#Chapter3

76 2 0
                                    

#Chapter3

Sabrina's POV

"Hindi ka lang pala magaling sa cakes"

"Bakit?"

"Masarap yung kape mo, may kasama ka ba dito?"

"Yeah, siya yung nagbabantay dito sa labas ako yung nasa loob, ako lahat gumagawa ng pagkain dito at ayokong may kasama don"

"Bakit?"

"Mas gusto ko yung trabahong ako lang?"

"Buti nakayanan mo, sa trabaho ko kailangan ko pa ng tulong"

"Sanayan lang yan"

"Actually si Kiana yung tumulong saakin sa solo album ko"

"Ganon? di ko pa nakikitang mag trabaho yun, ano ba siya mag trabaho?"

"Sabi ni Ae nakakaturn on siya pag nasa harap ng workstation, for me, normal lang pero magaling naman siya."

"Ganon"

"Yeah, baka sayo ko maranasan yung sinasabi ni Ae na turn on"

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway, pero umiwas nalang ako ng tingin sakanya.

"nambola ka pa"

"Malay natin, pag nakita kitang mag trabaho diyan sa kusina mo baka makita ko yung sinasabi ni Aedyx"

"Baliw" tumawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

"Nga pala bakit ka ba lumabas kanina?"

"Bakit ka naman sumunod?"

"Ako una nag tanong eh"

"Na sosofocate ako don, hindi talaga ako yung tipo ng babae na gusto ang bar"

"Sinundan lang kita baka kasi ano mangyari sayo"

"Kaya ko naman yung sarili ko"

"Gusto ko pa kitang makausap"

Tumahimik naman kaming dalawa.

"Pwede ko bang kunin yung number mo?"

"Bakit?"

"Baka oorder ako ng cake sayo nalang" ngumiti naman ito.

-

"Asan ka kagabi? ba't di kita mahagilap?" nilingon ko naman si Lance.

Kagigising ko lang dahil sakanya, kung di ko siya pag bubuksan ng pinto siguradong yung mga katabi kong condo unit ang mag rereklamo.

"Oyyy asan ka nga?"

"Sa shop"

"Lokohin mo na lahat Sab wag ako"

"Edi wag kang maniwala" humiga naman ako sa sofa inaantok pa ako.

"Wag ka na ngang matulog diyan, ipagluluto na kita ng breakfast, maligo ka na"

Ganito lage ang scenario namin, binubulabog niya ang condo ko, siya na ang naging alarm ko sa araw araw pero pumupunta lang naman yan dito dahil walang pagkain sa condo niya, pinapalusot niya lang na para masigurado niyang kumakain ako ng breakfast.

May hobby kasi akong hindi kumakain, pag hindi nakaramdam ng gutom hindi kakain si Sabrina, kaya ito siya.

Kaibigan ko na si Lance simula palang college kami kaya kahit saan ako mag pupunta susunod yan, buntot ko kasi.

Tinamad naman akong bumangon at dumiretso sa kwarto para sundin ang sinabi niya.

Ewan ko ba bakit ang mga kaibigan ko sobrang kulit, kabaliktaran ng ugali ko. Kahit pa siguro dito ako matulog ngayon sa kwarto papasok si Lance ng walang pag alinlangan at kukulitin ako hanggang sa maliligo na ako.

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon