Sweet Revenge

848 36 0
                                    

"Ngayong araw mamimili tayo ng Representative dito sa classroom bilang Yes-O vice pres. Kasi yung president ay manggagaling sa Grade 12 kaya napag pasyahan namin na dito din manggagaling ang Vice" nakangiting sabi ni Sir Jericho saamin "I will let you nominate your friends in this class, please choose good-looking one. If you want to nominate please raise your hand" at doon ay nagtaas ng kamay ang alipores ni Keane sabay tingin saakin ng nakakalokong tingin.

"I gladly nominate ken manzon" sabay apir kay Keane at tumingin saakin ito at ngumisi

Aayaw sana ako nang biglang humawak si Zoren sa balikat ko at ngumiti, kaya naman wala akong nagawa kundi manominate.

"Anyone else?"muling tanong ni Sir Jericho at nag taas ng kamay yung isa pa niyang alipores

"I gladly nominate Keane" kaya nangiti si Keane sabay tingin saakin ng sarcastic

"Annyone else?"muling tanong ni sir Jericho pero walang sumagot. "Dalawa lang ang na nominate dito sa klase, and I don't want to choose kung sino kaya mag v-vote kayo"

"Whose in favor of Ken? Please raise your hand"utos ni sir at doon ay si Zoren, Roxy at iba pang kaibigan ko sa klase. Pero ang pinaka nakaka inis ay nagtaas din ng kamay si Keane na animoy nang iinis sabay ngiti.

"Ok, so whose in favor of Keane? Please raise your hand"utos ni Sir at madami silang nag taas ng kamay kaya napa tango nalang si Sir Jericho sa naging resulta

"So ang Yes-O Vice pres natin ay si Mr. Keane Congratulations"nakangiting bati ni Sir at pumalakpak silang lahat maliban lang saakin at napa hawak nalang ako saaking lapis ng mahigpit at naputol ito dahil sa matinding inis.

[Small talk Cafe]

"Harrgh! Ang sarap tirisin talaga itong si Keane napaka Warka niya! Alam kong sinavotage kanila"naiinis na wika ni Roxy sabay inom ng kaniyang Iced coffee

"Hayaan niyo nalang siya makakarma din iyon balang araw bwisit siya" hindi ko parin maitago ang inis kay keane, ano bang nagawa ko at naging masama siya saakin.

"Ganito nalang paano kung Bumawi naman tayo para mapahiya si Keane? Ano game?"

"Hoy! Kung ano man iyan huwag niyo nalang ituloy mapasama pa kayo niyan, ken hayaan mo nalang siya may araw din siya"sabi naman ni Zoren habang busy siya sa pagsusulat dahil may namiss siyang Lesson kahapon dahil linagnat siya.

"Basta kailangan niya din ng isang lesson para matahimik siya deserve niya iyon"tugon ko naman at nag apir kami ni Roxy

At iyon nga ang plano pumunta kami ni Roxy sa male restroom dahil nakita naming pumasok doon si Keane. Agad kaming sumilip sa pintuan at narinig namin ang usapan nila ng kaniyang alipores.

"Bongga Sista! siguradong napahiya natin doon si Ken nakaka inis ang gaga! Isama mo pa yung kaibigan niya chaka chararat!"sabi ng isa niyang alipores sabay tawa

"Alamin niya ang binabangga niya! At isapa may napapansin ako dito kay ken dahil ang lapit niya kay Zoren baka may Something silang tinatago"naka ngising sabi ni Keane habang nakaharap sa salamin at nag pupolbo

Kami naman ni Roxy ay nagulat sa pinag-uusapan nila kaya naman wala na kaming nagawa kundi ituloy ang plano namin ni Roxy. Linabas namin ang ninakaw naming palaka sa Laboratory ito kasi ang ginagamit nila kapag nag di-disect sila. Kumuha lang naman kami ng dalawa hihi.

Agad hinagis ni Roxy sa loob ang dalawang palaka sabay Sara ng pintuan at binaba ang lever ng fuse dahilan para mamatay ang ilaw at magkagulo sila sa loob ng Restroom.

Pasimple kaming umalis at nag tatakbo sa daan habang sina keane at mga alipores niya naman ay nagkakagulo. Nag apir kami ni Roxy at hindi maitago ang Saya dahil nakaganti kami kahit papano.

Pagdating namin sa Cafe ay nandoon si Zoren na nakatingin saamin habang papalapit sakaniya. Tila may nagtataka ito kung bakit kami nakangiting pumasok sa Cafe

"Anong kalokohan ang ginawa niyo!"tanong saamin ni Zoren habang kami ni Roxy ay umiling at ngumiti.

"Kayo ah! Kung ano ang pinag gagawa ninyo sinasabi ko sainyo baka kayo pa ang mapasama"muling sabi nito at ngumiti lang kami at hindi umimik.

A/N: Oh! Short update muna guysue medyo nahihilo kasi ako ngayon ehh dahil na siguro sa init ng panahon diyos ko pumalo sa 41-42°c ang init dito saamin. Sana umulan naman kahit magdamag lang

Dont forget to;

Vote🌟 Comment✏ Share🌐 and follow✔

To be continued💪

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon