ko ngayon di ka sanay, buti nalang di mo na napag isipan pang mag bake"

"Bukas nalang ako ng umaga mag babake"

"Yeah? tulongan na kaya kita?"

"wag na kaya ko naman eh salamat sa pag tulong mo ah?"

"Kasi ano" napakamot naman ito sa batok niya kaya kumunot ang noo kong tumingin sakanya.

"Bakit?"

"Slight ako yung may pakana sa maraming costumer mo, don't get me wrong ah! kasi kahapon fanmeeting namin then may mini fan meeting din kami sa labas ng arena kaya napag isipan namin ng grupo ko na mag regalo ng pagkain sa dadalo ng mini fan meeting, yung manager namin ang inutusan namin bumili ng cake at coffee di ko alam kung saan siya bumili pero kasi nag tanong yung mga fans saan daw mabibili yung cake na dala natin nung fansigning event"

"Haba ng sinabi mo pero thank you ah"

"You're welcome" ngumiti naman ito at sumimsim sa inomin niyang chocolate shake.

"Matutuloy pa ba yung schedule mo ngayon? yung mag hatid sa mga bata sa Angels Care?"

"Ay oo nga pala muntikan ko ng makalimutan" inubos ko naman yung shake ko at bumalik sa opisina ko para kunin yung bag ko.

"Bukas ka nalang kaya matuloy? masyado ka ng pagod"

"Okay lang ako, sasama ka pa ba? okay lang kung hindi alam kong pagod ka din naging waiter ka ngayong araw eh"

"Nah I'm fine tara"

"Ate Olive mauna na ako sayo may pupuntahan pa kasi ako, pwede ka na pong mag sara ngayon at umuwi na po" paalam ko

"Sige Ma'am Sabrina, ingat po"

"Ikaw din ate Olive ingat ka mauna na kami" paalam din ni Michael.

"Saan na ba ang mga bata?"

"Sa pagkakaalam ko tambay sila sa park malapit dito, ganitong oras nanglilimos sila"

"Ganon sige, sumakay ka na" tumango naman ako at pinag buksan niya ako ng pinto at sumakay naman ako.

Ng makita ko ako ng mga bata agad naman silang lumapit saakin.

"Ate Sabrina may dala ka pong cake?"

"Wala eh pero may good news ako sainyo"

"Ano po yun ate Sabrina?"

"May bagong matitirhan na kayo"

"Saan po?"

"Hindi ka na po namin makikita?"

"Syempre bibisitahin ko naman kayo doon kaya hali na kayo"

"Doy naligo ka ba ngayon?" rinig kong bulong ni Dangdang.

"Oo no" napatawa naman ako ng mahina sakanila.

Pito silang mga bata na palagi kong binibigyan ng cake.

"Uhm Michael?"

"Oh? Okay na ba?"

"Ano kasi okay lang ba sayo na isakay sila diyan sa kotse mo?"

"Okay lang ano ka ba"

"Baka kasi ayaw mong madumihan o may kakalat na amoy na hindi mo gusto sa kotse mo"

"Okay lang yun no, mga bata sakay na kayo"

"Sino ka po?"

"si Kuya Michael, bilis sakay naaa" napatawa naman ng mahina si Michael ng mag unahan ng pasok ang mga bata.

"Let's go?"

Pinag buksan niya ulit ako ng pinto at sumakay naman siya sa driver's seat ng makasakay ako.

"Kuya Michael pwede po ba buksan yung bintana? nahihilo ako eh"

"Doy ano ka ba mahiya ka naman" bulong ni Dangdang.

"Okay lang yun, ayan okay na ba?"

"Salamat po, boyfriend ka ba ni Ate Sabrina?"

"Uhm kung papayagan niya akong maging boyfriend niya"

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon