Chapter 9

10 3 0
                                        

Chapter 9

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng campus ay naririnig ko na ang mga hiyawan kung saan nagsisimula na ang sport fest. Sigurado akong kanina pa nasisimula dahil wala na akong makita ni isa na pagala gala dito.

Mag isa ako ngayong naglalakad. I wonder where my friends are. Sa tingin ko kasama na sila sa mga nanghihiyawan. Dirediretso ang lakad ko papunta sa kinaroroonan ng mga maiingay na boses nang biglang may nanghila sa aking braso.

"Late ka na, ano bang ginawa mo kagabi?" Tanong sa akin ni chesca na hinihingal ngayon dahil siguro sa paghabol niya sa akin.

"Wala, late lang ako nagising" sagot ko.

Late naman talaga ako nagising dahil hindi ako ginising mommy. Siguro nasanay na talaga ako ginigising kaya ganun.

"Saan ka pupunta?" Tanong ulit sa akin ni chesca. Ito namang si jenny busy, busy makipag text slash landi..hehe joke

"Manonod sana, akala nadun kayo kaya-

"Sofia kasi may laro kasi ng volleyball eh"

Oo nga pansin ko nga dahil kita ko naman sa outfit nilang dalawa. Actually member sila ng volleyball team, magaling din silang dalawa. Napanood ko na noon kung paano sila maglaro. Marunong naman din ako at gusto ko rin masali sa team nila kaso mukhang mahihirapan ako dahil maging sa leader nila ay mahirap pakisamahan.

"Sige, manonood ako sa inyo. You don't have to worry dahil talagang ichecheer ko kayo ng todo" ngiting ngiting sabi ko. I'm so proud of the two of them.

"Yun na nga sofia eh" si jenny naman.

Wow. Finally nakipag usap na. Akala ko hindi na niya kakausapin sa diyan sa pakikipaglandian niya sa vhonne na yan eh.

"Bakit?" Natataka kong tanong

"Diba' magaling ka maglaro ng volleyball?" tanonf sa akin ni chesca na ngayon ay bumaling na kay jenny. Ano nangyayari sa kanila.

Pinagtaasan ko sila ng kilay "Bakit?"

"Diba' gusto mong makasali sa team namin?" nagkurap kurap si jenny.

"Diba ma-

Pinutol ko ang dapat sana na sasabihin ni chesca. "Pwede bang diretsohin niyo na ako?" iritadong tanong ko dahil naiirita na ako sa mga tanong nila.

"Kasi ano...kasi ano..yung ano" kinakabahan si jenny.

"ANO!?"

Napapikit sila dahil sa lakas ng boses ko. Kasalanan niyo eh bakit hindi niyo na lang ako diretsohin. May pa ano-ano pa kayo.

"Kasi absent yung isang member namin sa team, balak sana namin na ikaw ang pumalit" diretsohang ani jenny.

Yun naman pala eh. Bakit pa pinatagal?

"Iyan na ba?" Tanong ko

Marahan naman silang tumango na ngayon ay namumula na ang kanilang mukha. Napangisi na lang ako sa kanila dahil sa totoo lang nakakatawang panoorin ang mga mula nila.

"Naman pala eh, TAYO NA!" Sabay lakad ko.

"Teka lang sofia, bawal maglaro ang mga naka civilian" ani jenny

Liningon ko naman ang dalawa. Kita ko si chesca na winawagayway ang outfit kung saan dapat kong suoutin. Sinamahan naman ako ng dalawa kong kaibigan ko sa loob ng locker room para makapagpalit.

Nang natapos na akong magpalit ay dumiretso na kami sa field kung saan magaganap ang volleyball game. Sumunod lang naman ako sa dalawa papunta sa coach. Habang papalapit kami sa kanila wala na akong maramdaman kundi kaba. Kinakabahan ako dahil baka hindi ko na matandaan ang mga tinuro sa amin ng voach namin sa davao noon.

Baka ako pa ang magpatalo sa larong ito.

"Coach nandito na po si sofia" ani jenny. Lumapit pa ako ng konti kay jenny para makita ako. Tumingin naman sa akin ang coach nila tsaka ngumiti.

"Are you good at volleyball?" Tanong sa akin ni coach

"Yes po c-coach" nauutal kong sagot.

