Carlo's POV.
"Sinearch ko ito sa internet para hanapin yung taong magpapasaya sayo. Yung taong mahal na mahal mo. And luckily, I got a call from my friend who's working at NSO. Syempre, ginamit ko lahat ng connections ko para hanapin kung sino mang mokong yun. Dito lang siya sa manila nakatira kaya pinangako ko sa sarili kong mahahanap at mahahanap mo siya Carlo. Si Junichi Oda, ang first love mo." Sabay abot sakin ni Rockie ng Address ni Junic ay hindi na ko nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nagpaalam na silang lahat pero hindi parin ako makapaniwala sa nakikita kong pangalan sa papel na bigay niya.
Junichi Kurosaki Oda.
Blk 1 lot 2 Sec 3 Phase 4, Fifth Subdivion, Brgy. 678, Fairview, Quezon city, Manila.
+639098765432Tuluyan ng bumagsak ang tubig sa mga mata ko. Pinunasan ko agad ito pero patulog parin ang pagpatak nito.
Tumakbo ako papuntang parking lot at mabilis na nag-drive papunta sa address na iyon.
"Juniccc. Sa wakas! Makikita ulit kita."
Pinaharurot ko na ang kotse at nagtanong tanong hanggang sa marating ko ang Two storey residential house na ito.
Nakatayo ako sa harap ng gate habang patuloy sa panginginig ang tuhod ko at mabilis na pagtibok ng puso ko.
Dahan dahan kong pinindot ang doorbell at narinig ko pa ang pagtunog nito..
Napamura naman ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang isang aso at tinahulan ako. Napakapit pa ko sa dibdib ko sa sobrang kaba ko, buti nalang may bakal sa pagitan namin kung hindi, juice ko baka nalapa na nito ang katawang pinagpaguran ko habang hinahanap ko si gagong Junic na ito.
"Ashie! Stop." Napatingin ako sa lalaking kalalabas lang ng pinto tapos ay itinali ang aso. Nakasando ito at naka jersey short.
Hindi ako makapagsalita, walang lumalabas sa bibig ko sa pagkatulala ko sa lalaking ito.
Ito na ba siya?
Ito na ba si Junic?
Ito na ba ang lalaking minahal ko 5 years ago?
Napatitig ito sa akin, kinikilala ako pero walang emosyon sa kanyang mukha.
"Bakit?" Tanong nito.
Tila bumalik naman ako sa ulirat. "Ah, ano kase eh.."
"Ano ba yun?!" Napakapit pa ito sa noo niya. Lalong nanghina ang tuhod ko sa umungang na dibdib niya at kumaway sakin ang masarap na armpit niya.
"Im looking for Mr. Junichi Oda. Im Carlo Saavedra."
Parang tumigil ang mundo ng mga oras na yun.
Pareho kaming nakatingin lang sa isa't isa.
Ito na ba?
Ito na ba ang pagbabalik ng kanyang ...
Book III entitled:
OBSESSION.