ROXY'S SOULMATE?

1K 49 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at doon ay bumungad saakin ang muka ni Zoren na naka ngiti habang hinahaplos niya ang aking ulo. "Good morning kenken"bati nito saakin kaya nginitian ko ito at binati din "Good morning Renren"

"Ang sarap ng tulog mo ah mukang puro laway na ang kili-kili ko dahil siksik ka ng siksik dito kagabi"biro nito saakin dahilan para sumimangot ako

"Excuse me! Yinakap mo kaya ako at kinulong diyan sa bisig mo paano ako makaka alis?"sagot ko sabay talikod sakaniya at doon ay natawa ito sabay yakap saakin.

"Heto naman dika naman mabiro eh! Joke joke lang iyon! Ang sarap kaya ng tulog ko kagabi"panlalabing ni Zoren sabay halik saaking batok kaya hindi ko maiwasang makilig at makiliti sa ginagawa niya

"Sorry na nagtatampo ka ey! Uhhhm ang bango mo talaga"panlalabing nito sabay amoy saaking ulo kaya humarap ako sakaniya.

"Oo na Oo na nakikiliti ako sa ginagawa mo Renren ehh baka masanay ako niyan sige ka hahanap hanapin ko iyan"sabi ko sabay siksik sa katawan niya at doon ay yinakap niya ako ng mahigpit.

"Ok lang na masanay ka hindi naman kita iiwan dito kalang saaking tabi"sabi ni Zoren sabay Halik saakin noo kaya ngumiti ako

"Bangon na tayo may pasok pa tayo mamaya tara"pag-aya saakin ni Zoren sabay bangon kaya bumangon nadin ako at bumaba na kami saaking silid.

Hindi na dito kumain si Zoren inaaya nga ni Lola at mama pero doon nalang daw siya sa bahay nila at isapa nandoon yung uniform niya. Papahiraman ko sana siya pero magkaiba kami ng Size mas malaki katawan ni Zoren kaysa saakin kaya walang nagawa si mama at lola kundi tumango.

Nagpaalam na si Zoren kaya kumaway ako at nag flying kiss sinalo naman nito sabay lagay sakaniyang dibdib.

Kumain na ako at naligo hinanda ko narin yung ginawa namin kagabi na Research talagang pinag-puyatan namin iyon buti nalang hindi namin i rereport sa klase kundi ipapasa nalang. Bumaba ako saaking silid at handa nang pumasok kaya iyon nga hinintay ko nalang yung shuttle bus papuntang Lauren High.
_____________________________________

"Sir Ma'am heto na po yung Research namin ni Mr. Zoren"sabi ko sa Teacher namin sabay abot ng Clear folder at lumabas ng English Department.

Naglalakad ako dito sa School ground nang maka salubong ko si Roxy na abot langit ang ngiti "ohh bakit ka naka ngiti parang nanalo ka ng Boylet ah"biro ko sakaniya at nakangiti parin ito

"Naka hithit kaba? Para kang adik naka ngiti kang naglalakad"dagdag ko pa at doon ay nagpakawala ito ng buntong hininga.

"Naku Ken hindi ba pwedeng Happy ako dahil maganda at Fresh dito sa School, masaya ako dahil sa Malinis ang linalanghap nating hangin, Pagmasdan mo! Ang mga puno! Ang sasaya nila habang dinuduyan ng hangin!, ang mga bulaklak na ang titingkad ng kulay at masayang sumasabay sa hangin. Ang Mga E-"hindi na niya natuloy dahil agad akong sumabat ang damidami niyang alam ehh may paintro pa kasi.

"Deretsuhin mo na ako Roxy ano? Naka hithit ka? Hayaan mo sagot ko na ang pamasahe papuntang Rehab"sabi ko nang tumingin saakin ng tuwid sabay Simangot.

"Hindi nga! Kulit mo rin no"sabay kamot sakaniyang batok

"Ehh ano? Ano Nga?"naiinis ko nang tanong dahil kanina pa kami nakatayo dito sa School ground.

"Ganito kasi.... Feeling ko nahanap ko na yung Soulmate ko ahihi"pabebe nitong sabi saakin dahilan para matawa ako

"Wow Congrats ilang beses kanang pinaasa ng mga iyan ah siguraduhin mong hindi mo ako kululitin kapag iniwan kaniya at mag eeskandalo kananaman parang kay Cin noon"bati ko sakaniya

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon