CELEBRATION

656 23 4
                                    


Kasalukuyang nag iihaw ako ngayon malapit dito saaming napiling cottage  sa isang resort dahil inimbitahan ako ng mga magulang ni Zoren at  dahil ngayong araw ay i-cecelbrate nila ang pagkapasok namin sa with honors at para nadin bonding nilang mag kapamilya. Sobrang bait talaga ng mga magulang ni Zoren dahil nag abala pa silang mag celebrate sa pagpasok namin ni Zoren sa Honors. Wala naman na akong nagawa kundi pumayag at sumama dahil kapag hindi daw ako sumama ay magtatampo sila.

hindi ko inaasahang ganito pala kabait ang kaniyang mga magulang. Abala ako sa pag ihaw ng pusit nang biglang umentrada si Roxy saaking harapan "Hi freeend! pinapabigay ng mama mo, pumunta ako sa bahay niyo kanina pero wala ka"sabay abot ng susi at ngapala ngayon ang alis nina lola at mama papuntang Ilocos dahil doon na kami titira at yung bahay namin dito ay papaupahan namin. Sinabi ko namang susunod nalang ako sakanila dahil may aasikasohin pa ako saglit dito.

Kapag hindi man pabor ang mga magulang ni Zoren sa relasyon namin ay susunod nalang ako doon sa Ilocos at doon muling mag papatuloy. "sige alis na ako frend nakakahiya naman dito sa family ni fafa Zoren"pag papaalam ni Roxy noong naabot na saakin ng susi sabay lakad palayo."dito kana muna may mga pagkain dito at isapa ayos lang sa mga magulang ni Zoren."pagtawag ko dito at humarap ito.

"huwag na frend kahit na ganito ako ay may hiya din ako basta enjoy enjoy nalang sabihan mo nalang ako kapag pupunta na tayo ng school para ayusin yung requirements kapag mag tr-transfer ka"sagot nito sabay lakad muli.

"Roxy nandito ka pala halika dito kain ka nandito yung paburito mong lechon"pagtawag ni Zoren nang makita ito galing sa pool. samantala ay natigil sa paglalakad si Roxy at humarap ito. "kayo naman hindi naman kayo mabiro ito naman kasing si Ken pinapaalis na ako"naka ngiti nitong wika sabay balik dito sa cottage.

"tara nandoon sina mama sa isang cottage doon kasi yung mga kapamilya namin galing pa sa probinsya at ibang bansa"sabi nito kay roxy at sabay silang pumunta doon habang ako ay nakunot noo at napakamot nalang ng ulo.

patuloy ako sa pag ihaw nang makita ako ng pinsang lalaki ni Zoren at lumapit habang ako naman ay ngumiti sakaniya. kakaiba talaga ang lahi nina Zoren ang popogi at ang gaganda  nila. "hi kaibigan ka ni Yuzuro?"tanong nito saakin at tumango ako

"gusto mong tikman?"offer ko sa pusit na linuluto ko at ngumiti ito, nagagandahan ako sakaniyang sungki malapit sakaniyang pangil at ang mata niyang sobrang singkit na halos hindi na makita ang kaniyang mata. Mas matangkad siya kaysa kay Zoren ngunit ang pagkakaiba ngalang ay payatot ito.

"magaling ka palang mag ihaw ang swerte naman sayo ni Yuzuro pero teka may relasyon ba kayo ni Yuzuro? ang lapit lapit niyong dalawa"wika nito dahilan paran maubo ako hindi maka sagot na parang binusalsalan ang aking bibig.

"ahh ehh magkaibigan lang kami hehe sigena maligo kana para umitim ka naman" Pangingiba ko ng usapan at nagkibit balikat ito "sige pero ayos lang naman kung may relasyon kayo ni Yuzuro sige sunod kana din"wika nito sabay takbo at lundag sa swimming pool. habang ako naman ay natulala sakaniyang sinabi.

muli kong pinagpatuloy ang pag-iihaw...

"iho nandiyan ka pala maligo kana doon ako na mag tutuloy niyan"sabi ng mama ni Zoren

"naku tita ako napo nakakahiya po sainyo"sagot ko naman at natawa ito

"Anong nakaka hiya ka diyan, sigena mukang inaantay kana ni Zoren doon sa kiddie pool kanina pa iyon nag tatampisaw sige na samahan mo na siya baka mag tampo saiyo iyon sige ka"

"Ehh nakaka hiya naman po kapag kayo ang nagtuloy nito baka po mausukan kayo"biro ko nang matawa ito.

"Ken naman oh anong akala mo saakin donya? Haha ikaw talagang bata ka sige na nag daan din naman ako sa hirap"sabay kuha ng pamay pay at Tongs kaya wala na akong nagawa kundi sundin ang utos niya.

Agad akong pumasok sa cottage, hindi ko alam kung cottage ba ito o bahay kubo dahil may dalawa itong silid at maliit na sala. Agad kong sinuot ang aking swimwear saka lumabas ng cottage. "Wow sosyal naman iho sige mag enjoy kalang ha tatawagin ko nalang kayo kapag ok na itong Pusit at barbeque." Tumango ako saka ngumiti sabay takbo papunta sa pinagliliguan ni Zoren.

Nang makita ko ito ay abala sa pag f-floating dito sa may kiddie pool at halos matameme ako sa hitsura nito. Naka short ito habang wala itong pang itaas na damit at kitang kita ang nakaka akit niyang katawan at mabuhok na kilikili.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo diyan natulala ka nanaman sa abs ko"pangaasar nito saakin

"Hindi ah! Ang taba tabachoy mo kaya eww"ngunit hot talaga siya inasar ko lang ang mokong. "Si Roxy asaan?"

"Ayon pinapak na ata yung lechon kasama yung parang sumo player na pinsan ko sa japan"sabay turo kay Roxy na abala ito sa pag nguya ng pagkain at katabi niya ang matabang pinsan ni Zoren.

Nangiwi nalang ako sa muka ni Roxy akala ko ba may hiya siya tss. "Hindi ka maliligo? Samahan mo naman yung magiging asawa mo"wika nito dahilan para basahin ko ito ng tubig galing sa pool. "Ikaw baka marinig tayo ang ingay ingay mo!"sabay irap at natawa ito. Agad itong umahon sa tubig at bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

"Kuya wag po"pabebe kong wika nang mangisi ito.

"Mabuhay ang bagong kasal tententenen tententenen"pang gagaya ng kanta ng kasal sabay talon sa tubig. Nagkaladiyaan pa kami ni Zoren, nandiyan yung hinahabol niya ako sa tubig at nandiyan din yung pasimple akong hinahalikan sa labi. Mas naging masaya noong sumali ang mga pinsan ni Zoren, naglaro kami ng taya-tayaan sa swimming pool. Pero mas naging masaya ang harutan nina Roxy at yung poging pinsan ni Zoren dahil crush ni Roxy ito.
Noong makaramdam kami ng gutom ay agad kaming umalis sa pool at pumunta kay tita yung mama ni Zoren dahil siya yung nag iihaw ng pusit at barbeque.
"Ohh dahan dahan lang kayo mainit pa iyan, pwede kayong kumain ng marami basta iwasan niyo lang mapaso"sabi ni tita habang isa isa kaming kumuha ng pusit at barbeque. "Zoren kunin mo nga yung Malaking plato doon sa kabilang cottage"utos ng mama nito kaya napakamot nalang ito ng ulo.

Sinamahan ko nalang siyang kunin pero malapit lang naman magkatabi lang naman ito. "Gusto mo"alok ko sa barbeque at kumagat ito ngunit napaso siya.

"Sorry! Nakalimutan ko yung sinabi ni tita kanina na minit pa"paghingi ko ng tawad sabay ihip at muli siyang sinubuan. "Ikaw balak mo akong pasuin kenken gusto mo yatang hindi na kita malaplap"sabi nito kaya pinalo ko siya ng stick ng barbeque
"Bastos ng bunganga mo"sabay irap habang siya ay natawa nalang.

Itutuloy..

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon