Chapter 3
Nagising nalang ako sa isang katok mula sa aking pinakamamahal sa ina. The best mother in the world. Pinagbuksan ko si mommy ng aking pintuan.
"How's your sleep honey?" Kahit kailan hindi ko talaga pagsasawaan ang mga malalambing na salita ni mommy, at ang mga pababy niya.
"Fine mom, thank you mom" ngumiti ako kay mommy, ngiti naman ang isinukli niya sa akin at isa ring halik sa aking noo. I love you so much motherdear!
"I love you mommy"
"I love you more honey, kayo ng kuya mo" siguradong malelate ako nito.
"Sige mom maliligo lang po ako, sasabay din po ako sa inyo" tumango naman kaagad si mommy at tumayo
"I'll wait for you honey" nginitian ko na si mommy nang tuluyang makalabas na sa kwarto ko.Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa aming hapag.
"Good morning dad, morning mom" bati ko sa kanila "si kuya po nauna na ba?" Tanong ko dahil si kuya lang ang wala.
"Nauna na siya anak, may lakad daw" ani daddy. Tumango naman ako at ipinagpatuloy ulit ang pagkain.
Palabas na ako ng bahay at dumiretso sa parking. Naisip ko palang hindi na ako ang magdadrive. Tinawag ko ang magiging driver ko ngayon dahil takot na akong maiwan ulit ang sasakyan ko sa school.
"Jen, ano 'to? Ba't parang busy'ng busy yata lahat ng schoolmates natin?" tanong ko kay jenny.
Pansin ko lang ah, dami kasing mga estudyante na parang nagpapractice eh. Iginala ko ang aking mata sa lahat ng mga naglalaro ng basketball, kita ko rin ang mga iba na nagpapractice rin sa sayaw. Sigurado akong member ng mga dance troop ang mga ito.
"oh, yan ba? Oo, darating na kasi ang 50th founding anniversary dito sa school natin kaya ayan" tinuro niya ang mga schoolmates namin "training sa basketball, practice sa dancetroop at tsaka isama narin daw nila ang acquaintance party excited na nga ako eh" masayang sabi sa akin ng kaibigan ako
"Acquaintance party" pag uulit ko.
Actually sa pinaka ayaw sa mga program ay mga ganito, mas gugustuhin ko na lang sa dancetroop kaysa sa ganito.
"Yeah, Acquaintance party" pag uulit niya rin "Huwag mong sabihing ayaw mo nito" pinag taasan niya ako ng kilay
"Uh.. hindi naman...g-gusto ko nga eh..hehe" nginitian niya ako, ngiti rin ang sinukli konsa kanya. Pekeng ngiti. Shakss!
How I hate fake smiles
"Teka, parang nakululangan ako sa ating dalawa eh, pansin mo?" tanong niya sa akin. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to. Anong bang kulang sa aming dalawa't 'di siya mapalagay?
"Anong kulang?" tanong ko
"Kulang tayo, tatlo tayo eh ba't parang dadalawa lang tayo" anong problema nito? "Si che-
Hindi natuloy ang sasabihin sana ni jenny dahil biglang sumulpot itong si chesca
"Hi guys" bati sa amin ng nawawala naming kaibigan. Saan na naman ata nagpunta ito.
"Wait lang chesca ah, may pinag uusapan pa kami ni jenny eh" sa totoo lang hindi ko na gets yung sinabi niya saaking KULANG eh
"Huh?, ano yun sof?" kunwari pa ito eh
"Ano yung sinasabi mo kaninang kulang?"
"Ah, yun ba?, wala na yun, kumpleto na tayo"
Kahit kailan talaga hindi mo maintidihan ang mga itong kaibigan kong ito eh. Pero masaya akong nakilala ko sila, 'tong si jenny palatawa tapos ito namang si chesca bungangera, madaldal, palaaway, pero mabait talaga sila.
"Saan ka nga pala galing?" tanong ko kay chesca
"Oo nga saan ka galing?, nakipagdate ka noh?, sama mo naman ako paminsan minsan" isa pa 'to eh
"Anong date ka diyan, hindi noh"
"Weh, dinedeny pa eh kita naman sa mukhang namumula"
"Sof, may partner ka na ba sa acquaintance party natin?" Tanong sa akin chesca. Umiling naman ako bilang sagot.
Another problem! God
"Ikaw jenny, meron na ba?" Tanong ulit ni chesca kay jenny.
"Oo, si ano-si vhonne..hehe" sagot naman ni jenny. Parang alanganin pa yung pagsagot eh.
"Talaga! Wow.." Manghang-manghang sagot ni chesca. Ano bang maganda sa acquaintance party na yan at masayang masaya sila?
"Ikaw sino?" tuwang tuwang tanong naman ni jenny.
Out of place!!!
"Uh si...nard...eh" humagikhik siya. Ano bang problema ng dalawang 'to at parang nahihiya silang sumagot. Okay lang yan sofia, ganyan talaga kapag OP, okat. Shakss.
"TALAGA!!!"
Nagtawanan silang dalawa. Wala ba silang nakikita na SOFIA dito na na-O-OP na. Oh my Gosh!!
"GUYS!!! wala pa kayong nakikita rito na NAO-OP na sa inyong dalawa" inirapan naman nila akong dalawa, may gana pa silang umirap sa akin ngayong ako ang naa out of place dito.
"Palibhasa kasi napaka kj mo" at talagang diniinan pa ang KJ ah? Bilib din ako aa mga kaibigan kong mga ito eh.
Pumasok kami sa aming classroom. Walang ang ibang tao dahil siguro sa foundation na mangyayari. Pagkapasok namin nina jen at chesca sa loob ng aming classroom agad naman kaming dumiretso sa aming upuan. Sakto namang pagkaupo namin ay siya namang pagpasok nina joshua kasama ang kanyang dalawang buntot-este kaibigan.
Rinig ko rin ang pag hagikhik ng dalawa kong kaibigan. Siguro ito yung sinasabi nilang vhonne at nard. ....I wonder...
"Jenny pawis na pawis si vhonne oh" pakinig kong sigaw ni nard yata ang pangalan.
"TSSEEHH" sigaw naman ni jenny. Nagtawanan naman sina vhonne at tsaka si nard. Tumingin naman ako sa dalawa kong kaibigan na kilig na kilig. Anong nangyayari sa dalawang ito?
"Nard oh, ayaw punasan ni chesca 'yang pawis mo" humalakhak naman 'tong si vhonne.
"TSEEHH!!" si chesca naman
PAAAAKIIIIIPOOOOOTTT!!!!
"Tsss" pakinig kong mura ni joshua
"Uy si joshua oh, nagmumura" ani vhonne
"Palibhasa kasi walang mapiling partner sa acquaintance party natin" nagtawanan na naman sila. Walang mapiling partner eh sa dinami dami naman ng mga babae niya.
Sino kaya ang magiging partner ko? Ugh. Ba't ba kasi sa dinami di naman kasi ng mga ipapa program eh ba't ito pa? Naputol ang pag iisip ko dahil sa kalabit ng mga kaibigan ko.
"Huy, wala pa daw partner si Joshua oh"
Ano na naman ba itong iniisip ng mga kaibigan ko. Huwag nilang sabihin na siya ang magiging partner ko. Duuuhhh
"Paano kung ikaw ang yayain niya, papayag ka ba?"
There
"Ewan ko sa inyo" at tinalikiran ko na sila palabas ng classroom namin. Uwian na naman kasi. Bakit ba kasi nagstay pa ako dun kung ganun din naman palang mga tao ang maabutan ko. Hayy
Oo nga noh, paano kung yayain niya akong maging partner niya? Stop that sofia! Malabo namang yayain kaniya noh!...Hayy...pero paano kung ganoon na nga? Anong isasagot ko? Ugggghhh!!
Stop thinking sofia!!
