#Chapter20

61 2 0
                                    

#Chapter20

Sabrina's POV

"Good Morning"

Napasinghap naman ako at napabangon ng wala sa oras.

Sa pag bukas nang aking mga mata ang bumungad saakin ay si Michael.

"Hey, chill, bakit ka ba dito natulog? may kwarto ka naman"

"Ah? inaantok na kasi ako kagabi di ko nga natapos yung interview niyo"

"Sabi ko naman sayo wag mo ng panuorin sobrang lalim na ng gabi non"

"Bakit ka ba andito? dapat nag papahinga ka na ngayon"

"I'm fine, dito nalang ako mag papahinga Sab"

"Bakit?"

"Kasi andito ka"

"Alam mo namang may trabaho ako diba?"

"Yeah but please stay?" niyakap niya naman ako ng sobrang higpit.

"Fine, dapat mag pahinga ka"

"Opo, Sab"

"Uhm?"

"Sumama ka sa concert namin"

"Alam mo ang isasagot ko diyan Mic"

"Uhm, yeah? gusto lang kasi kitang makita at alam mo bang matatagalan ulit tayong mag kita kung mag sisimula na yung concert"

"I'm fine with that Mic, ang akin lang wag na wag mong pinapagod yung sarili mo, pagkatapos ng concert pag pahinga ka kaagad"

"Mamimiss kasi kita"

"Mamimiss din kita"

"Sumama ka na"

"Uso ang tawagan Mic" tumawa naman ako ng mahina sakanya.

"Ayoko gusto kitang makita"

"May video call"

"Ayoko din gusto kita makita sa personal yung ganito"

"Ano ka ba parang isang taon ka mawala"

"Mamiss kasi kita eh"

"Hahanap nalang ako ng oras na pupuntahan kita okay ba yun? hindi talaga ako sasama sayo Mic sorry"

"Fine"

Tumahimik naman kaming dalawa. Tumayo naman ito at pumasok sa kwarto. Napakunot naman ang noo ko sa inaasta niya.

Sinundan ko siya, nakahiga na ito sa kama ko at nakapikit. Nilapitan ko naman ito.

Kakausapin ko sana ng marinig ko ang pag hilik niya.

"Sleep tight baby" I kiss him peck in the lips before I enter the bathroom.

-
Dahil wala akong nagawa buong araw dahil tulog naman yung naging rason bakit hindi ako pumasok sa shop kaya buong araw akong nag linis ng condo unit ko.

Ngayon dinner na, nag luluto ako ng adobong manok ng biglang may yumakap saakin sa likod kaya umikot naman ako para makita si Michael.

"Uhm? gising ka na pala? how's your sleep?" hinalikan niya pa ako ng mabilis sa labi, at papikit pikit pa ito.

"Amazing"

"Inaantok ka pa? matulog ka muna, mag luluto lang ako ng makakain natin gigisingin nalang kita pagkatapos nito"

"Ayoko, I miss you" at ulit hinalikan niya ulit ako sa labi, hinalikan ko naman to pabalik pero pinutol ko naman agad.

"Doon ka muna sa kusina mag luluto lang ako" tinalikuran ko naman siya at bumalik sa tinatrabaho ko pero yumakap ulit siya at nilagay ang baba sa balikat ko.

"Michael, di ko to magawa ng maayos kung andiyan ka"

"Ano ba ginawa mo buong araw habang tulog ako? ang bango bango mo"

"Tumigil ka nga, nag linis lang ako ng condo Michael"

"Nag linis ka?"

"Yes, sige na umalis ka na nga di ko to matapos tapos nang dahil sayo eh"

"May panaginip ako Sab, napanaginipan kita, pag umalis ako para sa concert ah? mag ingat ka palagi? at wag na wag mong hayaan ang sarili mo na agawin ka ng iba saakin ah?, kung mag papaagaw ka saakin wala na akong magagawa, manghihina na siguro ako Sab." kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya, naramdaman ko naman ang pag higpit ng yakap niya saakin.

"May problema ba Mic?"

"Wag na wag kang maniwala sa mga sabi sabi ng iba ah? baka yun pa ang maging rason na iwan mo ko"

"Saakin ka lang maniwala Sab, at kung may aagaw man sayo isipin mo ko Sab, baka pag uwi ko dito wala na akong girlfriend"

"Ano bang pinag sasabi mo diyan?" haharap sana ako sakanya pero sobrang higpit ng yakap niya saakin.

"Kung mapipilit lang kitang sumama saakin para mabantayan kita, para hindi ka maagaw ng iba saakin. Ikaw lang yung babaeng ayaw na ayaw kong mawala Sab, well except to my mom and sisters."

"Teka nga Michael nag dadrama ka ba para lang mapasama mo ako sa concert tour niyo?"

"Hindi, ayaw ko lang mangyari yung napaganipan ko. I trust you but the people around you wala akong tiwala sakanila, kahit pa mga kaibigan mo, kahit pa si Lance yan."

"Teka nga" humarap naman ako sakanya ng maramdaman ko ang pag luwag ng yakap niya pero yumakap ulit ito saakin at sinandal ang ulo sa balikan ko.

"Tanggap ko ng ayaw mo talagang sumama saakin Sab."

"Eh ano tong dinadrama drama mo?"

"Nanaginip nga ako" tumawa naman ako ng mahina.

"Panaginip lang yun Mic, para ka namang bata eh"

"Kahit na may mga panaginip na nangyari na, kaya nga sinasabi ko yun sayo para naman aware ka"

"Di ko alam na may ganito ka palang side"

"Tsk lambingin mo nalang ako Sab"

"Alam mo? mamaya na kita lalambingin, mag luluto muna ako para may makain na tayo"

"Mag asawa na kaya tayo?" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Nababaliw kana Michael tumigil ka nga"

"Ayaw mo ba?"

"Wag mo ngang pinapadali yung oras"

"Gusto kitang maging asawa Sab"

"Ganito ka ba sa tuwing nakakapag pahinga galing sa nakakapagod mong trabaho?"

"Totoo kasi"

"Ewan ko sayo, bakit ba bigla nalang yan pumasok sa isip mo? nakakagulat ka na ah?"

"Sige na nga sa susunod nalang ulit kita tatanongin"

"Aba" Umalis naman ito sa kusina, napailing nalang ako habang sunusundan siya ng tingin.

"Problema non?" bulong ko sa sarili ko.

Bumalik nalang ako sa ginagawa ko.

-
Natapos kaming kumain, tahimik lang kaming kumakain dalawa, parang may iniisip kasi itong isa to kaya hindi kumikibo.

Niligpit ko naman yung mga plato pero hinila niya ako paupo sa binti niya kaya naman napalingon ako sakanya pero sobrang lapit ng mga mukha namin, nakangiti pa ito.

"I miss you" bulong niya.

"Mag huhugas pa ako Mic"

"Mamaya na yan Sab, lambingin mo muna ako, bingi ka ba? sabi ko miss kita." niyakap niya naman ang bewang ko, binitiwan ko ang mga platong hawak ko sa mesa at niyakap siya sa batok niya.

"Ano ba gusto mong lambing Mic?"

"Yung hindi ko makakalimutan Sab" napangiti naman kaming dalawa at hinalikan ko siya.

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon