"Bakit nga?!" Atat na atat kong tanong kay Rico."Pinagkalat ng grupo ni Ricardo na magsyota kayo ni Junic. Bakit..? Hindi ba totoo yun?"
Napatigil ako at hindi nakasagot.
"Silence means yes." Dagdag pa niya.
Napatango ako.
Napatayo si Rico at pumwesto sa likuran ko. "Totoo?" Hindi siya makapaniwala kasabay ng ngiting tagumpay niya, tumingin pa ito kay Junic. Nakita kong tinaasan lang ito ni Junic ng kilay. Evil talaga ang loko!
Tinapik niya ako nang malakas sa batok dahilan para maumpog ako sa desk ko. Hindi naman masakit pero nagulat ako nang nakita ko kaagad na, sa segundong nagdaan ay parang si The Flash si Junic at nakahawak na siya sa kwelyo ni Rico. Napatayo ako para awatin ang loko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Junic sa kwelyo ni Rico. "Masyado ka naman. Nabigla lang naman si Rico."
Agad bumalik si Rico sa upuan niya. Nangangatog ito.
"Bumalik kana sa upuan mo Junic!" Sabay turo ko pa sa pinakadulo ng classroom kung saan siya palaging nakaupo.
Bumalik naman agad ito.
Tumapat ako sa harap ni Rico. "Pasensya kana huh? Hindi naman galit yun. Ganun lang talaga yun." At ngumiti pa ko para mabawasan ang tensyon ni Rico.
"Ah. Eh. O-o-okay lang." At umusog siya ng konte palayo sa akin. Inintindi ko nalang ang nararamdaman niya at bumalik na ko sa upuan ko.
"Siraulo talagang yun. Argh!" Usal ko sa sarili ko. Mukhang mauubos ang kaibigan ko dahil dito kay Junic. Simula nang makipag away siya kela Ricardo ay iniiwasan na siya ng lahat ng tao. Natatakot marahil sa inasal niya at sa galing niya sa pakikipagsuntukan. "Hays. Ano ng gagawin ko? Pati ako iniiwasan na."
"BREAKTIME na. Sumabay kana sakin at mukhang wala namang sasabay sayo." Sinipa pa niya ang upuan ko. Tiningnan ko lang siya ng masama pero wa-epek!
Nakasunod lang ako sa kanya nang hatakin niya ang kamay ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakapit niya pero hindi ko magawa. Pinagtitinginan na kami sa hallway kaya napayuko nalang ako. Gusto ko nalang kainin ako ng lupa!
Pinaupo niya ako at sinabing, "Diyan ka lang, huwag kang aalis jan. Pag umalis ka jan, you're dead!" Madiin niyang saad at seryosong seryoso.
Hays.
Siya ang bumibili ng pagkain namin.
Kahit dito sa canteen ay pinagtitinginan kami.
Hiyang hiya na 'ko at nahihirapan na kong kumilos dahil sa mga matang nakatitig sa amin.
Hayss..
Wala narin akong kaibigan.
Iwas na iwas ang taong kausapin o lapitan man lang ako.
Natatakot sila sa maaaring gawin sa kanila ni Junic.
Wala na kong makausap.
Hirap na hirap na ko.
Nasasakal na ko.
Pagod na ko.
"Ano ba naman 'tong napasok ko?" At napaubob nalang ako sa desk ko.
"MAYBE we should stop this." Napalingon siya sakin ng oras na yun. Ihahatid niya na ko nang hindi ko napigilan ang sarili kong masabi ang mga salitang yun.
Tumingin lang siya sa akin.
"ITIGIL NA NATIN TO!" Napalakas na ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko and I'm about to explode.
Kitang kita ko ang pagbagsak ng luha niya. "Sabi mo... hindi mo ko iiwan?! Bakit ngayon nagpapaalam kana? Manloloko ka!" Biglang nagbago ang itsura niya. Punong puno ng galit ang mata niyang may luha at panunumbat ang kanyang mga salita. Sobrang natakot ako sa kanya nang biglang hinatak niya ko at hinila ang kamay ko. Halos magkadarapa na ko sa higpit ng hawak niya at pagkakahila niya. "Junic.. Ano ba?! Nasasaktan ako!!"
Hila hila niya lang ako hanggang makarating kami sa kwarto niya. Tinulak niya ko papunta sa kama, tumama pa ang ulo ko sa headboard nito, dahilan para pumutok ang gilid ng noo ko at winasak niya ang suot kong polo at pilit tinatanggal ang pantalon ko. "JUNIC... PLEASEEE... DON'T DO THIS!" Halos mangiyak ngiyak na ko sa pinaggagawa niya sa akin.
Sinipa ko siya at napaupo siya sa sahig. Tumakbo ako papunta sa pinto pero nahila niya ang paa ko. Tumayo siya at hinatak ang buhok ko. "Juniccc.. Ang sakit.." halos mapaiyak na ko sa sakit kasabay ng pagsuntok niya sa sikmura ko.
Nanghina ako pagsuntok niyang iyon at napahawak sa sikmura ko sa sobrang sakit. Iyak lang ako nang iyak.
Hinubad ni Junic ang suot niyang damit at binuksan ang butones ng pantalon niya.
Sinimulan niya akong babuyin. Pinagsusuntok ko siya pero doble ng suntok na yun ang bumabalik sa akin.
"Junicc... please... tama na." Pagpigil ko sa kanya nang simulan niya kong pagbalaking angkinin ng labag sa loob ko. "Juniccc... Please.." Pagmakakaawa ko sa pagitan ng paghagulgol ko.
Tbc. 🍏