Chapter 11
"What took you so long?" Tanong sa amin ni nard nang nakarating na kami sa canteen. Hindi pa sila nakakaorder dahil talagang hinintay nila kami.
"Nagpalit pa kasi ako" paliwanag ko. Tumango sila.
Bumaling ako sa kanila na ngayon titig na titig sa dalawang upuan sa harapan nila. At talagang inihanda nila yan huh? Pinagtaasan ko sila ng kilay pero hindi parin sila kumibo.
"Order na tayo? Gutom na kasi ako eh..hehe" ani jenny
Nang pumunta na si vhonne sa may counter para makapag order na ng makakain namin ay nauna na nang umupo si Joshua sa inihanda ng mga kaibigan ko. Tiningala naman nila ako, wala naman akong ibang choice kaya nagkibit balikat ng nalang ako tsaka padabog na umupo.
Nagsimula na kaming kumain at naramdaman ko ulit na sumasakit ng konti ang ulo kaya hinaplos ko ito. Kita ko sa gilid ng mata ko na pasulyap sulyap si Joshua sa akin.
"Sofia ano nangyari diyan sa noo mo?" Tanong sa akin chesca
"Oo nga sofia, bakit may bukol" nagkibit balikat si jenny "Pero maliit lang naman" aniya
Hinaplos ko ulit ang noo ko. Totoo nga. May bukol nga.
"Uh..w-wala lang 'to" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa gymnasium para sa championship na gaganapin ngayon. Maaga kaming pumunta dahil yun ang napag usapan namin sa team. May trenta minutos pa kami sa pagpa practice dahil 1:30 ang simula ng laro. Sa laro namin ang makakalaban namin ay ang 2nd year college. Actually nasa 1st college pa kami, hindi ko pa alam kung sino ang mananalo pero sigurado akong hindi kami.
Bago nagsimula ang laro ay nagpalit muna ako. Kasalanan ito ng bakulaw na yun eh, kung hindi na sana ako nagpalit eh di hindi na ako bumalik sa locker room.
"Kayo ang maglalaro..Salvador, Hernandez-
Hindi ko narinig ang mga sinabi ni coach na maglalaro dahil dumiretso na kami ni kyla sa may net pero bumaling parin ang kay chesca at jenny kung isasali ba sila ni coach. Sinali nga ni coach ang dalawa pero hindi ko na kilala ang isang teammates na sinali ni coach pero basang basa ko parin ang apelyido. 'Corpuz'.
Pagkatapos ng laro namin sa championship ay nagpahinga muna kaming tatlo sa may bench malapit sa may soccer field. Gaya nga ng iniisip ko kanina akala ko sa ibang team mapupunta ang trophy pero thank God but we won. 24-25 ang puntos pagkatapos ng laro namin. Isa ang agwat nila sa amin dahil talagang magagaling ang iba sa volley ball. Sabi nila marami daw ang varsity players ng volleyball at basketball rito. Isa sa kilala na varsity player sa volleyball dito ay si Cindy Guiang. Siya raw ang pinakamagaling kumpara kay Stephanie at Kyla.
"Hay! Nakakapagod namang maglaro" sabi ni chesca sabay punas ng takas na pawis sa kanyang noo.
"Gosh! Iitim ako nito. Bakit pa kasi nasali ang volleyball sa sport fest" reklamo naman ni jenny.
Ayoko ng magsalita dahil pati ako rin ay pagod na pagod na. Actually gaya ng kanina, ako parin ang nag iisang gumagalaw sa laro kanina. Pinalitan kasi ni coach kanina si Kyla dahil hindi parin daw gumagaling ang paa niya. Tumulong rin naman kanina ang dalawa kong kaibigan and they also did their best.
"Excited na ako sa party bukas!" Napatili si jenny.
Wow! Kung makatili ito wagas. Makareklamo kanina parang siya itong ano.
"Me too" ani chesca tsaka nag apiran ang dalawa.
Interesting! Wala silang nakikitang Sofia sa tabi nila.
