Chapter 10
Hanggang ngayon hindi parin matanggal ang sakit mula sa kamay ko. Napangiwi nalang ako para maibsan ang sakit. Naglalakad kaming tatlo ngayon papunta sa canteen para kumain.
"Ang galing mo naman pala sofia, buti nalang at kinuha ka ni coach sa team namin." Si jenny.
Kinuha nga ako ni coach kanina lang. Nagpapasalamat nga ako pero mukhang hindi pa ako makakalaro mamaya. Mamaya na kasi ang championship. Ayoko sanang sumali sa team nila bukod kay kyla na masungit baka hindi na ako makafocus sa pag aaral ko.
"True! Besides Mas magaling ka naman kaysa sa kyla na yun. Sana ikaw na ang ideklara ni coach na maging leader sa team natin." Ani chesca.
Patuloy parin kami sa paglalakad papunta sa canteen. Naiirita na nga rin ako ay dahil napakalayo rin naman ang pinanggalingan namin. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay patuloy parin ang papupuri ng mga estudyante dahil sa ginawa ko. Napapikit na lang ako nang may biglang bumunggo sa akin at sa inis ko sa kamay ko dumapo ang napakatigas niyang braso.
Araaaaaaay
At sa sobrang sakit na, napadaing na lamang ako. Kasabay ng pagdaing ko ay may tumulong luha mula sa aking pisngi. Napaupo nalang ako sa damuhan. Sino naman kasi ang hindi iiyak sa sakit nito. Tapos binuggo pa ng bruhang kyla na yan'.
"Sorry akala ko kasi pader" pang iinsulto ni kyla sa akin. Natawa naman ang tatlo niyang kasama sa likod.
"Hoy! Napakalawak ng daanan oh" sabay lahad ng kamay ni jenny sa daaanan "Kita mo?"
"Ohhh, ganun ba?" ani kyla sabay lakad na palayo.
"Palibhasa kasi mga inggitera" parinig naman ni chesca "Naiinggit kasi mas maraming pumupuri kay sofia kaysa sa kanya kaya gumaganti" dagdag pa niya
Nang nakita na nila akong nakaupo sa damuhan ay agad din naman nila akong dinaluhan. Hanggang ngayon hindi parin matanggal ang daing ko sa sakit. As in Napaiyak na lang ako and I'm sure pinagtitnginan na nila kami dahil sa kalagayan namin.
"Sofia anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni jenny.
"Bakit ka umiiyak?" Si chesca naman
"Araaaay" sabi ko habang nakapikit
"Saan ang masakit sofia" nag aalalang tanong sa akin ni chesca
Umiling ako "Wala lang ito" sabi ko.
Alam kong hindi sila maniniwala sa akin dahil sa mga tumutulong luha ko.
"Anong wala? Sofia ang totoo" ani chesca na napapaiyak narin.
"Sofia? ano? Saan ang masakit?" Si jenny naman.
Umiling ulit ako. Alam kong pati sila kinakabahan na rin dahil sa akin, pero ayoko na silang abalahin.
"Sofia nagagalit na ako" tunog galit ang boses ni jenny.
OA rin eh noh?
Napagaan na ang loob ng unti unti ng napapawi ang sakit. Salamat naman dahil talagang pipilitin ako ng dalawang ito eh. Tatayo na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Anong nangyayri dito" ani joshua ng nag aalalang tono. Isa pa 'to eh.
"Si sofia ayaw sabihin ang masakit eh, naiiyak na nga sa sakit eh" si jenny.
Kahit kailan talaga bungangera ang isang ito eh. Bumaling ako kay jenny at kunot noo ko siyang tinignan. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay. Pahamak!
"Hindi wala na, hindi na masakit" ngumiti ako kay Joshua na ngayon ay kunot noo ring nakatingin sa kamay ko. Agad ko ring tinago ang kamay ko dahil nanginginig parin ito.
"Na injured yata ang kamay niyan" si chesca. Bumaling ako sa kanya at tsaka pinagtaasan ng kilay.
"Kain na tayo?" Anyaya ko sa kanilang lima.
Suot-suot ko parin hanggang ngayon ang maiksing volley ball jersey na binigay sa akin ng mga kaibigan ko. Tumayo na ako at bumaling ulit sa nakahalukipkip na si Joshua at kunot noong nakatitig sa akin. Nauna ng naglakad ang apat na magaling sa landian kaya kami na lang ni Joshua ang natitirang nakatayo at hindi pa gumagalaw sa kinatatayuan.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at kunot noo paring bumaling sa akin. Anong problema nito at ganyan makatingin?
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko. Natatakot na rin.
Hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya at ngayon ay nagseryoso na ang mukha. Tumitig naman ako sa kanya pero nang hindi ko na nakaya ay agad din akong nag iwas ng tingin sa kanya. Tulad ko suot suot niya rin ang damit niya na pang basketball.
"Tayo na" anyaya ko sa kanya. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong pinigilan gamit ang palapuspusan ko.
"Magpalit ka" seryoso pa rin ang mukha niya
"Huh?"
"I said change your outfit" aniya
"Bakit?" Tanong ko
"Can't you see?" Tinuro niya ang mga nakatingin sa akin "pinagtitinginan ka na ng mga lalaki because of that" medyo lumalakas na ang boses niya
Iginala ko naman ang mga mata ko sa mga nakatingin sa akin. Makasalanan din naman ang mga mata dito ah.
"Gutom na ako eh, gusto ko nang kuma-
Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko "I said change your-
Pinutol ko naman siya "Oo na, magpapalit na" sabi ko sabay lakad papunta sa locker room "Kita mo oh, naglalakad na po oh" sabi ko sabay pakita sa kanya na naglalakad na ako.
Naglakad ako papunta sa locker room pero nabigla ako na nandiyan pala siya sa tabi ko. Bakit sumunod pa ito eh kita naman niya na pang girls ito.
"Bakit sumunod ka pa? Alam mo naman na para sa girls lang ito?"
"I don't want you to walk alone with that outfit" iritado parin ang pagkakabigkas niya
"Hindi ko naman alam na nakatingin na pala sila sa akin" sabi ko
Tumitig ako sa kanya. Kita ko pag pout ng lips niya.
"Then you should stop wearing that"
Nakatitig parin ako sa kanya. "Why would I do that, ganito ang suot namin sa game"
'Di ko alam na sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ay nakaramdam ulit ako sakit dahil sa pagkaka-untog mula sa bakal. Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong kasalanan. Bakit malas na malas ako sa araw na ito?
"Ooouch" daing ko
"FUCK" mura ni Joshua na agad dumalo sa akin "Bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo?" Aniya
"Malay ko ba?, kasalanan mo ito eh kung hindi ka sana nakipagtalo sa akin...hindi sana mangyayari ito" Sabi ko sabay haplos sa noo ko.
"Kasalanan mo, bakit ka kasi nakatingin sa akin" pagsisi niya sa akin pabalik
"Ang kapal rin naman ng mukha mo no, sino may sabing nakatitig ako sa'yo?" Sabi ko
Oo nga sofia. Kasalanan mo bakit ka kasi nakatitig sa kanya.
"Wala, kung hindi ka nakatingin sa akin...san ka nakatingin? Hah? Hindi naman kita nakitang nakayuko ah" aniya
Bumaling ako sa kanya, kung kanina ay seryoso at nakakunot ang noo, ngayon ay abot tenga na ang ngisi.
"Sabihin mo na kasi na naiinlove kana sa akin, bakit pinapatagal mo pa" natatawang sabi niya. Inirapan ko naman siya.
Kaaaapaaal
"TSE!" Sabi ko tsaka nauna ng naglakad. Uminit talaga ang pisngi ko sa sinabi niya sa akin.
Iniwan ko siya dahil sa kahihiyan na natamo ko. Naglalakad na kami ngayon papunta sa canteen at hindi parin matanggal ang ngisi niya. Gosh! Nakakadistract ang mga galawan niyang yan.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo..baka mauntog ka ulit" aniya
"Tse!" Sabi ko tsaka ako naunang naglakad papunta sa loob ng canteen. Naiirita talaga ako sa kayabangan ng bakulaw na yun. Akala mo naman kung sinong ano...kung sinong...basta.
