ROXY'S BREAK UP

669 21 0
                                    

Alas nuebe ng umaga noong maalimpungatan ako dahil sa lakas ng alarm ng aking cellphone kaya agad ko itong kinapa-kapa saaking nightstand habang nakapikit pa ang aking mga mata dahil naaantok pa ako. Palagi kasing naka ACTIVE yung alarm ko sa Cellphone ko kaya nag r-ring ito kahit walang pasok.

Inayos ko muna ang aking higaan bago lumabas saaking silid at pumanhik papuntang kusina dahil naaamoy ko ang linuluto ni lola na ulam.

"Hindi pumunta si Zoren dito la?"tanong ko sabay inom ng gatas habang si lola naman ay abala sa pagluluto ng ulam.

"Aba'y hindi ko alam kay mama mo nasa labas kanina wala naman akong napansin nakikita mo namang nagluluto ako"

"Nag babakasakali lang po"sabay salin ng Sinangag sa plato ko at dumampot ng dalawang sunny side-up egg at longganisa.

Nagsimula na akong kumain hindi ko na inantay pa si mama at lola medyo nagugutom narin ako. Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang ginamit kong plato at kubyertos saka pumunta sa Terace para umupo.

Medyo mahahaba nadin ang mga bermuda grass dito sa bahay hindi ko na nagagawang putulan dahil masiyado na akong busy sa school paano naman kasi madaming task at isapa nagbakasyon kami ni Zoren sa Korea, hindi naman kaya ni lola dahil medyo sumasakit na ang kaniyang tuhod kapag nasobrahan sa paglalakad o sa pagtra-trabaho ng gawaing bahay. Si mama naman ay abala sa pag apply bilang DH sa Singapore.

Habang sa ganoong pag-upo ko ay narinig kong may kumakatok doon saaming tarangkahan kaya agad akong tumayo para ipagbuksan ito baka sakaling si Zoren ito.

Pagbukas ko ay biglang bumungad saakin si Roxy na nakahawak ng isang rolyong tisue at mugto ang kaniyang mga mata at namumulang ilong. "Nyare sayo teh? Bakit ganiyan ang Mata mo umiyak kaba?"tanong ko sabay hatak papasok saaming tarangkahan habang siya naman ay speechless habang papunta kami sa Terace namin.

"Frend si Janro i-"

"Iniwan kana ni Janro at nakahanap ng mas fresh sayo at may pukelat tama ba ako?"pagpapatuloy ko sakaniyang sasabihin at agad itong umiyak kaya napatakip nalang ako sa muka ko at hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot para sakaniya.

"Alam mo Roxy ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang magpapadala sakanila base sakanilang porma"ngunit umiiyak padin ito kaya agad ko itong yinakap.

"Hindi naman kasi masama ang magmahal pero sana naman dapat ang piliin mo yung matino."payo ko at umiiyak padin ito.

"Frend samahan mo ako kay janro please"pakisuap saakin ni Roxy kaya agad akong dumistansya sakaniya

"Gaga! Mag eeskandalo kananaman tulad kay Cin noon na halos muntikan na akong bugbugin"

"Hindi na ako mag eeskandalo promise ko sayo yan"sabi nito sabay taas ng kanang kamay kaya wala na akong nagawa kundi pagbigyan ito ganito naman talaga ang mga Bestfriends laging nandiyan kung may problema.

Nagpalit lang ako ng damit at shorts hindi na ako naligo mamaya nalang pagbalik namin.

Agad kaming sumakay sa kotse nila Roxy at umupo dito sa backseat. "Alam mo Roxy sa dami ng tao dito sa mundo ay hindi na mahirap maghanap ng taong mamahalin. Pero alam mo ba kung ano yung mahirap hanapin? Yung taong DESERVING para sayo"sabi ko at patuloy lang ito sa pagluha

"Sabi nga doon sa Librong Ultra Gays Galaxy "huwag kang maghanap ng Relasyon na Trending kundi hanapin mo ang Walang Ending" paano kasi pag nag flex lang ng muscle sa harapan mo mahal mo na agad!"

"Ehh paano kasi frend mahal daw niya ako"mangiyak ngaiyak nitong wika dahilan para matawa ako.

"Bakit pag sinabing mahal kana mahal mo nadin ba agad? Ang pagmamahal ay pinaparamdam hindi puro salita lang Roxy. Napapansin ko din na ang mga kabataan ngayon na tulad natin ay sabik na sabik na silang makipag relasyon, sasabihan lang ng mahal kita ayun sila na agad pero kapag nag break sila halos hindi na sila makakain ng Isang buwan kala mo naman dala ng boyfriend/Girlfriend nila ang Kaldero at Bigas"

 IT'S TIME TO SAY GOOD BYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon