~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
14th
(Klein’s POV)
Papasok na ako sa gate ng school ng may tumawag sa pangalan ko kaya naman napalingon ako agad dahil kilalang-kilala ko ang boses na yun.
“ang bilis mo maglakad mine. Nakakahingal ka habulin.”
“hindi naman. Mabagal ka lang.”
“ang sama ng ugali mo! >3<”
Tumawa ako at ginulo ang buhok nya. At inakbayan ko na para sabay na kami pumasok ng school.
Nga pala, sya ang girlfriend ko. Proud ako dito kasi bukod sa maganda, matalino pa at hindi nakakainis na nagiinarte. Ayaw nya na pinapabuhat saakin yung bag nya eh, kasi daw parang timang lang dahil bag mo yun tapos ipapadala mo sa boyfriend mo, katamaran daw yun. Nga naman, bakit ka mag dadala ng bag kung ipapadala mo naman sa iba buti sana kung marami kang dala diba. Pero yung isang bag lang naman, kaya na naman daw nya yun.
Lagi kaming ganito, hindi kami sabay pag pasok dahil nag momotor sya at ayaw nya raw ng abala, kaya nya naman daw pumasok mag isa. Pero sabay naman kami lagi mag lunch at umuwi.
Hinatid ko na sya sa room nya at nagpaalam na din ako para pumunta naman sa room ko. Sakto naman ang pagdting ko sa room dahil nag announce sila na hanggang 12 lang daw kami dahil may pupunta dito sa school na mag che-check ng facilities. Kaya naman naisipan kong ayain mamaya si MINE ko na lumabas.
.
.
.
..
Di rin naman nagtagal at uwian na. haha… na excite ako bigla!
Inuntahan ko na sya sa room nila at nakita ko na nag lalabasan na yung mga kaklase nya, nakita ko na rin si Kendice at Sandy.
“kendice, asan si Theya?” tanong ko kay Kendice. Mag kaklase kasi ang kapatid ko at ang GF ko
“palabas na, inaayos lang yung gamit nya… ayan na pala eh.” Sagot naman nya
Agad ko naman nilapitan si MINE ko at kiniss sa cheeks.
Nag paalam na din kami kila kendice at sandy.
“labas tayo? Saan mo gusto pumunta? Tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami.
“aba, malay ko sayo. Ikaw tong nag aaya tapos ako tatanungin mo? Piratin kaya kita.” Sagot naman nya.
“tignan mo to, nag tatanong lang tatarayan na ako. Kundi lang talaga kita mahal ehh.”
“well, wala ako magagawa. Mahal mo ko ehh, hahaha.”
“kaya nga!..haha, halika nga dito.” At ipinalapit ko sya saakin at inakbayan. >:))
.
.
.
Dinala ko nalang sya sa may park dahil wala kaming maisip na puntahan. Nag aya nalang siya na kumain ng streetfoods kaya doon ko nalang sya dinala.
Habang kumakain kami ay nagulat nalang ako sa tanong nya.
“MINE ko, anong nagustuhan mo sa akin?” tanong nya
“wala” simpleng sagot ko.
Nangunot naman ang noo nya.
“eh kung wala pala, bakit mo ako niligawan at ginawang girlfriend? Wala ka naman palang nagustuhan sa akin.” Sabi nya at halatang nag tatampo na.

BINABASA MO ANG
Love in Dream
Ficção AdolescenteThey say that dreams are opposite of the reality. They said that you dream a certain thing beacause you think of it. what if hindi mo naman iniisip yung bagay na yung pero napanaginipan mo. ni hindi mo nga alam yung bagay na iyun ehh. Eh ano nga ba...