Chapter 1

4K 88 19
                                    

Chapter 1

Present...

( Zamira )

"Naku naman! Mauubos na pala 'tong mga gulay natin, 'Nay!" rinig kong boses ni Longta. Eh pa'nong di ko maririnig? Eh sinasadya nila 'yan.

"Aba, oo nga! Buti't paubos na ang sa'tin," rinig kong dada ng ina niyang si Denvaxia. "Di tulad ng iba d'yan.." dagdag pa nito na alam kong ako ang pinatatamaan.

Napairap nalang ako. Epal talaga ang mag-inang 'yan. Ewan ko ba kung bakit nakikipag-kumpetens'ya ang mga 'yan sa'kin e wala naman akong pakielam sa kanila.

Ano naman kung 'di pa ubos ang paninda kong kangkong? Kangkungin ko sila d'yan e.

"Hays. Iba talaga ang resulta kapag sipag ang ginamit," parinig na naman ni Longta. Eh kingina niya, nanay lang naman niya ang nagtitinda habang siya'y nakikipag-landian kay Kulitap na anak ng may-ari ng bigasan. "'Di tulad ng iba d'yan, feeling maganda."

Ewan ko kung ako ba ang pinatatamaan niya o 'yung sarili niya? Bobita rin ang isang 'yun e. Palibhasa kinder lang ang natapos, kaya hayan at jejemon nalang sa gilid ng kalsada.

"Miss, magkano kangkong?" napaangat ang tingin ko sa isang lalaki na nasa harap ng pwesto ko.

"Ah, seis po ang isang tali." sabi ko at tipid na ngumiti. S'yempre para pampa-bwenas.

"Pabili nga, tatlong tali." nakangiting sabi niya. Halatang nagpapa-cute. Nginitian ko nalang din tutal naman ay customer 'yan.

Bigla akong may naalala sa word na 'Customer'. Isang taon na rin kasi ang nakakalipas mula ng mangyari ang insidenteng 'yun, mabuti nga't hindi niya 'ko pinahanap at ipinakulong dahil nakagat ko ang Banana kuno niya.

"Eto na po." sabi ko at iniabot ang naka-plastic na kangkong. Agad naman niyang iniabot ang bente pesos na bayad matapos kunin sa kamay ko ang supot.

"Kip da tsenge." sabi pa nito na akala mo kay laki ng sukli.

"Salamat." sabi ko nalang at muling bumalik sa upuan ko.

"Ang lande." parinig ni Denvaxia at padabog na inayos ang mga balde na pinaglagyan ng mga binebenta nilang tahong.

Anak niya 'yung malande, gaga siya. Pag ako talaga'y napuno sa mag-inang 'yan, pag-uuntugin ko sila!

"Kulang kasi sa aruga, 'Nay." singit naman ni Longta. Siya 'tong kulang sa aruga at lumalandi e, bugok talaga.

"Miss, limang tali nga." ani ng isang customer at agad na naglabas ng isang daan.

Agad naman akong tumalima at ipinlastic ang limang tali ng kangkong.

"Sa'yo na ang sukli." seryosong usal nito at agad din na umalis pagkakuha ng supot. Malaki ang ngiting isinilid ko ang isang daan sa maliit na bag na dala ko at muling umupo.

Kung ganyan lagi ang mga customer ko edi lagi akong happy kahit may dalawang badtrip na kamote d'yan sa gilid ko.

"Wag na wag kang tutulad d'yan, 'Nak. Malandi." si Denvaxia na naman. Bwisit na balyena 'to.

"Niber, 'Nay!" sagot ni Longta. Hah! Mga patawa, bahala nga sila d'yan!

"Hija, ilan lahat 'to?" tanong ng isang matandang babae. Nakangiti ito sa 'kin habang nakaturo sa paninda kong kangkong.

Dali-dali akong tumayo at binilang ang natitira ko pang paninda, "Walo po, seis ang isa."

"O' sige, bibilhin ko na lahat 'yan." sambit niya na nagpangiti sa'kin.

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon