Chapter 26 - CLEAR!

5 0 0
                                        

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

26th – Clear!

(Klein’s POV)

“SHIT! Wag mong bilisan!” hulaan niyo kung asan ako. Psh. Edi eto, nakasakay sa motor ni Theya.

Kung may choice lang ako. Paano kasi pinag mamadali na kami pumunta doon kila Layra kami nalang daw kasi ang kulang at may pag uusapan pa daw kami. Ano nanaman bang kalokohan yun? Napasakay pa tuloy ako sa motor ni Theya ng wala sa oras.

“Wag ka ngang maingay diyan. Di naman ako mabilis ahh, ang OA mo lang.” di daw mabilis.

“Anong hindi mabilis. Eh kung sumemplang tayo dito, may magagawa ka ba?”

“Alam mo, ang dami mong argumento, wag ka mag alala at naka helment ha naman, di ka mababagok.”

“Oo nga’t naka helmet ako, eh ikaw, naka helmet ka ba? Bakit kasi iisa lang ang helmet mo? At hello kitty pa, ano nalang iisipin ng mga tao pag nakita nilang may suot akong ganito?”

“E malay ko bang may aangkas sa akin ngayun. Wag ka na ding mag alala sa akin, matigas bungo ko kaya ok lang ako at hindi ko naman ipapahammak ang sarili ko. At, ok naman sayo yang helmet ehh hahaha. Cute!”

Psh. Cute? Di ako cute, gwapo ako. Gwapo!

“psh, mag concentrait ka na nga lang dyan sa pag da-drive para makarating na tayo agad.” Partida yan ahh, nag uusapa kami ng pasigaw. Malamang naka motor kami.

Ilang saglit lang din at nakarating na kami kila Layra. Andito na nga ang mga mokong, naka park yung mga sasakyan dito sa tapat ng bahay. Inaya ko na si Theya pumasok sa loob pag ka park niya ng motor.

Haay, napapagod na ako sa POV ko. Si Theya muna mag kukwento ah, till next time *Wink*

(Theya’s POV)

Ok ako naman. Na miss niya ba ako? O baka naman si Klein lang talaga gusto nyong mag kwento? Hahahaha, sorry kayo dahil na hihirapan si magandang Aielle sa pag tataype ng POV ng lalake, bakla daw kasi siya ehh. Hahaha. Sira ulong babaita!

By the way high way, eto na nga. Mag kekwento na ako.

Naiirita talaga ako kay Klein sa totoo lang. actually, ok naman siya kasama eh, yun nga lang, puro reklamo, katulad nalang nito, nakisakay na ngalang sa motor ko kunga ano-ano pa ang sinasabi, kesyo daw bagalan ko eh hindi naman mabilis ang pag papatakbo ko sa motor, kesyo daw iisa lang ang helmet at color pink na hello kitty pa. Eh kaya lang naman isa yun kasi bihira lang naman ako may iangkas sa motor ko last nga lang nun ay si Khyllie at himala lang na may dala akong extra na helmet and anong magagawa ko kung ang helmet ko ay hello kitty? Well, favorite ko kasi si hello kitty and favorite  color ko pa ay pink at isa pa, bigay kaya sa akin ni daddy yun galling nung pumunta siya sa London, nakita niya daw yun tapos agad niyang binili kasi alam niyang matutuwa ako at hindi nga siya nag kamili. Hahaaayyy, na miss ko ni si dad. :(

Laking pasalamat ko nalang nung nakarating na kami kila Layra, agad kong pinark yung motor ko para makapasok na din kami ni Klein sa loob. Haaay for sure nasa hot seat ako mamaya.

“Hey, lika na at alam kong kanina pa sila nag hihintay sa atin sa loob.” Imik ni Klein sa tabi ko pero ang ikinagulat ko ay nung bigla niya akong akbayan at iginaya papasok sa bahay nila Layra.

Oh well, siguro ganito lang talaga siya, kasi may kapatid siyang babae, ganito din kasi sa akin yung dalawa kong kuya, kaya nga minsan napagkakamalan akong syota nung mga yun ehh. Ay nako!

Pumasok na nga kami ni Klein at ang nadatnan lang naming sa sala ay si manag Fe yung kasama sa bahay nila Layra, nasa garden daw ang mga abnormal. Kaya ayun nag punta na kami ni Klein kung nasaan sila. Ganun pa din kami, nakaakbay siya sa akin at cool na cool lumaklad samantalang ako, iniisip ko kung anong pwedeng itanong sa akin nitong mga to.

Love in DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon