IX

224 7 0
                                    


"Junicc... please... tama na." Pagpigil ko sa kanya ng simulan niya kong pagbalaking angkinin ng labag sa loob ko. "Juniccc... P-please... w-wag naman ganito..." Lumanding ang palad niya sa pisngi ko at halos dumugo na ang ilong ko dahil sa pagsuntok niya kanina.

"Juniccc, please..." Pagmamakaawa ko. "Akala ko ba mahal mo ko, bakit mo ko ginaganito?"

Napatigil siya sa ginagawa niya at niyakap niya ko. Mahigpit na mahigpit! "Mahal na mahal kita Carlo at ayokong mawala ka sa buhay ko. Lahat naman ginawa ko bakit iiwan mo parin ako? Nagkulang ba ko? Saan? Sabihin mo! Para alam ko. Para mabago ko." Unti unting tumusok ang mga salitang yung sa puso ko.

Tumayo si Junic at kinuha ang Medicine Kit sa cabinet at sinimulan niyang gamutin ang mga gasgas, sugat at pasa ko.

Hinalikan niya ko sa labi. "Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Mamamatay muna ako. Tandaan mo yan!"

Nagsimula na kong matakot sa inaasal ni Junic. Hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan niya at ganun siya ka-obsess.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. "Bakit kaba nagkakaganyan? Ano bang nangyare sayo?" Sa age niyang 19 ay hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salita niyang yun.

"Simula nang mamatay ang Papa ko ay napabayaan na ko ni Mama nang magpakasal siya sa Dindo na yun! Hanggang financial nalang ang responsibilidad sakin ni mama. 7 years old ako ng magsimulang mamuhay kasama ang Yaya. Pero nung 13 years old na ko, ay iniwan din ako ni Yaya para sa pamilya niya. Kaya simula nun ay ako na lang mag isa. Wala ng nagmamahal sakin Carlo." Humagulgol na siya sa pag iyak. "Kaya nung dumating ka, pinangako ko sa sarili kong hinding hindi kita pakakawalan at umasa ako sa sinabi mong HINDI MO KO IIWAN. Please Carlo, huwag mo kong iiwan. Natatakot ako." Nagsimula na namang magbagsakan ang luha niya. Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Napaiyak na din ako.

"Ito ba yung sinasabi mong pagmamahal? Hindi mo dapat sinasaktan ang taong mahal mo Junic. Sa pagkakataong ito ay mali ka. Huwag mo na ulit itong gagawin huh?" Parang batang iyak na iyak si junic. Awang awa ako sa kanya. Maybe he been through a lot at this age. The pain inside him, takes away his happiness. Ruined his life and making him miserable.

Tumango lang si junic at nakatulog sa balikat ko. Inihiga ko siya sa kama at sinimulang linisin ang magulong kwarto niya.

Kumuha ako ng magagamit kong damit sa closet niya dahil hindi na magagamit ang damit ko dahil sa pagkakawasak niya.

Malalim pala ang sugat sa puso ni Junic. Kaya pala noon palagi siyang tahimik at may malalim na iniisip. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon, napatingin ako sa salaming basag. Marahil natamaan ito kanina ng mag away kami ni Junic. Kitang kita ko ang pasa sa braso, pisngi at dugo sa gilid ng noo ko. Parang battered husband ako sa itsura ko. Sinimulan kong ayusin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito at hindi ko rin maiiwan sa ganitong kalagayan si Junic. Ano pa man ang nangyare, mahalaga parin siya sakin at mahal ko siya.

Naghanda na ko ng pagkain para sa dinner namin.

Mula sa likod ay nakaramdam ako ng pagyakap. "Mahal na mahal kita Carlo. Mamamatay ako pag nawala ka sa buhay."

"Shh.." humarap ako sa kanya at lumapat ang labi niya sa labi ko.

Tbc. 🍏

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon