Chapter 5

18 2 0
                                    

Chapter 5

Makalipas ng ilang minutong paghihintay ko sa harap ng sasakyan ni joshua ay sa wakas at dumating na siya. Habang naglalakad kita ko sa mukha niyang abot tenga ang ngiti. Anong na namang nagyari dito at may pangiti ngiti pang nalalaman?

"Ano na naman ang pinagsasabi ni mommy sayo ay ay pangisi ngisi ka pang nalalaman?" tanong ko

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Agad naman siyang umikot papunta sa driver's seat na hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha. I'm sure may nasabi si mommy sa kanya.

Tinitigan ko siya habang nagmamaneho. Aba't hindi talaga nawawala ang pag ngisi ng bakulaw na 'to ah.

"Hoy! Tinatanong kita, hindi mo ba narinig?" Bumaling siya sa akin

"Ako ba tinatanong mo?" Sabay turo sa kanyang sarili. Wow!! Namangha ako dun ah! Natatawa parin eh noh?

"Ay hindi...hindi ikaw ang tinatanong ko...siya" sabay turo ko sa stich na stuff toy harapan namin "siya, siya ang tinatanong ko kung ano ba ang sinabi ni mommy sakanya" inirapan at pinandilatan ko siya.

Tumawa siya.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko. Tawa parin siya ng tawa kaya binatukan ko na. Nakakainis eh!

"ARAY naman!!"

"Hindi mo ba talaga ako sasagutin?"

"Bakit kung may sinabi sa akin ang mommy mo? May dapat ba akong malaman? Naiinlove ka na ba saakin?"

At talagang napakaKAPAL rin ng mukha ng bakulaw na ito ah.

"EWWW! Saan ka ba nagmana at ganyan ka kadesperado hah!?"

"Wala, sadyang GWAPO lang talaga ako" nagkibit siya ng balikat

KAAAAAPPPAAAALLLL!

"TSEH! Magseryoso ka nga"

"Seryoso naman ako ah, pagdating sayo"

Bumaling ako sa kanya. Agad namang nagsitayuan ang mga balahibo sa batok ko.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan sofia, mamatay tayo nito...gusto mo?" sumulyap siya....sa akin

Umiling naman ako bilang sagot. Hindi talaga ako nakapagsalita sa 'pagdating sayo' niya. Huwag kang mag papaapekto sa mga ganyan sof, nakakalumutan mo na ba? PLAYBOY siya

Nabalot kami ng matinding katahimikan hanggang sa nakarating kami sa school. Naglalakad kami ni joshua papunta sa classroom pero napatingin ako sa bawat grupo ng mga babae pati na rin sa mga lalaki na nakatingin sa amin.

"Don't mind them" ani joshua.

Napansin niya rin siguro ang nakikita ko. Nagpatuloy kang kami paglalakad nang sumalubong sa amin sina vhonne at nard na ngiting ngiting pinagmamasadan kami. Seriously!

"Ano dude nayaya mo na ba?"tanong ni nard sabay sulyap sa akin

Dude

"Yeah, kagabi pa" ani joshua..

Tapos magkukwentuhan sula diyan, tapos mao op na naman ko. Galing rin eh noh!

"Galing mo naman dude, kagabi lang? Akala ko tuloy hindi siya papayag eh!" Nagtawanan sila habang pasulyap sulyap naman si vhonne sa akin.

Seriously!! Ako pa talaga ang naging topic nila ngayon. I need to get out of here!!

"Joshua, mauna na ako sa room" sabi ko. Kung bakit kasi nagstay pa ako dito. Dumiretso na sana ako sa room eh, ang tanga mo talaga sofia! Hindi ko na hinintay ang confirmation niya dahil naglakad na ako palayo sa kania

Fall For MeWhere stories live. Discover now