VI

325 6 1
                                    


Halos makalmot ko ang kanyang likuran dahil sa sakit na aking nararamdaman kasabay ng kanyang halik na aking sinasabayan.

Kasabay ng tugtog na nagmumula sa radyo ng kapitbahay na kumakanta ng, heaven by your side ~



Gabi na nang magising ako. Nakaunan ako sa kanyang braso. Napangiti ako. Napakagwapo ng nilalang na ito. Niyakap ko siya ng mahigpit dahilan para magising siya.

"Hmm.." impit niya habang nakapikit pa ang kabilang mata niya at pag unat ng braso niya.

Lalo kong hinigpitan ang yakap! Niyakap niya rin ako. Nung mga oras na yun ay pinanalangin ko na sana'y tumigil ang mundo. Na sana ay forever na to. Sa kanyang bisig ay feeling ko, mabubuhay na ko.

Tumitig siya sa aking mga mata kasabay ng paglabas ng pantay at mapuputi niyang ngipin dahil sa pagngiti niya. Napangiti din ako at buong puso sinabing, "Mahal kita, Junichi Oda."

Nang sabihin ko ang mga salitang yun ay parang bigla siyang nagbago. Nawala ang higpit ng yakap niya at bigla siyang napaupo.

Napaupo narin ako at sinuot ang aking polo. "What's wrong... Junic?"

"Mag-dinner muna tayo tapos ay ihahatid na kita sa inyo."

Biglang naguho ang mga pangarap kong nabuo nang sabihin niya ang mga salitang 'yun. Malamig ang tono na siyang nagpadurog sa nag aalab kong puso. Kasalanan ko, nag expect ako. Akala ko, mahal niya rin ako o kahit man lang, kaunting pagkagusto.

Biglang bumagkas ang tubig na namuo sa mata ko. "Salamat nalang. Uuwi na ko." Isa isa kong pinagpupulot ang gamit ko. Wala siyang ginawa para pigilan man lang ako hanggang sa makarating ako ng pinto ng kanyang kwarto. Binuksan ko ito at lumabas ng bahay ito.

Tumakbo ako palayo sa lugar na ito. Hindi ko napigilan ang sakit na nararamdaman ko. Napaupo ako sa isang concrete bench na nakita ko. Sobrang nadudurog ang puso ko! Ang sayang nararamdaman ko ay napalitan ng animo'y pagkawasak sa loob ng dibdib ko. Ang sakit sakit! Napahagulgol na 'ko sa kaiiyak kahit pigilan ko... ay hindi ko magawa.

"Ang tanga tanga mo Carlo!" Sabi ng utak ko.

"Pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya." Sagot ng puso ko.

Parang may kung anong nagtatalo sa isip ko. Gusto kong magsisi sa ginawa ko pero ayaw ko, dahil kahit papaano ay naging masaya ako.

"Asar. Tang ina! Ano ba tong kabobohan ko? Feeling ko nagpabaya ako sa sarili ko. Shet talaga!"

Pinilit kong kalimutan ang nangyare pero paano ko naman gagawin ko yun? Araw araw ko siyang nakikita at araw araw akong nasasaktan! Kahit anong iwas ko ay nahihirapan talaga ako. Minsan nahuhuli ko ang sarili kong nagkukulong sa cubicle ng banyo. Umiiyak. Nag iisip. Lutang.

"Okay ka lang ba? These past few days parati kang tulala at hindi ka makausap ng maayus." Tumungo lang ako kay Rico, halatang nag aalala siya dahil ramdam ko iyon sa boses niya.

Nakasalubong ko ang grupo ni Ricardo, napaatras ako nang mapagsino ako nito. Tumakbo ako pero nakarating na pala ako sa dulo dahilan para ma-corner ako.

"Ano bang kailangan niyo?!" Sigaw ko.

"Nasaan ang tropa mo?! Tinakbuhan niyo ko nung nakaraan. Tara, magtuos tayo." Parang may kung anong sumaping demonyo kay Ricardo na siyang nagpapatindig ng balahibo ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Nagsisipagtawanan naman ang apat niyang alipores. Mga kulugo ng palakang si Ricardo.

"Ewan ko. Di ko nga kilala yun!" Sagot ko.

"Di niya 'ko tropa! Boyfriend niya ko!"

Napatingin kami lahat sa likuran ni Ricardo. Nakita ko si Junic at napamura talaga ako sa sinabi niya. Pinigilan kong matawa pero hindi ko nagawa.

"Laughtrip amputa! Hahahahaha." Tawa ako nang tawa! Tiningnan niya ko ng masama kaya naman napatigil ako sa pagtawa.

"E, bakla pala to e." Sabay suntok ni Ricardo sa kanya pero nakaiwas siya at nasuntok sa pisngi si Ricardo at lumipad doon sa gilid at hindi na nakabangon.

"Yan! Ganyan." Sabay suntok ko sa hangin para i-cheer up siya. Pumalakpak ako kasabay ng suntok sakin kaya napaupo ako sa sahig. Gago yun huh? Excited? Di pa nga ko ready.

Tumayo ako at nakipagsuntukan sa ulol na sumuntok sakin pero narealize ko na ang laki niya pala kaya napatakbo ako sa likod ni Junic sabay masahe ko sa kanya. "Kaya mo na yan huh? Hehe."

Ang galing makipagsuntukan ni Junic.

"Whoo. Sige pa. Sa likod mo, yan! Ganyan. Whooo." Sigaw ko. Para akong tangang tagasuporta niya. Haha teka, ano ba tong ginagawa ko?

Tbc. 🍏

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon