#Chapter9

57 2 0
                                    

#Chapter9

Sabrina's POV

"Sabi ni Aedyx saakin nakakaturn on yung babae basta tinatrabaho yung gusto nila, naturn on nga ako" napalingon naman ako kay Michael

Andito na kasi kami ngayon sa view deck ng buong syudad pagkatapos namin doon sa Angels Care ay dumiretso na kami dito dahil pagabi na din naman kami pinauwi ng mga bata.

"Huh?"

"Pero bakit mas natuturn on ako nung nag simula kang mag guitar at mas lalo na nung kumanta ka"

"A-ano ba pinag sasabi mo diyan?" umiwas naman ako ng tingin sakanya.

"Just... just don't mind me eh uwi na kita? para naman makapag pahinga ka na" tumango nalang ako sakanya at hinatid niya ako sa condo unit ko talaga.

"Salamat pala sa araw nato Sab hindi ko to makakalimutan"

"Walang anu man, salamat din ako din hindi ko to makakalimutan, it's the best day ever thank you for experiencing this to me"

"sige na mag pahinga ka na, wag mo ng buksan ang pinto kung sino man okay?"

"Opo ingat ka sa byahe" tumango naman ito at umalis na kaya sinara ko na yung pinto at nilock.

Ngayon ko lang naramdaman yung pagod ng makita ko yung kama ko.

-
Michael's POV

"Mic may issue ka na naman" sa pag pasok na pag pasok ko talaga sa dance room iyon agad ang sinabi saakin ni Carson.

"Yieeeee lumalovelife na kasi itong si Michael" -Van

"Sana all hahaha" -Frans

Kinuha ko naman yung tablet kay Carson.

Michael Edmond Cortel donated a books, school supplies and hygiene tools to Angels Care!

Michael being spotted in many places yesterday, first in the National Book Store, he's with someone buying a books and school supplies. According to the picture above, Michael is making sure that the identity of the girl who is with him is secure. Second in the groceries store at the same mall where he buy a book and school supplies. Third in the Angels Care, we can't captured a picture with the face of the girl reveal. Michael and the girl is donated personally the books, school supplies and hygiene tools to the children of Angels Care. Michael is donating since then but this is the first time seeing him donating personally. Is the girl who is with him is the reason of this? and the girl in the picture is the same girl who is with Michael in the hospital? if it is then it's confirm it's his girlfriend"

"How come this paparazzi can confirm that Sab is my girlfriend?"

"Masundan ka nga kaya nila ano pa kaya ang pag confirm without you?" -Frans

"Ayaw mo padin ba mag salita tungkol dito Michael?" -Carson

"Ayoko padin, mamumuti nalang buong mata nila ayoko padin mag salita tungkol diyan"

"Pano nalang si Sabby?" Aedyx

"Bakit? ano meron?"

"I mean pano nalang siya? eh kung sayo okay lang pano naman sakanya?"

"Kung hindi nila kilala sino ang palagi kong kasama diyan sa mga larawan I thinik it's okay for her"

"Ask her Mic" -Carson

"Okay"

-

Sabrina's POV

"Saaaaaaab" hinilot ko naman yung ulo ko ng marinig kong sumigaw si Joy sa labas ng kusina.

Kasalukuyan akong andito sa kusina at hinihintay ang mga cookies na maluto, at may inaasikaso sa schedule ko this upcoming friday.

May nag book saakin na ako daw gagawa ng wedding cake nila, at dahil kilala ko naman yung ikakasal pinag bigyan ko na, hindi pa kasi ako sanay sa na gumawa ng cake na malalaki kaya for sure mapapasubo ako nito.

At sa Saturday naman, hahanapin ko yung tinutukoy kong mga pulubi na mga bata, yung palagi kong binibigyan ng cake, dahil dadalhin ko na sila sa magiging bahay nila.

"Saaaab!" nilingon ko naman itong si Joy na parang may masamang nangyari kung makasigaw.

"Ikaw to diba? ikaw toooo!?"

"Ano ka ba? ba't di ka kumalma diyan? baka akalain ng mga tao na may baliw akong pinapasok sa shop ko"

"To naman, ngayon nalang ulit kita dinidisturbo di na nga kita kinukulit ngayon nalang ulit"

"Ewan ko sayo ano ba kailangan mo? alam mong marami akong gawain"

"Ito, diba ikaw to? alam ko hulma ng katawan mo kahit pa blurred at natakpan mukha mo alam kong ikaw to" binigay niya naman saakin yung tablet niya.

Kumunot naman ang noo kong kinuha ito, napasinghap nalang ako sa gulat ng makita yung mga larawan

"At hindi lang yan! nabasa mo na ba yung article tungkol sa hospital?"

"Bakit meron silang larawan? pano nila to nakuha?"

"So tama nga ako? na ikaw yan!?" kilig kilig naman itong parang bulati na sinabuyan ng asin.

"Pano nga at bakit?"

"Di mo ba alam sa panahon ngayon Ms. Sabrina Barie Martes na masipag nang mag trabaho ngayon ang mga paparazzi kahit pa wala silang makuhang impormasyon sa isang artista susundan at susundan nila ito at isa pa hello! baka nakakalimutan mo na si Michael Edmond Cortel ang kasama mo? isang myembro ng sikat na grupo dito sa bansa natin?"

"Alam ba nila na ako yan?" kinuha niya naman ang tablet saakin.

"Sa pag babasa ko ng mga article tungkol sayo at kay Michael hindi nila alam na ikaw yan, at hanggang ngayon tahimik pa si Michael tungkol dito, alam mo ba sa isang interview na kahit anong itanong sakanya may maiisagot nga siya pero wala silang makuhang impormasyon, napanuod mo yun? ano naman silbi ng tv niyo dito sa shop na sobrang loyal sa iisang channel lang at sa nakikita ko yan din na channel pinalabas yung interview nila"

"Yeah napanuod ko yun, kung ganon wala naman pala silang nalalaman na ako yun ano naman ginagawa mo dito?"

"Grabe ka naman gusto ko lang malaman kung totoo ba na ikaw to? na tama ba ang hinala ko"

"Then Happy? alam mo ng ako yan umalis ka na"

"Hindi mag uusap pa tayo, so ano nga teka yung sa hospital muna, bakit ka nga ba nahospital non?"

"Nag inoman kami ni Lance"

"Lance? yung kaibigan mo na may gustong gusto sayo?"

"Hindi ako gusto non"

"Ikaw lang yung bulag che!, pagkatapos ng inoman niyo ano nangyari?"

"Ewan nagising nalang akong na hospital at andon din si Michael"

"So hinayaan mo lang siyang alagaan ka niya? sweet niyo naman"

Naalala ko na naman yung nangyari sa hospital at nag simula na namang bumilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko ang init ng pisnge ko.

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon