Chapter 28 - Takas

5 0 0
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

28th

(Theya’s POV)

“THEAYA”

Sagot sa skin ni Klein na nasakabilang linya. Yep si Klein nga yung tumawag sa akin at nakakaramdam nanaman ako ng problema.

“bakit ba? Makasigaw ka naan diyan akala mo hinahabol ka ng stalker mo.” Inis na sabi ko.

“eh hinahabol naman talaga ako ehh. Asan ka ba? Tulungan mo naman ako. Please.” Sagot sa akin ni Klein na mukhang pagod.

So hinahabol nga siya nung stalker niya? Grabe naman lataga mga tao ngayon. Kaya ang daming na re-rape eh. Tsk.

“nandito ako sa park. Ikaw nasaan ka ba? Kasi naman kung saan saan ka nag gumagala.”

“Tsk. Nandito ako sa mall. Tulong naman. Puntahan mo ako. Please.” Pag mamakaawa pa niya. Medyo nagugulat pa nga ako kasi bihirang makiusap tong taong to. Alam niyo na, mayabang ehh.

“ABA! Ikaw kaya may kelangan, ikaw pumunta dito---“ nabitin bigla sa ere yung sasabihin ko at tila na estatwa sa kinatatayuan ko kasi may nakita akong di kaaya-aya. O to the M to the G!

“Hoy, ano na? natameme ka na diyan?” sigaw nung tao sa kabilang linya na nag pabalik ng ulirat ko.

“K-klein, yung ano…” pautal na sagot ko. Kinakabahan kasi ako

“Ano?” inis na tanong niya.

“Yung…stalker ko… andito..”

“Tsk. Sabi na ehh. Punta ka dito ok?”

“O-okay” wala sa loob na sabi ko.

Kinakabahan kasi talaga ako pag nakikita ko yung lalaki na yun. Kasi naman, nakakatakot talaga yung paghabol niya sa akin tapos nalaman ko pa na nag papatingin daw yun sa phsycology. Di naman sa pag ju-judge, pero natatakot ako. Haaay

“hey, may favor pa ako. Nasa malapit kasi si Jade, please can you say ‘Ilabyu’?”

Ano daw?

“HUH? Anong sabi mo? Di ko naintindihan”

“SABI KO SABIHAN MO AKO NG ILOVEYOU!” medyo malakas at inis na sabi niya.

“ahhh… I LOVE YOU lang----“ ano daw? I love you?

“I LOVE YOU TOO. Kita tayo mamaya. BYE.” Sabi niya sabay baba ng phone niya.

Love in DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon