Five years ago.
Nakaubob lang ako sa desk ko nang mangawit ako at naghanap ng makakausap. Walang klase ng mga oras na iyon nang mapalingon ako at napukaw ng atensyon ko ang lalaking nakatingin sa kawalan: sa may bintana. Siya si Junichi Oda. Classmate ko siya since last year, Second year college na kami ngayon sa taong ito pero ganun parin siya. Siya yung tipo ng taong paghindi mo kinausap, hindi rin magsasalita. Pa-misterious effect ika nga. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang lalo akong hinahatak ng kanyang presensya. Yung para bang gustong gusto kong usisain ang lahat lahat sa kanya. Yung gusto ko siyang makilala pa.
Nagtama ang aming mga mata nang lumingon siya — na siya namang pag iwas ko. Ang titig niyang iyon na nagsasabi sakin ng, "BAKIT?! MAY PROBLEMA KA?!" Napayuko ako. Feeling ko ay namumula ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
Matagal ko na siyang tinitignan mula sa malayo. Ewan ko ba, ni isang beses ay hindi ako nagkaroon ng lakas na loob na kausapin siya. Well, nai-intimidate kase ako sa kanya. Suplado. At hindi niya ugali makihalubilo sa mga tao dito. Para siyang may sariling mundo. Mundong siya lang ang naroon. Mundong hindi niya pinahihintulutan ang ibang taong makapasok.
Nagsimulang magsipasok ang mga kaklase naming nasa labas at nagsiupo na ang mga ito. Muli akong bumalik sa katinuan ng dumating na ang guro namin kaya nawala na sa isip ko si Junic.
Lumapit sakin si Rico na kaklase ko. "Carlo, sabay na tayo. Pauwi kanaba?"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahilan para mapatingin ako sa kinauupuan si Junic pero wala na siya. "Ah, ano kase eh. May pupuntahan pa ko. Next time nalang Rico." At ni-tap ko pa siya sa balikat.
Dumiretso ako sa library at napansin si Junic. I knew it! Nakaupo siya sa dulo. Nagbabasa at maya maya lang ay sinandal ang ulo niya at tinakpak ng libro ang mukha niya.
Napatingin ako sa relos ko. 3:35 pm. "Hindi paba siya uuwi?" Tanong ko sa sarili ko. Alas tres ng hapon natatapos ang klase pero nakikita ko siyang nag-i-istambay dito sa library hanggang alas singko. Nakatulala. Nag-iisa. Nagpapatay ng oras. Minsan ay gusto ko siyang lapitan pero hindi ko talaga kaya. Hays!
Naghanap muna ako ng mauupuan at nagsimula na rin akong kumuha ng mga libro para mag advance reading nang biglang makita ko siya sa isang dulo ng book shelve marahil ay naghahanap ng bagong babasahin.
Napaatras pa ko para magtago at sikretong pinagmasdan siya. Ang lakas talaga ng dating niya! Sa tangkad niyang 5'7 at angking kagwapuhan na animoy kakambal ni Paulo Avelino ay hindi nakakapagtakang maraming naaakit sa kanya. Kumuha siya ng isang libro at binuksan ito, ilang minuto niya rin itong binasa ng ibalik niya ito sa shelve at tsaka umalis.
Dali dali akong pumunta doon at hinanap ang librong binasa niya. Na-curious kase ako kung anong klaseng libro ang binabasa niya.
"Saan ba yun dito?" Ilang libro na din ang nadaanan ng daliri ko nang makita ko ang kulay asul na librong kinuha niya kanina.
"Diary of a Closet Bisexual."
"Huh? Ito ba yun?" Tanong ko sa aking sarili. "Magbabasa ba ng ganito si Junic?" Dagdag ko pa.
Nagulat ako nang may humawak sa braso kong may hawak na libro. Nabitawan ko ang libro at napasandal sa shelve. Napatitig ako sa lalaking nasa harap ko. Nakayuko ito at nakatitig sa aking mga mata. 5'5 lang kase ako. Ang mga matang iyon na siyang nagpapakabog ng dibdib ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Parang gusto kong kainin nalang ako ng lupa.
Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito at sa sobrang lapit namin ay sigurado akong naririnig niya. Ang dami kong gustong sabihin pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Lalong lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
Napatitig ako sa kanyang mga mata kasabay ng mga salitang nabitawan ko sa harap niya. "Mahal kita."
Nagulat ako sa nasabi ko, napatakip pa ko sa bibig ko. Nakita kong ngumisi siya. "Shit!" Sabay takbo ko palayo sa kanya. "Nakakahiya. Ano ba yung nasabi ko? Puta! Nakakahiya talaga."
Simula ng araw na yun ay iniwasan ko nang tumingin sa kanya na hindi ko naman magawa, lagi kong nahuhuli ang sarili kong nakatingin sa kanya pero this time pag nagtatama ang aming mga mata ay parang naaaninag ko ang ngiti sa mata niya. Dati, ay yun ang gustong gusto kong makita pero ngayon, pag nahuhuli niya ko ay umiiwas ako. Naiilang ako. Hahahahaha Wtf?!
Tbc. 🍏