My First Kiss

1.1K 42 0
                                    


"Iligpit mo na iyan at ako nalang ang mag-huhugas niyan mamaya punasan mo nalang yung Lamesa sige na"utos ni Lola saakin kaya linigpit ko na yung pinagkainan namin at pinunasan yung lamesa namin. Hindi ko parin maalis saaking isipan ang nangyari kanina na hindi ako pinayagan ni Zoren na makipag dinner date kay Mark James kaya hindi ko tuloy maiwasang ngumiti habang nag pupunas ng lamesa.

"ohh masaya ka ata anong nakain mong bata ka at naka ngiti ka diyan?"tanong ni Lola habang nag-huhugas ng pinggan

"ahh wala po nakita ko lang po yung repleksyon ng muka ko dito sa salamin ng lamesa natin ang pangit ko pala kapag nasa bahay na ako"palusot ko naman ngunit ang totoo ay nakikilig ako habang naiisip yung ginawa ni Zoren kaninang hindi pag payag na sumama kay Mark James ganon kasi yung napapanood ko, ang ibig sabihin lang naman non ay nag seselos ang lalaki pagganon.

Pagkatapos ng lahat ay agad akong pumunta sa banyo para maligo ang init kasi ng panahon kahit umagang umaga mainit dito. Pagkatapos kong maligo ay dumerecho agad ako sa kwarto at humarap ako sa Electric Fan para patuyuin ang buhok ko. Habang sa ganoong posisyon ay biglang bumukas yung pintuan ng aking silid "Ken nandiyan yung kaibigan mo si Zoren hinihintay ka sa labas"sabi ni Lola sabay alis kaya naman dali-dali akong bumaba na tila nakakaramdam ako ng excitement na makita siya.

Pagbaba ko ay lumabas ako sa gate at nakita kong naka sandal siya sa may poste kaya lumapit ako dito "bakit hindi ka pumasok sa bahay tara pasok ka"hatak ko sakaniyang kamay ngunit bumitaw ito "bakit? ayaw mong pumasok madaming lamok dito gusto mo bang ma dengue?"ngunit hindi ito kumibo naka sandal parin ito

"huy! anong drama ba iyan?!"natatawa kong tanong

"Ken... huwag kang sasama kahit kanino ah kasi... kapag may kasama kang iba ay nakakaramdam ako ng lungkot."mahina nitong wika dahilan para magtaka ako
"anong ibig mong sabihin Zoren?"nagtataka kong tanong at doon ay nagsimulang lumakas ang pintig ng aking puso at inaantay ang sagot niya kung ano ba ang gusto niyang sabihin.

"Ang ibig kong sabihin ay dito kalang saaking tabi at ayaw kong may kasama kang iba kasi nasasaktan ako kapag may kasama kang iba parang nakakaramdam ako ng napag-iwanan, habang masaya ka kasama nila ako naman ay nasa paligid mo at nalulungkot"sagot nito dahilan para mangiti ako

"Huwag mong isipin iyan Zoren siyempre kayo parin ni Roxy ang Love ko at Best Friend iyon ngalang sa isa kong kaibigan ay parang mas special siya saakin"tugon ko naman sabay yakap sakaniya, damang dama ko ang init ng katawan niya at amoy na amoy ko ang panlalaki nitong pabango na ang sarap amoy-amoyin.

"sino ba iyon? sino ba yung taong yun Ken sino yung taong especial sa paningin mo?"tanong nito saakin sabay bitiw sa pagkakayakap, tila nakaramdam ako ng kaba sa tanong niya sasagutin ko na ba ito na siya yung taong espesyal o huwag muna baka matakot siya saakin at tuluyan niya akong iwasan at pandirian.

"Secret ko nalang iyon"sagot ko naman ngunit gusto ko na talagang sabihin pero meron yung oras na sinasabi ng puso ko na huwag muna baka masaktan lang ako sa sagot niya meron din yung sige na aminin mo na wala namang mawawala, kaya nalilito ako kung ano ba talaga.

Tumingin si Zoren ng matuwid saakin at ang kaniyang mga mata'y parang may nais sabihin saakin ngunit hindi niya ito masabi-sabi parang nag-aalanganin siya na sabihin ito saakin. Unti-unting lumapit ang muka niya saakin at ganon din ako hanggang sa nag dikit ang aming mga labi. Malambot ang kaniyang mapulang labi at ang bango ng kaniyang hininga na dumadampi sa aking muka at doon ay pinikit ko ang aking mga mata at ninanam ang bawat sandaling naka sugpong ang aming labi.

Ilang saglit pa ay bumitiw ito sa pagkakahalik at nabigla ako sa pangyayari  "yung first kiss ko"nagulat kong sabi at napahawak ako saaking labi

"Ohh yung phone mo hindi ko na naibigay kanina sige alis na ako"sabay abot saakin ng aking cellphone at ngayon ay full charge na at doon ay sumakay na ito sa Motor niya habang ako naman ay naiwan at tulala at parang video ang pangyayari kanina na nag p-play sa utak ko "yung first kiss ko si-si Zoren"sabi ko saaking sarili habang nanlalambot ang aking mga tuhod na animoy hindi na ako makalakad. Sobrang saya ko sa Gabing iyon dahil hinalikan ako ng aking nagugustuhan at si Zoren iyon siya din ang aking First kiss.

TO BE CONTINUED

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon