ONE PUNCH OUCH!

1K 46 2
                                    

Kasalukuyang naka upo ako ngayon dito sa Small Talk Cafe, wala si Roxy Busy siya dahil may Report siya bukas kaya hindi na siya sumama saakin dito sa Cafe. Patuloy paring nag si-sink in sa utak ko yung pangyayari kagabi parang isang Romantic movie na hindi na makalimutan ng aking utak dahil paulit ulit itong nag p-play sa aking isip.

Habang sa Ganoong pag-upo ko ay biglang sumulpot si Mark James saaking Harapan "pwedeng maki upo"naka ngiti nitong wika at tumango naman ako bilang Sagot.

"Mag isa ka wala ba yung mga kasama mo?"

"Ahh Wala eh Busy si Roxy para sa Reporting niya bukas siya kasi yung napili eh"

"Yung isa Si Zoren ba iyon nasaan siya?"tanong nito saakin habang abala sa Pag higop ng Kape

"Hindi ko din alam ehh wala siya kanina sa Class absent ata"at doon ay nangiti ito

"So pwede kaba mamaya? Tutal wala siya magagawa natin mamaya yung gusto natin"

"Huh? Ano ibig mong sabihin?"

"Ibig kong sabihin pwede tayong mamasyal mamaya para maka relax relax ka naman nakikita kita ang dami dami mong ginagawa"paliwanag nito kaya naka hinga ako ng mabuti akala ko kung ano yung ibig niyang sabihin.

"Ahh titignan ko hindi ko pa sure kasi Baka hindi ako payagan ni Mama"tugon ko naman at mukang nalungkot siya sa sinabi ko

"Pero gagawin ko yung best ko para maka Pasyal mamaya at isapa may bibilihin pala ako mamaya sakto iyon nalang yung irarason ko para pasamahin ako"dagdag ko dahilan para ngumiti ito.
-------------------------------------------
"Ano? Lalabas kananaman ng bahay? Nako nako Ken tigil tigilan mo ako diyan ah bakit hindi kapa bumili kahapon"sabi ni mama habang naglalaba dito sa Banyo ako naman ay naka upo sa tabi niya

"Ehh kasasabi ngalang kanina importante kasi iyon eh"palusot ko kasi kapag sinabi ko yung totoo hindi talaga ako papayagan

"Oh sige pero promise ka huwag kang mag papagabi ah"at doon ay nangiti ako sa sinabi ni mama at itinaas ang aking kaliwang kamay "Promise po uuwi po ako Agad"

At doon ay dali-dali akong tumakbo pataas saaking silid Sabay Palit ng aking damit. "Sige alis na po ako"pagpapaalam ko at doon ay lumabas na ako ng Gate.

Namasyal kami ni James (mark james) sa Mall bumili siya ng Damit niya at ako rin binilhan niya ako ayaw ko sana pero mapilit siya hindi daw na niya ako papansinin pag hindi ako pumili ng Damit kaya wala akong nagawa kundi pumili. Dalawang T-shirt lang naman ang kinuha ko black and White namay tatak ng Just do It at may logo ng Nike.

Pagkatapos non ay kumain kami sa KFC habang kumakain kami ay nag kwentuhan kami tungkol sa Buhay estudyante namin malungkot nga siya dahil ga graduate na siya sa Susunod na buwan at ako naman ay Grade 12 na sa susunod.

"Nakaka lungkot naman ang iksi lang ng pagsasama natin bakit kasi ngayon lang tayo naging close"malungkot na wika ni James

"James sadyang ganiyan talaga ang buhay may dadating may aalis pero ayos lang hindi naman kita kakalimutan eh ang bait bait mo pa. Sabi nga sa panood na pokemon XY series "friends have to go away but appart of them it stays with you""naka ngiti kong wika dahilan para mangiti din ito.

Nag-usap pa kami ni James hanggang sa napag pasiyahan nanamin umuwi alas 9 noong uuwi na kami kaya apura akong naglalakad dahil papagalitan nanaman ako ni Mama pero nandito naman yung binili kong materials ok lang ito nalang ang idadahilan ko.

Naglalakad kami dito sa labas ng nakita namin si Zoren papunta dito sa kinalalagyan namin. "Zoren namamasyal kadin heto pala yung materials na gagamitin natin sa project mo"sabay abot sa isang bag nang itapon nito kaya nagulat ako

"Bakit mo tinapon anong nangyayari sayo"naiinis kong wika sabay pulot sa mga materials at tinulungan ako ni James

"Anong ginagawa niyo dito gabi na ah!"sigaw nito saamin

"Bro inaya ko kasi si Ken na mamasyal muna ka-"hindi na natuloy si James magsalita dahil agad sinuntok ni Zoren si James dahilan para mapasigaw ako

"Zoren! Anong ginagawa mo! Nakakahiya ka!"sigaw ko habang inaawat silang dalawa at doon ay nagsitinginan ang mga tao sa paligid namin.

"Mga Bwisit kayo sige pa! Kampihan mo pa iyan tutal pareho kayon hayop mga P*tang ina niyo"sigaw nito saamin kaya agad ko itong sinampal ngunit hindi ko sinasadya dahil nagulat lang ako sa sinabi niya

"Zoren hindi ko sinasadya"sabi ko habang linalapitan ito ngunit tumingin ito saakin ng masama

"Zoren Sorry talaga hindi ko sinasadya"at doon ay bigla niya akong Sinuntok dahilan para matumba ako at sumadsad sa lupa

Parang Nasira naman na itong ilong ko sa lakas ng suntok ni Zoren at doon ay tumulo ito ng Dugo.

"Bro nag sorry nanga sayo gago kaba"sigaw naman ni James at doon ay nag rumble silang dalawa habang ako naman ay bulagta at nahihilo at dumidilim ang aking paningin kaya agad agad rumesponde ang mga security habang ang mga tao naman ay naka tingin at nanonood sila sa nangyayari.

Itutuloy..

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon