Chapter 11- That Day!

80 0 0
                                        

11th

~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Altheya’s POV)

Saturday ngayon at nandito ako sa mall mag-isa!

Yep! Alone nanaman ang beauty ko. Bakit? Waley lang ulit! Hehe…hahanap lang ako ng pwedeng iregalo kay Layra since sa next week na birthday ng lola nyo! Haha.

Aga ko ba mag hanap ng regalo? Hmm…wala lang, para hindi na nakakahaggared na mag hanap kapag malapit na. para din makapili na agad ako ng Magandang ibibigay. And, bakit mag-isa lang ako nag hahanap ng regalo? Wala lang ulit! Gusto ko kasi na suprize yung gift ko, na ako lang ang makakakita at mas nakakapag hanap ako ng regalo kapag mag-isa, concentrated ako masayado eh! Ahahaha

Ang kaso, nakakabagot din pala mag-isa, si khyllie at iza kasi kasama ngyun ng pamilya nila, si mommy kasi nasa Davao, dinalaw yung pinsan nya tapos si kuya Ranze naman, may date sila nung GF nya na si ate Denisse tapos si kuya Rezan naman, asa office so loner talaga ako nayun, pero ayus na yun…makakapag concentrate ako nang manuti sa pamimili.

Ayun, so nag lalakad-lakad lang ako dito sa mall, shopping na din ako ng damit at shoes ko habang nag hahanap ng mareregalo kay Layra ng biglang may lumapit saaking babae, siguro nasa late-40’s na s’ya. Hinarangan nya ako at tinignan mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri ako ng mabuti, kakatakot! >.<

“ahhh…ehh..excuse lang po manang, may problema po ba?” tanong ko. Kakatakot kasi sya tumingin ehh

“wala naman iha…marunong ako mang hula, gusto mo hulaan kita? May nakikita kasi ako saiyo, wala namang bayad ito, gusto ko lang makatulong sa bumabagabag saiyo.” Sagot naman saakin nung ale.

Hmmm? Hula? Di ako naniniwala sa hula ehh…pero try ko kaya, wala naman daw bayad ehh :PP

“hindi po kasi ako masyado naniniwala sa hula” sagot ko ulit sa ale

“hindi naman kita pinipilit maniwala iha, may gusto lang akong sabihin at ipayo saiyo dahil may nakikita ako saiyo”

“ahhmmm…sige na nga po, wala namang mawawala ehh”

Nagpunta kami doon sa may bench dito sa mall para doon kami makapag-usap, medyo kinakabahan din ako dito sa manang na ito dahil kanina nya pa ako tinititigan, yung tipong tingin na parang binabasa ka nya, hindi naman nakakatakot pero nakaka-kaba kasi.

Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ako sa mata bago nag-salita.

“ineng, nitong nakaraang buwan ay nananaginip ka ng isang lalaki na hindi mo kilala, tama ba ako?” umpisa nya

O____O

Nanglaki ang mga mata ako at parang nanglaming sa kinauupuan ko. Paano nya nalaman yun? Ibig-sabihhin, hindi sya fake?

“ahh…o-opo”

“at eto pa iha, hindi lang sya ang andun sa panaginip mo, nanudoon din ang mga kaibigan mo at lahat kayo ay may mga lalaking kasama, may mga nakilala ka ding tao doon sa panaginip mong iyon na hindi mo pa nakikita at nakikilala, tama ba ulit ako?”

Tumango nalang ako bilang tugong dahil hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi nitong babaeng nasaharapan ko.

“masyado kang naguguluhan kung ano ang panaginip mo iyon at nagtatanong sa iyong sarili kung bakit mo iyong napapanaginipan…..”

Huminto una sya bago ipag-patuloy ang mga sinasabi, ako naman ay tango lang ng tango.

“alam mo iha, sa aking palagay ay ang iyong panaginip ay isang senyales na matatagpuan mo na ang iyong mag-ibig, lahat ng taong nasa panaginip mo ay magiging parte ng buhay mo at ikaw din ay magiging parte ng kanilang mga buhay. Maging ang pag-ibig ng iyong mga kaibigan ay iyong nakikita sa iyong panaginip, marahil ay pangitain din ito para sakanila…”

Love in DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon