#Chapter15

59 2 0
                                    

#Chapter15

Sabrina's POV

Tatlong linggo...

Talong linggo na akong sinusuyo ni Michael I mean nililigawan.

Akala ko nung una hindi siya seryoso pero ginawa nga niya yung sinabi niya sa condo ko.

Nung una okay pa ako, pero habang tumatagal talagang sa ilalim na ako ng lupa pupulutin nito dahil sa sobrang hulog ko na.

"Ano na naman ba iniisip mo Sab? lutang ka na naman"

"Di ko alam na bawal na palang mag isip ngayon" inirapan ko naman itong si Lance.

Dalawang linggo na din niya akong hinahatid at pumupunta siya agad agad dito sa shop ko pagkatapos ng shift niya. Dahil napansin niyang si Michael nga nag susunod at nag hahatid saakin sa condo kaya ito siya binabakuran ako.

Sa tuwing umaga bumalik yung dating routine niya, binubulabog na naman ako sa condo ko.

"Sungit mo na saakin"

"Matagal na akong ganito Lance"

"Hindi ka naman ganyan dati eh" inirapan ko naman siya.

Simula nung binabakuran ako ni Lance pumupunta nalang si Michael dito sa shop ko at tinutulungan ako sa araw araw, ikaw ba naman noon mabibilang ko lang ang mga customer ko sa isang araw ngayon nauubusan na akong mag bilang eh.

At dahil din sakanya dumadami yung customer namin, minsan na din akong nag pasalamat sakanya ng sobra para don.

Naging kilala yung shop ko dahil sakanya.

Minsan din gumagala kaming dalawa kaya minsan itong si Lance pag uwi ko galit na galit palagi dahil sumama daw ako kuno kay Michael o kung ano ano pang pinuputok ng bibig niya.

"Umuwi na tayo Sab"

"Umuwi ka mag isa, di pa tapos business hour"

"Wala ka na namang costumer eh"

"di naman kita pinipilit na sundoin ako"

Wala ngayong araw si Michael dahil may fansign event siya, isasama niya sana ako pero tumanggi ako dahil walang magiging katulong si Ate Olive.

Nag ring naman yung phone ko kaya agad akong lumayo kay Lance habang dala dala ko yung phone ko, pag di pa ako lumayo sakanya siguro akong siya ang sasagot sa tawag at ayokong mangyari yun.

Di ko talaga siya maintindihan ngayon, simula nung naghiwalay sila ng girlfriend niya, nag bago na siya and it makes me feel uncomfortable

"hello?"

"busy ka ba ngayon?"

"Huh? hindi bakit?"

"Andiyan ba bestfriend mo kung umasta parang tatay o kapatid na lalaki?" nilingon ko naman si Lance at sobrang sama niya kung tumingin.

"Oo"

"Gusto mo pumunta dito sa kompanya?"

"Ano naman gagawin ko diyan?"

"Kinukulit kasi ako nila Van at Frans na papuntahin ka, nag salo salo kasi kami na grupo"

"Oh?"

"Sabby?! miss na kita halika na dito! kunin mo kasi siya Mic!" rinig kong sabi ni Van.

"Mag hintay ka nga" Michael, di ko naman mapigilang ngumiti sakanilang dalawa, tumalikod naman ako kay Lance di ko kinalimutang umirap sakanya.

"Sige, bilisan niyo please" mahina kong sabi.

Foolish Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon