Present Day.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Naaninag ko ang mabilis na paglapit sa'kin ng isang tao. Nang luminaw ang paningin ko'y si Rence ang nakita ko. Sa gilid ng kwarto nakita ko ang nakatayong si Ardee. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya dahil pa rin sa nangyari pero kahit ganoon ay nandoon pa rin ang pag aalala niya sa akin.
Sa aking pag-akmang pag-upo ay naramdaman ko ang sakit sa tagiliran ko at napansin ang mga benda sa aking braso.
"Ilang araw akong nakatulog?" Tanong ko. Dahil nakita ko sa reflection ko sa salaming bintana ang gasgas sa gilid ng noo ko na naghihilom na.
"2 weeks Carlo," mahinahong saad ni Rence.
Napayuko ako. Parang biglang bumalik lahat ng sakit. Nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ako nag-isip kaya humantong sa ganito.
Napatingin ako kay Ardee pero agad din akong umiwas dahil hindi ko siya kayang tignan sa mga mata. Malaki ang kasalanan ko. Wala akong utang na loob! Sa kabila ng kabaitan niya sakin bilang boss ko ay ganito pa ang ginawa ko. "I'm... I'm sorry..."
Niyakap ako Rence. "It's okay..." habang hinahagod ang likod ko. "Nag-usap na kami ni Ardee," saad niya at tumingin kay Ardee at bumalik ang tingin sakin.
Tuluyan na akong nag-breakdown at humagulgol kay Rence.
"Si Junic?" Tanong ko. Na sinagot naman ng bumukas na pinto.
Lumapit ito agad sa akin at niyakap ako. Mahigpit. Humahagulgol.
"Siraulo ka Carlo. Tinakot mo 'ko! Nawala kana sakin noon e, hindi ko na kakayanin pag nawala kapa sakin ngayon!"
Ang mga salitang iyon ni Junic ang nagpagaan ng lahat ng pakiramdam ko. At tanggap ko na. Kung hindi talaga kami para sa isa't isa. Kaya kahit nahihirapan ako ay pinilit kong ngumiti, "okay na ako Junic. Maraming salamat. Umuwi kana baka hinahanap kana ng pamilya mo."
Napakalas siya sa yakapan namin at nakakunot noong tumingin saking mga mata. Napansin ko rin ang gulat na gulat na mga mukha ni Rence at Ardee.
"Pamilya? Ano bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Junic.
"Sa asawa't anak mo," sabay tingin ko sa kawalan.
Isang sampal ang lumanding sa pisngi ko. Nanggaling kay Ardee dahilan para magkaroon ng tensyon sa loob ng kwartong ito.
"TANGAAA! Sa sobrang pagkasabik mo nakalimutan mo nang may utak ka. Puro ka pusong putanginamoka—
Marami pa sanang sasabihin si Ardee pero sinampal siya si Rence kaya napatahimik siya.
Umamba na rin ng suntok si Junic pero nahawakan ko siya sa braso.
"Lalabas muna kami. Ikaw na'ng mag-explain," saad ni Rence kay Junic tapos ay sumenyas sa akin. Nagsalita sa walang boses ng sorry at tsaka lumabas.
Bumalik sa pagkakaupo sa harap ko sa Junic at hinimas ang pisngi kong sinampal ni Ardee. Hinawakan ko ang kamay niya at tumitig sa kanyang mga mata. "I'm sorry Junic. Baka tama si Ardee. Baka nagpadalos dalos ako ng humantong ako sa ganito," umiiyak na sabi ko at yumakap sa kanya.
"Ako dapat ang sumampal sayo! Hindi yung gagong boss mo na yun! Tama naman siya sa pagkasabing tanga ka pero kahit na tanga ka, hindi niya pa rin dapat yun ginawa," ako ang napakalas sa yakap at tumingin sa kanya. Nagtataka.
"Wala pa akong asawa Carlo. Yung nakita mo sa bahay. Mama ko 'yun."
PUTANGINAAAA!
Anooooooo?!
Halos malaglag ang panga ko dahil sa narinig ko.
"Oo, Carlo. Mama ko 'yun. I said sorry that time kasi nung araw na nagpunta tayo sa simbahan ng St. Therese ay huling araw ko sa province bago ako dinala dito ni Mama sa Manila. Hinanap din kita pero si Rockie lang pala ang makakapagtapo sa'ting dalawa.
All this time, I was wrong and that's made me realize na TANGA nga 'ko. God, pwede bang patayin niyo nalang ako. Charot!
