Chapter 25

5 0 0
                                        

25th

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

(Klein’s POV)

 

 

 

 

Kakalabas ko palang ng room nung may tumawag sa akin, napalingon naman ako at pinagsisihan ko ito. shet naman, itong babae nanaman na ito? akala ko pa man din matatahmik na ang college life ko yun pala dito din ito nag aral? Ewan nga kung pag kakataon lang to o sadyang sinundan niya ako. Badtrip!

 

Sinong babae ang tinutukoy ko? Si Jade lang naman, yung babaeng sunod ng sunod sa akin, phsycotic stalker nga kung tawagin ni Kendice. At eto nanaman siya, sumusunod sa akin. Ano nanaman bang gusto nitong babaeng to?

 

“Klein, please naman pag bigyan mo naman ako ohh, date tayo kahit sa mall lang, watch lang tayo ng movie then eat dinner, please.”

Yan, yan ang laging niyang sinasabi sa akin since then. At pauli-ulit ko ding sinasabi na ayaw ko. Alam naman ng lahat na suplado ako at may pagka hard kung mag salita, wala akong paki kung ngumawa siya pero kahit paulit-ulit ko na siyang sinabihan ng kung ano-ano, ewan pero ang tigas niya. Kainis!

 

Binilisan ko na lang ang paglakad ko papunta sa locker’s area, kainis kasi yang si Michael eh, iwan ba naman ako. Siya na ngalang ang kaklase ko, aytss..

 

Sinusundan pa din niya ako kahit na anong bilis ng paglakad ko, naiirita na ako, kaya noong nakahanap ako ng pagkakataon, dali-dali akong nag tago sa pagitan nitong mga locker, kainis, napagod nanaman ako sa kakatakbo dahil sa babaeng yan.

 

Di pa ako nag tatagal na nakatago dito ay may napansin ako sa di kalayuan, babaeng mabilis na tumatakbo di ko naman masyadong maninag kung sino dahil kumakaripas ito ng takbo at busy ako sa pag tago. Sinundan ko ito ng tingin at napansin kong may humahabol na lalaki sa kanya, siguro boyfriend niya yun at nag away sila kaya nag iinarte para habulin, ay nako, mga babae nga naman.

  

Pero nag kamali pala ako, habang papalapit sa kinalalagyan ko yung babae, unti-unti ko nang nakilala kung sino ito, at sa palagay ko alam ko na din kung bakit siya humahangos sa pagtakbo. Si Theya, hinahabol siya nung lalaki, siguro ito yung stalker niya na sinasabi nila kanina. Nang nakalapit na sa akin si Theya ay dali-dali ko siyang hinablot sisigaw pa sana siya dahil siguro sa gulat pero agad ko ding natakpan ang bibig niya. Mahirap na, baka makita pa kami nila dito. Agad naman niya akong nakilala.

 

“ui, anong ginagawa mo dito?” tanong nito

 

“shhhh. Wag ka nga maingay, katulad mo, tinatakasan ko din yung aning kong stalker kaya kung ayaw mong mahuli nila tayo, wag kang maingay ok?” sagot ko

 

Masyadong maliit itong pinag tataguan namin at medyo nakaka-akward ang pusisyon, kung titignan kasi, mukha na kaming magkayakap. -___-

 

Teka, mukhang wala na yung mga humahabol sa amin ahh.

“ok ayan wala na sila.”

Tapos ay lumabas na kami dun sa pinag tataguan namin.

 

“ayusin mo nga yang itsura mo, punasan mo yang pawis mo.” Sita ko sa kanya sabay abot ng panyo, puno kasi ng pawis yung mukha. At inabutan ko siya ng panyo ko.

Love in DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon