Chapter 8

8 4 0
                                    

Chapter 8

Matinding katahimikan ang nabalot sa amin habang kumakain. Ingay lang lang ng mga kubyertos ang tanging naririnig namin. Pero muli rin itong nabasag ng muling magsalita si daddy.

Tumukhim si daddy "May manliligaw kana pala anak" ani daddy dahilan kung bakit naubo ako. Pero binigyan din agad ako ni Joshua dahil katabi ko siya.

"U-uh dad wal-

"Opo 'Sir' nililigawan ko po ang anak niyo" pagputol sa akin ni joshua, pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Great then! Besides bagay na bagay kayo"

What!?

Bumaling ako kay Joshua na ngayon ay abot tenga na ang kanyang ngiti. Sige pagtulungan niyo ako ni daddy.

"Sana nga po" ani Joshua na ngayon ay ngiting ngiti parin.

"Bakit hijo" si mommy. Huwag mong sabihin na kakampihan mo rin ang dalawang yan mommy.

"Sana nga po kung sagutin niya ako" natatawang sabi ni Joshua na nakatitig kay mommy at daddy.

"Naku honey kung ako sayo sagutin mo na si Joshua" ani mommy na nagpagulat sa akin. Pati pa rin ba ikaw mommy?

Wala na akong magawa kundi ngitian sila. Pero hindi ko pinakita sa kanila na FAKE smile lang ang ginawa ko. Sa lahat ng mga sinasabi nila mas lalong nag iinit ang pisngi ko. I'm sure pulang pula na ngayon ang mukha ko.

"Tumigil na kayo mom, dad namumula na si sof" si kuya. Gosh.

Nakikisali pa ito eh hindi naman kami close. Ilang araw na hindi kami nagkausap makikikampi pa siya diyan.

"Don't talk were not close" sabi ko saka ko inirapan

"Joshua oh, sofia is blushing" dagdag ni kuya.

Nagtawanan naman silang lahat. Ako lang yata ang seryoso sa amin. Ni wala man lang akong kakampi. Nang matapos na kaming kumain ay nagkwentuhan muna si joshua at si kuya. Siguro tungkol yun sa banda.

Makalipas ang ilang oras ay inutusan na ako ni mommy na ihatid na si joshua sa labas para makauwi na siya. Sa totoo lang gabing gabi na eh. Ngayon lang ako nakaranas na may magpunta na lalaki sa bahay at umuwi pa ng dis oras ng gabi. Nauna na akong lumabas ng bahay dahil nagpaalam pa si Joshua kay mom at dad.

God! Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari ngayong gabi. Eksaktong nabuksan na ang gate namin ay nakarating na rin siya sa labas.

"Ba't ang tagal?" Tanong ko kahit wala pang limang minuto ang paghihintay ko.

"Nagpaalam pa kasi kay mom at dad" aniya, pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Anong sinabi niya?

Mom at dad?

"MO" dagdag pa niya.
Inirapan ko naman siya dahil kita ko na naman sa mukha niya ang pagnguso na nagpipigil ng pag tawa.

"Sige Joshua ingat ka" pagpapaalam ko sa kanya dahil mukhang mapapatagal na naman ito.

"Sofia tungkol sa mga sinabi ko sa mom at dad mo" panimula niya ulit

"Hmmm. Oo alam ko Joshua" ngumiti ako sa kanya "Alam kong nagbibiro kalang....diba?"

Umiling siya "No sofia I'm not kidding..I'm serious" seryoso ang mukha niya.

Bago ko pa siya tuluyang matalikuran ay agad niyang hinigit ang aking braso at siniil ng mga malalalim na halik. Wala na akong magawa kundi maestatwa sa aking kinatatayuan. Pilit ko man siyang itinutulak pero wala talaga akong lakas dahil hinang hina na talaga ako.

Sa mga malalalim at nakakasabik na mga halik niya ay kasabay rin ng paglakas ng pintig ng puso ko na parang tambol ang lakas nito. Sa kalagitnaan ng mga halik niya ay ni hindi ko man lang sinuklian ang mga ito. Nanatili lang akong nakatayo at dilat na dilat at siya naman itong nakapikit at dinadama ito. Sa totoo lang ngayon ko lang na realized na ito pala ang first kiss ko. Gosh. My mouth is not virgin anymore.

Makalipas ang ilang segundo o minutong halikan ay huminto na siya na ngayon ngising ngisi na at ako naman itong gulat na gulat at walang magawa. Gusto ko man magreklamo pero hindi ko magawa. Gusto ko man siyang pagsapaksapakin pero hindi ko rin magawa. Ang sumasagi kang sa isipan ko ngayon ay ang mga malalambot niyang mga labi at ang mga napakatamis na halik na natanggap ko galing sa kanya.

"Is that your first kiss?" Aniya na nakangisi parin hanggang ngayon na parang walang nangyari.

Napahawak na lamang ako sa aking labi at walang magawa kundi tumitig sa nagnakaw ng kauna unahang halik ko. Hanggang ngayon hindi parin mawala ang mga naglalakihang kaba na nadama ko sa kabila ng nangyari. Kakaiba rin ng naramdaman ko sa tuwing sumasagi sa akin ang kanyang mga matang nakapikit habang ginagawa ito.

I've never felt this way before

"Don't worry I like your lips" he chuckled "And remember that I'm your first kiss, your first dance, your first date, your first suitor, your first boyfriend and your first everything" aniya sabay lakad papalapit sa kanyang sasakyan. At for the record, napapa-head bang pa siya.

Head bang huh?

Nang nakasakay na siya sa kanyang sasakyan ay hindi parin makaalis sa aking kinatatayuan ngayon habang hawak hawak parin ang aking labi. Nagising nalang ako ng tuluyang niyang pinatunong kanyang sasakyan.

"Sofia get inside your house, I don't like seeing you here" aniya habang nakasakay na ngayon sa kanyang sasakyan.

"Sleep well baby" habol pa niya ng tuluyan na akong makapasok sa loob.

Nang nakapasok na ako sa loob ay naaninag ko si kuya na ngiting ngiti ring nakatitig sa akin. And for the record ulit, pati sina mom at dad. Anong problema ngayon ng mga tao at ngiting ngiti. Oh my gosh. Don't tell me nakita nila ang nangyari sa amin ni Joshua sa labas.

Dumiretso na lamang ako sa aking kwarto dahil matinding kahihiyan ang natamo ko sa kanilang lahat. God! Joshua Hoseiah Montenegro nagnakaw ng first kiss ko. Nang nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay sumampa sa agad ako sa aking kama.

Ano na gagawin ko bukas? Kinakabahan akong pumasok bukas. Siguro pagtatawanan ako bukas ng bakulaw na yun dahil hindi ako marunong humalik. Palibhasa kasi ang mga badboy natututo na sa mga ganyan.

Pero iba ang naramdaman ko sa kabila ng halikan niya ako. At sa tuwing naiisip ko ang mga malalalim na halik niya sa akin ay lalong umiinit ang mukha ko na parang binuhusan ng mga maiinit at kumukulong tubig. Iba rin ang naramdaman ko noong maglapat ang labi niya sa labi ko. Bakit sa tuwing nakikita ko siya ng nakangiti, the way he chuckles, at kakaiba rin ang pagtawa niya.

I think I'm falling inlove with him. So bad!

Noon ko pa ito naramdaman pero ngayon ko lang na-realized na s kabila ng mga kagagawan niya. Nahuhulog na ako sa kanya. I've never felt this way before, ngayon lang. Paano ako haharap sa kanya gayong tuwing nakikita ko siya palagi na akong kinakabahan?


               

Fall For MeWhere stories live. Discover now