"Tss" pakinig kong bulong ni kyla na kinikilala nilang leader sa team.

Makalipas ang ilang minutong pangangaral sa amin ng coach ay narinig na naming pumito ang referee namin sa larong ito. Mas lalo na akong kinabahan nang lumapit na kami sa may court.

"Siguraduhin mong mapapanalo mo ang larong ito" bulong sa akin ni kyla na mas lalong nagpakaba sa akin. Pumwesto na kami sa sarili naming pwesto nang nagsimula na ang laro.

Sa kalagitnaan ng laro na ito ay nagpapasalamat talaga ako dahil hindi ko pa naman nakakalimutan ang mga tricks na natutunan ko sa coach namin. Lamang kami ngayon sa sa last round na ito. Agad din namang nagrequest si coach ng time out.

Lumapit kami sa aming coach at iginala ang mata sa mga maraming school mates na nanonood. Bumaling naman ako sa mga hiyawan sa taas at naaninag ko sina vhonne, nard at Joshua. Mukhang kanina pa sila nanonood dito dahil kanina ko pa naririnig ang mga ingay nila.

Nang pumito na ang referee namin ay agad na kaming bumalik sa pwesto namin at bumaling ulit ako sa kinaroroonan nila Joshua na ngayon ay nakahalukipkip na nakatingin sa akin. Seryoso ang mukha. Nang namataan niyang nakatitig sa ako sa kanya ay bigla na akong nag iwas ng ng tingin.

"GO SOFIA!!"
"SOFIA, IDOL I LOVE YOU!"
"ANG GANDA MO SOFIA, PAKASAL NA TAYO!"
"ANG SEXY MO SOFIA, ANG PUTI MO PA!"

'Yan ang mga naririnig kong sigaw kanina pa. Naiirita na rin ako dahil ayaw ko talaga center of attraction eh. Sa bawat sigaw nila nakukuha agad nila ang attention ko. At sa totoo lang ako na mismo ang nahihiya.

Sa kabila ng mga puntos namin, kung kanina ay lamang kami ngayon sa kabila na ang may maraming puntos. At dahil sa sinuswerte kami ang leader pa ngayon ang nabalian. Agad naman nilang binuhat si kyla dahil sa paa siya nabalian. Ngayon parang wala ng pag asa na manalo kami ngayon.

Habang tumatagal mas lalo na kaming nalalamangan. Hindi naman sa pinagmamayabang ah pero ako na lang yata ang natitirang magaling dito eh. Na injured ang leader, pagod na si jenny, at si chesca may emergency.

Sa kalagitnaan ng laro namin ay ako na lang yata ang kalaban dito eh. Actually ako lang gumagalaw dito, pero sinuwerte kami dahil isang puntos na lang ang agwat namin. Sa ibang team ngayon ang may ari ng bola. Mas lalo lang akong kinabahan dahil sa puntong ito si Stephanie ngayon ang may hawak..it means..siya ang magse serve.

Napalunok nalang ako dahil kilala talaga si Stephanie. Siya ang pinakamagaling na volleyball player sa campus na ito. Maganda siya, pero ang sabi sabi may pagka playgirl daw. Sa pagserve niya mukhang napalakas dahil sa lakas din ng pagpalo niya sa bola kaya sa amin ang puntos.

Ngayon parehas na ang mga puntos namin. Bumaling ulit ako sa itaas at kita ko sa mukha ni Joshua na seryoso talaga siya. Lalo lang naglamig ang buong sistema ko ng inanunsyo ang natitirang itas namin sa larong ito. 30 seconds na lang ay time out na. Nagpasalamat naman ako at naiabot ng kasama ko ang bola sa kabila. 10 seconds na lang ay matatapos na. Papunta na sa amin ng ang bola kaya napasigaw nalang ako.

"MINE!!"

Sa sigaw ko na yun' talagang walang gumalaw ni isa sa mga kasamahan ko. At talagang ibinuhos ko na talaga ang kaya ko sa pag spike sa bola. Napadaing naman ako sa sakit ng palad ko pero naipanalo ko naman. Sigawan at palakpakan ang natanggap ko pero hindi parin maalis ang sakit salit dahil sa lakas ng pagpalo ko.

                     

Fall For MeWhere stories live. Discover now