HELLO GOOD MORNING

721 30 0
                                    

Tumama ang sinag ng Araw saaking mga mata dahilan para imulat ko ang talukap ng aking mga mata at Rinig na rinig ko ang Mga daluyun na Humahampas sa Mga batuhan at Kabuhanginan. Ang sarap sa Tenga na parabang musika sa aking pandinig na nag bibigay saakin ng Pag-karelax saaking isip at nabubura ang mga problema patungkol sa pag-aaral.

Inalis ko ang pagkakayakap ni Zoren saakin at bumangon. Binuksan ko ang kurtina para makita ang kagandahan ng Jeju Island. Maaliwalas ang Kalangitan at tirik na tirik ang araw parang gusto ko nang mamasyal ngayon at mag tampisaw sa karagatan, kaya agad akong pumunta sa kama at umupo dito sa tabi ni Zoren habang natutulog. Hinawi ko ang kaniyang buhok at pinagmasdan ang kaniyang ka gwapuhan. Kahit saanong posisyon mo tignan gwapo at cute parin ito, hinawakan ko ang kaniyang labi at muling hinawi ang kaniyang buhok.

Para siyang isang anghel na natutulog ang amo ng kaniyang muka at ang ganda ng kulay ng kaniyang labi na animoy isang mansanas na ang sarap kagatin. Naisip kong ano kaya ang pinapanaginipan nito ngayon. Ilang sandali pa ay unting-unti nitong minulat ang kaniyang mga sikit na mata at gumawad ng isang napaka tamis na ngiti.

Lucky Charm
By Nichkhun

Hello good morning
I hope I didn't wake you up while
Sneaking away to make you
Some breakfast in bed
With your favorite bowl of charms
And I can't help but stare
In your pajamas
And soft light on your shoulders
I wanna dive into your dreams
Get inside
Together we'll
Wooo I'll be your unicorn
愛に揺れ
So you can feel the rainbows
連れてくよ horizon horizon

"Gising kana pala Zoren sorry kung nagising kita"pagpapaumanhin ko at ngumiti ito

"Ayos lang napatapos ko naman yung panaginip ko eh"nakangiting wika nito kaya hindi ko maiwasang tanungin kong ano ang kaniyang napanaginipan batid kong kaming dalawa iyon. Char lang wag feeling.

"Secret baka ma showbiz"natatawa nitong wika dahilan para mangiwi ako sa sinabi niya kaya muli kong tinanong at hindi parin niya ito sinasabi saakin kaya naman umarte akong nag tatampo kaya bumangon ito at yumakap sa likod ko "sorry na joke lang naman yun, ang totoo napanaginipan kong Naghiwalay tayong dalawa dahil sa hindi tayo tanggap ng ating mga magulang pati narin ang mga taong malalapit saatin pero nagpapasalamat ako dahil panaginip lang ang lahat ng iyon, at hindi ko kakayaning mawala ka saakin ken"kwento nito sabay higpit ng pagkakayakap saakin habang ako naman ay tila nakaramdam ng Kurot saaking puso, hindi ko alam basta parang maka totohanan ang kaniyang sinabi saakin pero ang panaginip ay panaginip lang hindi iyon makaka apekto sa realidad.

Pumakawala ako ng buntong hininga at nagwika "Zoren alam mo panaginip lang iyon hinding-hindi iyon mangyayari saatin dahil alam ko at alam natin na darating yung araw na tatangapin tayo ng buong puso ng ating mga magulang at mga tao sa paligid natin, huwag mong isipin ang mga bagay na iyan nandito tayo para makapag relax iwanan natin ang mga problema basta chillax lang"naka ngiti kong tugon at ngumiti ito, inayos nanamin ang aming kama at lumabas ng Room para mag Breakfast medyo gutom narin ako dahil hindi ako nakakain ng maayos kagabi dahil sa sobrang pagod.

"Punta tayo mamaya doon sa Love land, malapit lang dito isang sakay lang ng taxi nandoon na tayo siguro nasa 10minutes ang byahe mula dito sa Hotel hanggang sa Love land, sikat iyan dito sa korea dahil maraming mga Mag karelasyon na pumupunta dito at isapa may Groto doon sa itaas ng Bundok at base sa paniniwala ng mga taga Korea ay kapag pumunta daw kayo ng Kasintahan mo doon sa taas ng bundok ay kailangan niyong magsumpahan sa isat-isa at kapag umulan o umambon ay binabasbasan ka daw ng kanilang ninuno at sang-ayon sa Relasyon niyo"nakangiting wika ni Zoren sabay inom ng gatas kaya medyo na curious ako, paano kung dalawa kami ni Zoren ang pumunta doon at mag sumpaan.

"Subukan natin baka sakaling totoo nga iyon, wala namang mawawala kapag sinubukan natin diba"tugon ko sabay subo ng Hotdog at tumango lang ito

Binilisan kong kumain para makapunta at makapasyal na doon at alam ko na marami pang Destinasyon o pasyalan ang nag-aantay saamin ni Zoren dito sa Jeju Island, hindi ko alam kung paano ako mag papasalamat kay Zoren at sa panginoon nadin dahil madami na siyang binigay na biyaya saakin at isa na doon si Zoren. Wala na akong mahihiling pa kundi pinagdarasal ko lang na sana maging maayos at matatag ang aming relasyon at pagmamahalan namin ni Zoren kahit ano pang problema ang dumating.

To be continued

A/N: sorry guysue short update muna kailangan ko munang mag isip sa mga mangyayari dito sa Jeju Island. Happy reading Guysue! Gagawin ko ang lahat para mangiti lang kayo at ma inlove sa story ni Ken at Zoren

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon