Dati, ay yun ang gustong gusto kong makita. Ang ngiti niya. Pero ngayon, pag nahuhuli niya ko ay umiiwas ako. Naiilang ako. Ewan ko pero nahihiya ako kasabay ng ngiting namumutawi sa labi ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?? Nakakakaba. Nakakabaliw!"AYY shit! Sorry. Sorry." Sambit ko nang may mabunggo ako sa canteen. Natapon pa ang softdrinks ko na nasa plastic cup sa uniform ng nabunggo ko. Nilapag ko agad sa malapit na table ang tray na hawak ko at kinuha ang panyo sa likod ng pantalon ko at pinunas ito sa damit ng natapunan ko.
Hinawakan ako nito sa pulso kaya napatingala ako para makita ko ang mukha niya. "Junic?!" Gulat na sambit ko.
Ngumiti ito sa akin. Feeling ko ay namumula ako sa sobrang hiya. Nabitawan ko pa ang panyong hawak ko at tumakbo. Siguradong mabubugbog ako nito!
"Jusme! Ano bang nangyayare sakin?" Tanong ko sa sarili.
Sa katatakbo ko ng nakayuko ay nakabunggo na naman ako.
"Putcha! Pagminalas malas ka nga naman." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Ricardo. Ang pinaka-bully ng school na to.
"Patay!" Sabi ko sa sarili kong puno ng kaba.
Napapikit ako at pinangsangga ang braso ko nang makita kong umamba ito ng suntok.
"Binatawan mo nga ko! Gago ka huh?" Boses ni Ricardo. Nang imulat ko ang mata ko ay likod ng isang tao ang nakita ko.
Nagsuntukan sila sa harap ko na siyang lalong nagpakabog ng dibdib ko. Nang lumingon ito ay napagsino ko ito, "Junic?" Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka kami umalis sa lugar na ito at iniwan si Ricardo na nakabulagta sa sahig.
Pumunta kami sa likod ng isang classroom. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Pinunas niya ito sa tumutulong dugo mula sa gilid ng noo niya. Ewan ko ba biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang panyo kong gamit niya.
"Kasali kaba sa track and field? Takbo ka nang takbo e." Halata sa boses niya ang pagkaasar sabay tanggal niya ng polo niya na natapunan ko ng softdrinks.
Nakasando naman siya pero kitang kita ko ang umbok ng dibdib niya. Tumingin siya sakin dahilan para mapatalikod ako. "Shit! Wrong move." Sabi ko sa sarili ko. Hindi nga pala gawain ng isang matinong lalaki ang tumalikod pag may lalaking nagtatanggal ng polo.
Hinawakan ako nito sa balikat at pilit na pinaharap sa kanya. "Humarap ka sakin 'pag kinakausap ki--" pero dahil nga wala ako sa sarili ay natumba ako sa kanya dahil parang nanlambot ang aking mga tuhod.
Sinalo niya ko na naging dahilan ng kanyang pagtumba. Bumagsak ako sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib niya na katulad ng sa akin.
Tinulak niya agad ako. Nakita ko ang namumula niyang pisngi, ewan ko ba. Napangiti nalang ako bigla.
Pareho kaming umupo at sumandal sa pader.
"Bakit?!" Tanong niya nang makita niyang nakatingin lang ako sa kanya. Sa tono niya e, parang galit.
"Sorry for causing you all these trouble." Napayuko ako. Nahihiya ako.
Hinawakan niya ko sa balikat kasabay nang paglapat ng labi niya sa labi ko pagkatapos ay niyakap ako. Mahigpit! Mahigpit na mahigpit. Gusto kong magreklamong nahihirapan akong huminga pero hindi ko magawa. Gusto ko din ang posisyon namin ngayon. Ang higpit ng yakap niya. Ang init ng katawan niya. Ang kabog ng dibdib ko at ang sayang nararamdaman ko.
Muli niya kong hinagkan at hinila ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay. Napapangiti ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero ang saya saya ko at ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Yung para bang may kung anong lumilipad sa kalamnan ko.
Nakarating kami sa bahay nila at dumiretso kami sa kwarto niya. Napasandal ako sa pinto ng siliin niya ako ng halik sa aking labi. First time ko ito kaya hindi ko alam ang gagawin kasabay ng pagtanggal niya ng aking polo. Pinugpog niya ko halik! Sa leeg, sa dibdib at nipple. Masarap ang bawat sandaling iyon. May kung anong mainit na gumagapang sa bawat ugat ko. Nang siliin niya muli ako sa labi ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko matapos ang bawat sandaling ito! Napaiyak ako dahil sobrang saya yung nararamdaman ko.
Pinusan niya ang dumaloy na luha sa pisngi ko kasabay ng muling paghalik niya sa akin.
Ang bawat segundo ng oras na yun ay masakit, mahapdi, masarap at masaya. Buong buo kong binigay ang sarili ko sa taong nagparamdam sakin ng kaligayahan.
Tbc. 🍏