GOT TO BELIEVE IN MAGIC

1.3K 46 2
                                    

sorry for long time update alam niyo naman busy ako noon kasi last quarter na iyon. Sandamakmak na reaction papers at iba pa ang ginawa ko/namin hindi ko alam kung aanhin nila iyon mga teachers nga naman pinapahirapan pa kaming students para sa isang pirma lang sa clearance lol, kinailangan kong magsunog ng kilay para lang makapasa ako at ma-maintain ko ang grades ko at sa awa ng naman ng diyos pasok ako sa Honors at naka kuha pa ako ng academic awards I'm so thankful talaga specially to my guardian and parents na laging nandiyan.... Anywayzzzs heto na yung update ko sana ma enjoy niyo.

Kasalukuyang nandito ako ngayon saaking silid at abala sa pag-aayos saaking sarili dahil nga mamaya ay kakanta ang lola maez niyo, kanina pa ako pinagpapawisan siguro dahil dala eto ng excitement at kaba. Kanina ko pa inaantay itong si roxy dahil sabay na kaming pupunta sa school.

habang sa ganoong pag-aayos saaking sarili ay biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid "sino yan?" tanong ko habang sinusuot ang aking magiging damit mamaya

"si roxy to besh!"sagot nito at doon ay pinapasok ko siya dito sa loob ng aking silid at nagulat ako sa nakita ko sa salamin na suot nito dahil parang kahawig nito ang damit ni Ivy aguas na gown kulay black noong ikakasal siya.

"allah nag muka kang black lady.. ay mali pala dahil hindi ka girl tikbalang na naka gown ano ba iyang suot mo bakit ganiyan! naka hithit kaba?"nagulat kong tanong dahil sa suot nito

"grabe kanaman besh! ikaw lang yung nag react ng ganiyan samantalang yung mga tao sa labas wala lang naka tingin saakin na parang na iimpress sila sa ganda ng damit ko specially the owner maganduh!"maarte nitong wika dahilan para matawa ako

"paano sila makakasalita eh nakaka sindak yang itsura mo, si lola nasa baba buti hindi ka nakita at hinagisan ka ng suka, asin, bawang"sabay tingin sa likod ng gown niya at aba! hindi niya tinanggal yung price tag niya
"ninakaw mo naman ata ito sa mall bakit nandiyan pa iyang price tag niyan?"natatawa kong tanong dito at inirapan lang ako ni Roxy

"sige! tawa pa more! nakaka tawa and F.Y.I! heto yung resibo kabibili ko lang to noh!"sabi nito habang kinakapa sa bulsa niya yung resibo

"wag mo nang hanapin pinapatagal mo pa tara nanga"pag-aya ko at doon ay lumabas na kami saaking silid at nag paalam kay lola.

"Nasaan naba si zoren? sasabay ba saatin?"tanong ni roxy habang naka sakay kami sa kotse nila

"ewan ko wala naman siyang reply saakin hindi pa siya sumasagot sa tawag ko hmm"sagot ko naman sabay kibit balikat

"nag text din ako sa messanger wala manlang siyang reply ni ultimo seen ang lolo maez mo waley rin nakaka eklabern ano kayang ginagawa niya"naiinis na wika ni roxy ngunit hindi ko nalang ito pinansin at nag concentrate ako sa kanta ko mamaya

Pinaghalong kaba at saya dahil sa gagawin ko mamaya hindi ako sanay ng nag peperform sa harap ng maraming tao dahil masiyado akong mahiyain at wala pa akong experience sa ganitong gawain. Ngunit gagawin ko parin ito alang-alang sa plus 10 sa every quizes namin malaking points narin iyon para maging back-up reserve ko kung sakaling hindi ako naka review. Excited din akong mapanood si Zoren bilang Hermes first time din niya itong gagawin sa buhay niya.

Pagbaba palang namin sa sasakyan ay makikita mo na dito sa gate ng Lauren High ang nagdadagsahang mga studyante at mga outsider upang makinood sa naturang event kami naman ni Roxy ay naglalalakad papasok sa gate siksikan mode ang daming tao hindi makapasok pasok si roxy dahil sa gown niya minsan naaapakan ito dahilan para mainis ito sa mga naka balandrang tao sa gate

"mga chakang to! kabagobago pa itong gown ko at aapak apakan niyo lang ito do you know na ang presyo nito ay 30k hindi ito abang ha!"pag-iingay ni roxy habang nakikisiksik sa mga tao dito sa labas ako naman ay malapit nang maka pasok.

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon