Chapter 2

12 3 3
                                    

Chapter 2

Nakarating na kami dito sa birthday party ng business partner ni daddy. Agad kaming pumasok sa loob ng mansion nila, pagkapasok na pagkapasok mo palang sa loob ay kitang kita mo na ang mga mahaling gamit dito,from expensive vases, furnitures and even the paintings.  Maya maya ay may lumapit sa aming isang matandang lalaki, sigurado akong ito ang sinasabi ni daddy na ka-business partner niya.

"Stephen, it's nice to see you"

"Oh, uncle Abraham Happy Happy birthday" bati ni daddy sa matanda.

"Thank you, by the way, is this your son and daughter?" Tanong ng matanda sa kay daddy sabay turo niya sa amin

"Yeah uncle, this is Laura, my beautiful wife" ani daddy sabay akbay niya kay mommy. May pagkabolero din naman 'tong si daddy eh no. "And this is Stephen and Sofia" turo din sa amin ni daddy

"Oh! Nice faces, ang gaganda at ang gagwapo naman ng mga anak mo, lalo nitong bunso mo, she looks stunning."

"Thank po, Sir" ngumiti ako sa matanda.

"No, don't call me 'Sir', just 'lolo' nalang" aniya

Matapos kaming ipakilala ni daddy sa kay 'lolo' ay nag usap muna sila, siguro tungkol sa business ang pinag uusapan nila. Muli akong tumabi kay mommy, wearing a tight fitting dress.

"Good evening to all of us" bati ng emcee "Parang wala na yata tayong hinihintay, we should start then"

Gaya nga ng sabi ng emcee, nagsimula na ang party. Sa pagkakataong ito ay speech daw muna ang magaganap. Unang nagsalita ang isang babaeng anak yata ni 'lolo'.

Sa totoo lang naiiyak na ako sa mga sinasabi nila. Na touch ako sobra. Pagkatapos magsalita ang pangalawang nag speech ay may tinawag na namang isa ang emcee.

"Then, last but not the least, the one and only great grandson of our birthday celebrant Mr. Joshua Hoseiah Montenegro" nang paakyat na ang kanilang huling tinawag ay biglang lumaki ang aking mata nang makita ang nakangiting bakulaw na naglalakad papunta sa harap. Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga tao sa taong papunta sa harap.

Kita mo nga naman, ang liit talaga ng mundo. Sa dinami dami ng taong magiging apo niya, siya na naman. Haist.
Tama nga ang sinabi ni daddy na nag iisa lang siyang apo. Siguro spoiled siya.

Matapos magsalita ang sinasabi nilang 'Great Grandson' ay sinimulan na nilang kumain. Ayoko munang kumain parang nawalan na yata ako ng gana. Iginala ko ang aking mga mata para makita si kuya dahil kanina pang wala yun eh. Atlast. Nang nakita ko na si kuya ay agad ko siyang linapitan, pagkalapit ko sakanya ay siya namang paglapit din ng isang lalaki. Okay, aaminin ko na ah, gwapo siya, may pagkachinito, moreno. Hindi kana talaga magtataka kung pagkakaguluhan siua ng mga santamakmak na mga babae. Pero hinding hundi ko aaminin sa kanya.

"Kuya what are you doing here?" Tanong ko kay kuya

"Wala, I'm just talking to him" bumaling ako kay bakulaw na kanina pa nakatitig sa akin.

"Hi Sofia, you look gorgeous tonight" nabigla ako sa sinabi sa akin ng bakulaw pansin ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. God!

"So, magkakilala kayo?" Tanong sa amin ni kuya

"Yeah kuya, his my classmate sa biology" sagot ko

"Great then" ngumiti sa akin si kuya tsaka siya ulit tumingin sa kay bakulaw.

"Kuya mauna na po ako dun kina mommy sunod ka na lang"  sabi ko bago ko sila tuluyang talikuran. Habang papalapit ako sa pwesto ng aking mga magulang ay rinig kong nagpapaalam na sina mommy sa birthday celebrant.

Fall For MeWhere stories live. Discover now