Chapter 6
Gaya nga ng sinabi ni jenny sa akin tumabi si joshua. Makakapatay ako nito eh. Sinama pa nila ako sa kalokohan nila. Bumaling naman ako sa dalawa kong kaibigan na pasulyap sulyap sa akin. Kinindatan pa nila ako. Uuugghh!!
Actually dating gawi. Nao OP na naman ako dito. Ayan nagtatawanan ako lang yata ang walang masabi dito. I shouldn't been here!! Bumaling naman ako sa dalawa na abot tenga ang ngiting nakatingin sa akin at pabalik kay joshua.
"Uh, sofia nakabili ka na ba ng damit mo para sa party?" tanong sa akin ni chesca.
"U-uhm oo k-kahapon" sagot ko at nagpatuloy ulit sa pagkain. Kitang kita sa gilid ng mata ko ang unti unting paglagay ng kamay ni joshua sa gilid ng inuupuan ko.
Bumaling naman ako sa mga kaharap ko na titig na titig sa amin ni joshua. Rinig ko rin ang pagtikhim nilang apat.
I know what you mean guys!!
Sa kabila ng pagtikhim nila muntik ng mabulunan si jenny.
Karma
"T-tu.....b-bi-
"Ano?" Tanong namin dahil di naman namon maintindihan
"T-tu..big!"
"Tubig daw, bilis" si vhonne.
Concern huh?
"Ba't kasi pinupuno mo ng agkain yang bunganga mo? Hindi ka naman mauubusan ah?" ani chesca
"Tseh, ano akala mo sa akin? Matakaw?" Sagot naman ni jenny
"I didn't say that"
"Tumigil na nga kayo" Sabi ko sa dalawa.
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na ako sa sasakyan namin para makauwi ako ng maaga. Bumaling ako sa aking wrist watch. 10:30 palang. May dalawang oras pa ako. Actually papunta ako ngayon sa mall kasama si mommy dahil sa totoo lang hindi pa ako nakabili ng damit ko.
Ayaw ko namang sabihing hindi sa kanila dahil alam kong sasama sila kapag bibili ako. Hindi naman sa nagdadamot ako pero ayoko lang, nahihiya ako kung matagal akong makapili ng damit ko.
"Ma'am dito po" turo sa akin ni manong judy papunta sa sasakyan namin.
"Honey, let's go?" Si mommy sabay halik ko sa kanyang pisngi
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Kriiiinngg*
Bumaling ako sa tumutunog sa cellphone ko kung sino ang tumatawag. Si jenny!
"Hello jenny?"
"Hello sofia nasan ka? Kanina ka pa namin hinahanap" aniya, rinig ko rin ang hiyawan sa kabilang linya.
"Uhh ano kasi..umuwi na ako..kasi ano u-uh kasi biglang sumakit ang tiyan ko...hehe" nauutal ako
What a lie
"Ah ganun ba, sayang..." Aniya with disappoinmet
"Bakit ba?" Tanong ko hindi parin humuhupa ang sigawan.
"Nanonood kami ng basketball sayang wala ka, 'di bale practice pa naman" aniya
"Ayy, sige na jenny sumasakit na kasi ang tiyan ko eh"
Hindi ko na hinintay ang pagpapaalam niya dahil agad ko nang pinutol ang linya.
Best actress
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na sumasakit ang tiyan mo anak" sabi naman ni mommy ng nag aalalang tono.
