"Im sorry." Apologetic niyang sabi.Ewan ko, pero feeling ko, nabawasan yung pagkatao ko nung binigay ko ulit yung sarili ko kaya nasampal ko siya ng malakas na malakas! Umasa ako e at ang sakit sakit ng dibdib ko. Hindi dahil sa paghalik niya at pagkagat kagat ng nipple ko kundi dahil sa nararamdaman ko.
Dumiretso ako ng kotse. Pinagana ko na ito at pinahahurot.
Nang mapansin kong malayo na ko ay tumigil ako at du'n ko na ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko.
Inuntog untog ko pa ang ulo ko sa manibela. Para akong tanga! Pero mahal na mahal ko parin siya sa kabila ng buhay na meron siya...
I want him so bad.
Pero anong laban ko sa asawa niya?
Sa mata ng tao, sa diyos at kung kani-kanino. Anong laban ko na isang taong parte nalang ng nakaraan.
I want to win him back.
I.WANT.HIM.BACK!
Pinunasan ko ang luha ko at pinangako sa sarili kong mababawi ko siya sa kahit anong paraan.
Hindi niya ko sinukuan noon kaya hindi ko siya susukuan ngayon.
Pero... paano ko naman gagawin yun?
Hays.
Nakaka-stress.
Dumiretso ako sa isang bar at ininom ko lahat ng sama ng loob ko.
Sagasaan ko kaya yung asawa niya? Bwahaha. I'm fucking serious!
Ano bang gagawin ko?! Bwiset. Tang ina.
Kahit lasing na lasing na ko ay dumiretso ako sa opisina niya dahil siya nalang ang taong mahihingian ko ng tulong. Si Ardee!
Napatayo siya nang makita ako. "Oh, Carlo, anong nangyare sayo?"
"M-maniningil ako ngayon, it's about time to return the favor Sir." Seryosong tugon ko habang nakatitig lang sa kanyang mga mata.
Nabakas ko ang kaba sa mata niya ng bitawan ko ang mga salitang yun. "A-anong s-sinasabe mo C-carlo?"
"T-tulungan mo 'kong mabawi si Junic Sir. N-ngayong nakita ko na siya, hinding hindi na ko papayag na m-mawala siya sakin ulit. G-ginawa ko yung sinabi niyo sakin noon, k-kahit ayaw ko! K-kaya ngayon, gawin niyo ang gusto ko! T-tulungan niyo kong paghiwalayin si Junic at a-asawa niya!" Wika kong puno ng determinasyon sa mata.
Galit na galit siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa kwelyo. "Iinom inom ka, hindi mo kaya! Tapos, iba-blockmail mo ko ngayon dahil lang sa pansarili mong kaligayahan!" Sigaw niya.
Napangisi naman ako sa tinuran niya. "P-pansarili kong kaligayahan? Sa inyo ko yun natututunan Sir nung pinasagasa mo sakin ang Tatay ni Rence dahil gusto mong wala nang maging problema sa inyo!" Sigaw ko. Tila nabuhusan naman siya ng malamig na tubig.
Pareho kaming napatingin sa pinto nang may narinig kaming bumagsak. Nawala ang lasing ko nang makita ko si Rence na gulat na gulat at natapon ang dala niyang kape sa lapag. Bigla akong binitawan ni Ardee at hinabol si Rence na umiiyak.
Napaupo ako sa sobrang gulat ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak dahil alam ko ang hirap ni Ardee para makuha ulit si Rence pero dahil sa sinabi ko ay mukhang hindi na ata matutuloy ang kasal na matagal niyang hinintay. Pinagsasapok ko ang sarili ko, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Tumayo ako at nagsimulang tumakbo, kailangan kong makausap si Rence. Sa pagmamadali ko ay may nabunggo ako. "Sorry." Wika ko nang hindi man lang tumitingin sa taong nabunggo ko pero napatigil ako nang banggitin nito ang pangalan ko. Dahan dahan akong lumingon na nakita ang lalaking nakangiti sa akin. Si Rockie!
Hinila ko kaagad siya at tumakbo kami pero tumigil siya. "Anong bang nangyayare? Nasa'n sila Rence?" Takang takang tanong niya.
"Basta! Mamaya ko na sasabihin. Ang mahalaga ay makausap ko si Rence, hanapin natin siya please at kailangan kita, please pagbigyan mo naman ako ngayon Rockie. Kahit ngayon lang, t-tulungan mo 'ko." Pagmamakaawa ko sa kanya habang patuloy sa pagbagsak ang luha ko. "Rockie please..."
"Huwag ka nang umiyak, sige na." At nagsimula na ulit kaming tumakbo para hanapin si Rence.
Nakita kong na-stranded si Ardee sa bulto ng mga tao kaya naghanap ko ng ibang madadaanan habang nakasunod naman sakin si Rockie.
Nakita kong tumatakbong nagpupunas ng luha si Rence. Kasalanan ko lahat nang 'to, kabobohan ko. Kabwiset!
Bigla naman akong nataranta nang makitang tatawid ng kalsada si Rence ng hindi man lang tumitingin sa kanyang tinatahak. Nagmadali ako para maabutan siya.
"Renceeeeeeeeee!" Sigaw ko. Napatigil naman siya sa gitna ng kalsada at tumingin sa akin at dali dali akong tumakbo para maitulak siya dahil sa paparating na truck na bumisina pero mukhang wala siyang naririnig.
Narinig ko pa ang sigawan ng mga tao at pagbanggit ng pangalan ko.
"C-carloooo." Umiiyak lumapit sakin si Rence at nilagay ang ulo ko sa hita niya. "P-patawarin mo ko Rence." Tugon ko at napakatingin lang ako sa mga kumikislap na mga bituin at tuluyan na kong nawalan ng malay.
Tbc. 🍏