Chapter 25

2K 69 0
                                    

Chapter 25

( Zamira )

“Sorry.”

Nag-angat ako ng tingin kay Saging ng sa wakas, matapos ang halos isang oras na katahimikan sa pagitan namin ay nagsalita na siya.

“Sorry, Zam. I actually don't know where to start or what to say first.” hingang malalim niya bago ako harapin.

Dito malapit sa eskinita niya 'ko dinala, ang bagong kotse niya na namumula sa kalagitnaan ng tanghali ay nakaparada 'di kalayuan sa puwesto namin.

Nag-iwas ako ng tingin at pinanood nalang ang ilang batang naglalaro sa 'di kalayuan.

“I know, sorry can't ease the pain. But still, sorry.” pagpapatuloy niya sa pagsasalita sa gilid ko.

Umismid ako, “Buti alam mo.”

“Danna, Dexter, and I, nagsisi kami sa mga ginawa namin. It's just that, desidido na kaming bumalik ka sa'min––”

“Pero hindi tama yung ginawa niyo. Niloko niyo 'ko at ngayon natanggal pa 'ko sa trabaho,” pagputol ko sa kanya at inis siyang binalingan. “Diba sinabi ko nang ayaw ko na? Buo na 'yung desisyon ko at hindi na 'yun mababago pa. Sana man lang inisip niyo na may sarili din akong buhay, may binubuhay rin ako kaya sana isinaalang-alang niyo rin 'yon bago niyo ako gawa'n ng kalokohan. At isa pa, dinamay niyo pa 'yung bata sa mga kalokohan niyo, anong malay no'n sa mga nangyayari sa paligid niya? Pangalawa, 'yung kinuha niyong kidnappers kuno,  bakit 'yung mga mukhang rugby boy na 'yung mga 'yun pa? Bugok 'yung mga 'yun dahil grade one lang ang tinapos. Pangatlo...” nabitin sa hangin ang iba ko pang sasabihin ng mapansing nakatitig lang siya sa'kin.

Nakangiti siya pero hindi 'yun abot hanggang sa mata, hanggang eye bag lang ata. May eye bag kasi siya at kaunting dark circles, mukhang 'di nakatulog ng ayos. Magulo rin ang buhok niya, mukhang 'di pa naliligo at naaamoy ko rin ang alak sa kanya na pilit ko lang binabalewala kanina.

“Baket hah?” tanong ko, ang tinutukoy ko ay kung ano ang ingini-ngiti-ngiti niya.

Huminga siya ng malalim bago seryoso akong tiningnan sa mata, “I like you, Zam.”

Umawang ang bibig ko at bahagya pang napaatras dahil sa sinabi niya, ngunit ng maisip na baka nagbibiro lang siya ay natatawang nag-iwas ako ng tingin.

Ay layk mah selp tu,” pagbibiro ko. “Hays, salamat nalang sa paghatid. Okey, okey na tayo pasabi kay Danna. Una na 'ko––”

“I'm not joking. I like you, Zamira. I like you that's why I did all those things just to get you back, mababaliw na 'ko dahil sa nararamdaman kong 'to. If only I can erase this shit out of me, but I can't..” aniya na nagpatigil sa'kin.

Mabilis at malakas ang pagpintig ng puso kong bahagya siyang nilingon, “O-oy Saging, wala 'kong time makipagbiruan sa'yo. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng anak mo, okey?”

“Dexter is not my son.” matigas na sabi niya at kita ko sa peripheral vision ko ang paglapit niya sa pwesto ko.

Kahit alam ko naman na ang bagay na 'yun ay nagulat parin ako dahil nanggaling na 'yon mismo sa bibig niya.

Umiling ako, “Itulog mo 'yan,”

“Zam, I want you to be my girlfriend.” lakas loob na aniya at hinila ako sa braso. Kanina pa 'to nanghihila eh.

Parang sa teleserye lang, napakabilis ng lahat. Nakakatakot lang isipin na baka panaginip lang ito.

“Maiksing panahon lang tayo nagkasama tapos like mo na agad ako?” naiiling na sabi ko. “Crush lang 'yan, Saging. Maraming iba d'yan na willing maambunan ng oras mo, wag ka sa'kin at mahirap lang ako.” dagdag ko pa at binawi ang braso ko saka siya walang lingunang iniwan.

Totoo naman eh, crush lang 'yung nararamdaman niya para sa'kin. Pero teka, may pinagkaiba ba ang crush sa like?

“Zamira Dolorosa,” rinig ko pang pagtawag sa'kin ni Saging. “I'm not sure if I really like you, actually I'm stuck between like and love. And I don't give a damn about your life status.” aniya pa na hindi ko na pinansin.  Geh, english pa.

Nangingiti na nilakad ko nalang ang daan patungo sa apartment, tama talaga ang hinala ko, crush ako ni Saging dahil ang ganda ko. Hays, mapapailing ka nalang talaga eh.

Pero wala namang masama kung i-crush back ko siya––

Napabuga ako ng hangin dahil sa sariling isipin, magmamahal pa eh gugunaw din naman ang mundo, mamatay din ang lahat ng tao, walang poreber.


***

“'Te, ano 'to?”

Pagkapasok sa apartment ay 'yan agad ang bumungad sa'kin.

Kunot noong tiningnan ko ang hawak ni Yura, “Oh? Gamot ni mama dati. Bakit?” pagsagot ko sa tanong niya habang hawak ang isang banig ng gamot.

“May sakit ka?” naluluhang tanong niya.

Mahina akong natawa, “Yura ano bang pinagsasabi mo d'yan? Kay Mama 'to engot, hindi ko lang tinapon––”

“Ate, alam kong magaling ka sa pag-arte kahit sa sarili mo. Pero, please..” hinawakan niya ang dalawa kong braso, “..please, wag sa'kin. Kasi kilala na kita, kaya sabihin mo sa'kin 'yung totoo.. May sakit ka?”

Umangat ang kamay ko para punasan ang luha niyang nagsisimula ng mag-alpasan. “Sira ka, wag kang iyakin at may bata d'yan sa sinapupunan mo. Okey ako, walang problema sa'kin. Itong gamot na 'to, gamot 'to ni Mama noon na hindi ko tinapon.” pagpapatahan ko sa kanya at tipid siyang nginitian.

Niyapos ko siya at pilit na pinatahan, napaka-emosyonal naman ng bruha.

Naupo ako sa gilid ng papag ko kinagabihan matapos kumain. Tinitigan ko ang gamot na hawak ko at mariin nalang na napapikit. Nakalimutan ko pala itong itago sa pinakang ilalim ng damitan ko. Malamang na nakita ito ni Yura kanina sa ibabaw ng dura box ko.

Wala akong balak na pag-alalahanin pa ang kapatid 'kong 'yon lalo pa at buntis, makakasama lang 'yon sa kanya.

Mabuti na 'yung ako lang ang nakakaalam. Kung bakit naman kasi sa dinamirami ng pwedeng manahin kay mama ay itong sakit niya pa, pwede namang yung katabaan niya nalang at nang hindi ako buto't balat.

Huminga ako ng malalim at sinilip ang cellphone kong kanina pa nagv-vibrate, maloloka na nga eh.

At tulad ng inaasahan, yung unknown number na 'yun na naman ang tumatawag. May ilan ring text galing sa number na 'yon, at alam kong siya 'yan. Nabasa ko kasi ang isa niyang mensahe noon kung saan nagpakilala siya.

Bumuga ako ng hangin at tulala sa sahig na sinagot ang tawag niya, hindi ako umimik at hinintay lang na magsalita siya.

“Anak..” aniya sa mababaw na boses.

Malungkot akong napangiti, galit parin ako sa kanya pero hindi ko maitatangging nami-miss ko pa rin siya, at alam kong gano'n din ang nararamdaman ng kapatid ko..

“Alam kong hindi niyo ako mapapatawad ng kapatid mo, pero hayaan niyong i-tama ko ang mga pagkakamali ko..” pagpapatuloy niya sa kabilang linya.

Pagbali-baliktarin man kasi ang mundo, siya parin ang tatay namin. Walang pagbabago at walang mababago.

“Hayaan niyo akong maging ama ulit sa inyo..”

Siguro nga panahon na para magpatawad, hindi naman kasi gagaling ang isang sugat kung hindi mo gagamutin at hahayaan nalang na madagdagan pa.

At kung buhay pa si Mama, alam kong ito rin ang gusto niyang gawin ko. Ang magpatawad.

“Opo..” mahinang sagot ko, ingat na ingat na hindi pumiyok bago putulin ang linya.

Doon ko lang napansin na kanina pa pala ako umiiyak, marahil ay dahil sa pinaghalong emosyon..

Tuwa at Kalungkutan.





© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon