Chapter 4
Papunta na ako ngayon sa parking lot abangan ang pagdating ni mang judy ang driver ng aking sasakyan. Ilang oras na ang nakalipas at wala paring dumarating na sasakyan sa harapan ko. Bakit ang tagal namang dumating ni mang Judy?
Papara na sana ako ng taxi dahil gumagabi na nang may biglang sumulpot sa sasakyan sa harapan ko. A Sedan Car. Yaman naman.. Pinagpatuloy ko nalang ulit ang paglalakad pero naramdaman ko na sumusunod ang sasakyan sa akin
Ano bang problema ng mga sasakyan ngayon?Pinagpatuloy ko parin ang paglalakad pero iniinis talaga ako ng sasakyan na ito eh. Sunod ng sunod parin. Huminto ako sa harapan ng sasakyan ng huminto rin ito.
Nang iinis huh!
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mukha ni Joshua. Ano bang problema ng lalaking ito?
"Ano ba!? Bakit sunod ka ng sunod sa akin!?" Sigaw ko dahil parang hindi ako maririnig ng lalaking ito dahil sa ingay ng mga sasakyan.
"Uh, wala pansin ko kasi kanina ka pa naghihintay" sagot niya
"So, wala kanang pakialam" iritadong sagot ko rin sa kanya kasabay ng paglabas niya ng sasakyan habang nakapamulsang naglalakad palapit sa akin.
Nakasmirk pa siyang nakatitig sa akin habang nakasandal na sa kanyang sasakyan. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pag init ng pisngi ko.
"Bakit ba ang taray taray mo? Ha?" tanong niya sa akin kasabay ng pagngisi niya. I'm sure parang kamatis na sa pula ang pisngi ko? Gosh!
Ba't ba bumibilis ang pintig ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya nang ganyan? Gosh. Wala lang ito sofia
"Ano bang pakialam mo?" mataray na sabi ko sa kanya.
Iginala ko ang aking mata sa paligid pero wala na akong makitang taxi. Paano na ako makakauwi niyan? Wala pa naman akong load. Galing din eh noh, sa tuwing may load ako hindi naman ginagamit, ngayong kailangan naman...wala.. God!
Bumaling ako kay joshua na ngayon ay nasa loob na ng sasakyan at hindi pa umaalis. Ano pang hinihintay nito? Bakit di pa siya umalis?
"Wala ng taxi, sumabay ka na sa akin tutal nakapunta na naman ako sa bahay niyo" aniya
Hindi ako umimik at nakatuon lang ang pansin ko sa kalsada. Taxi kailangan kita ngayon. Ayaw sumabay dito kay bakulaw.
"Gumagabi na sofia, sumabay kana sa akin" first time ko bang marinig ang pangalan ko sa kanya? So, what's the big deal there sofia?
Tumingala ako sa kalangitan at talagang gumagabi na talaga. Ugh! Ganito na naman noon. Dito sa parking lot na naman nangyari ito. Sa dinami dami ng maghahatid sa akin sa bahay pero bakit siya na naman? Siya na naman noon. Parang nakakahiya na yata.
"What? sasakay ka ba o hindi, dahil kung hindi bubuhatin na talaga kita" pagbabanta niya. Uminit na naman ang pisngi ko. Ano ba kasing pinagsasabi ng lalaking ito?
"No choice" bulong ko
"Sasabay din naman pala eh pinatagal pa"
"Sasakay talaga ako dahil baka totohanin mo pa yang pinagsasabi mo" inirapan ko siya
"Talaga lang at buti alam mo" aniya ng nakatingin parin sa kalsada habang nagmamaneho.
Nakakabinging katahimikan ang nabalot sa aming dalawa ng magsalita ulit si joshua.
"Sofia" there, binanggit niya na naman ang pangalan ko. Sarap pakinggan. Joke
"Bakit? tanong ko
