Chapter 31

1.8K 63 8
                                    

Chapter 31

( Diether )

Zamira never called me by my name.

Mabilis akong napaupo habang habol ang sariling hininga, and immediately hangover hits me.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit no'n, and when it already calmed down I look around.

I sigh in relief when I found out that I'm on my own room and still have the same clothes I wear yesterday, a dream—No. A Nightmare.

Oh god, I though I had sex with someone I mistook as Zamira.

“Shouldn't drink by myself.. ” I muttered to myself while getting out of my bed. Then suddenly, I stopped on my track.

I got drunk last night, I'm sure with that. But, who brought me home?

Mabagal na bumukas ang pintuan ng kwarto ko, and sure as hell I did the silent prayer! Pinagdadasal ko na sana hindi ito babae na sa tingin ko ay nakasiping ko kagabi.

And God fulfill my prayer as soon as Dexter entered my room. He's in his usual banana pyjamas with a banana pillow in his hold.

“Dad..” he called out.

“Son,” I breathed and smile at him.

“Dad, the sleep you told me to do is already done po. Can I see Ganda now?” he said almost a whisper, the sadness that is plastered all over him is the evidence that he really missed Zamira now.

I felt pity, “Another week of sleep and you'll see her,” I told him, assuring him that he will see Zamira after a week.

A sad smile crept in his face before nodding slowly, “I'll start now na po..” he then turn his tiny back at me, walking out of my room until he's out of my sight.

I know how sad he is, but I can't take him to Zamira right now.

I got up and do my daily routine, after that I grab my phone and my car keys. While going down the stairs I called my secretary and tell him that I can't go to the office.

Nang makarating sa labas ay hinanap ng mata ko ang bagong bili kong kotse. Nangunot ang noo ko ng kahit ang anino nito ay hindi ko makita.

I then asked one of the guards, “Eh sir, umuwi po kayo kagabi lasing na lasing. Hinatid lang po kayo ni Mam Ashley gamit ‘yung sasakyan niya at pinapasabi na nasa bar parin daw po ‘yung pulang kotse niyo.” he said while scratching the back of his head.

My mouth fell open.

What happened last night came rushed in my memory and I can't help but to cursed myself at the sudden imbecility.

I banged her.

I slept with Ashley last night.

Oh, Damn.



***

( Zamira )

“Hmm..”

Bago sa pakiramdam ko ang malambot na hinihigaan ko at ang malamig na paligid ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

Pero napaisip ako, walang ganito sa'min dahil isang matigas at cute size na papag lang ang meron ako sa kwarto at electric fan na bulok. Bulok kasi ang number three nito ay kasing lakas lang ng normal na pagpaypay ko.

Dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, nasilaw ako sa puting liwanag na sumalubong sa paningin ko kaya awtomatiko kong nai-angat ang braso ko para gawing pangharang sa masakit sa matang liwanag.

“Ate!”

Akma palang akong kikilos ng dumalo sa'kin ang kapatid ko at inalalayan akong makaupo.

“Anong nangyari?” kunot noo at mahinang tanong ko habang inililibot ang paningin. Napalunok ako ng mapansing hospital pala ang kinalalagyan ko ngayon.

Hindi sumagot si Yuraine at tanging pagtitig lang sa'kin ang ginawa.

Pilit akong ngumiti, “Huy?”

Nakita ko ang pagkibot ng labi niya, ang mga mata niyang nakatitig sa'kin ngayon ay nagsisimula ng manubig habang ang maliit nitong ilong ay nagsisimula ng mamula ang dulo, senyales na papaiyak na ito.

“Sinasabi ko na nga ba e..” garalgal ang boses na panimula niya at agad na yumakap sa'kin.

“Yura..” mahinang usal ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita kong kalungkutan sa kanya.

“B-Bakit hindi mo pa kasi inamin? May sakit ka!” hagulgol niya at paulit-ulit na hinampas ang hospital bed na kinalalagyan ko.

Walang namutawing salita sa bibig ko hanggang sa maramdaman ko nalang ang isang butil ng luhang umagos sa pisngi ko.

Inabot ko ang likod niya at marahan itong hinagod, “Hushhh..” pagpapatahan ko sa kanya.

“Bakit ba ang hilig mong mag-sarili ng problema huh? Ano bang tingin mo sa'kin? Wala lang?” hikbi niya sa dibdib ko.

Hindi ako sumagot. Parang may bikig sa lalamunan ko at tila gripo ang mga mata ko sa dami ng luhang inilalabas nito.

“Tamang petiks lang ako tapos ikaw may sakit na pala? Napaka-walang kwenta ko naman!” singhal niya at lumayo sa'kin. “‘Di ba ako mahalaga? Wala lang ba ako? Wala ba akong karapatan na pagsabihan mo ng mga problema mo?” pagpapatuloy niya.

Ngumiti ako. “Wag kang umiyak, makakasama sa bata—”

“Malakas ang baby ko! Kahit buong magdamag akong umiyak dito, ayos lang siya! Wag mong ibahin ang usapan.” aniya. Napaiwas ako ng tingin at mabilis na pinahid ang luhaan kong mukha gamit ang kumot.

“Ayokong pag-alalahanin ka pa—”

“Ayaw mo akong pag-alalahanin pero gusto mo ‘kong pag mukhaing walang kwenta!” sermon niya at pinahid ang sariling luha. “Atsaka sa ginawa mo mas lalo mo lang akong pinag-alala. Kailan pa ‘yan huh?”

“Nasa'n si Itay?” tanong ko para makaiwas sa huli niyang tanong.

Sandaling gumuhit ang inis sa mukha niya, “Matagal na. Tama ba?” pagbabaliwala niya sa tanong ko.

Mariin akong napapikit. “Dalawang buwan matapos mailibing si Mama..” mahinang sagot ko. Mas lalong lumakas ang paghikbi niya, “Nagpa-check-up ako pero isang beses lang, pagtapos akong maresetahan at bigyan ng konting payo hindi na ‘ko bumalik pa.” kibit balikat ko. “Ang mahal ng check-up e. Mas kailangan mo yung pera noon kasi marami kayong events at ambagan sa school, may thesis pa at project.” baliwalang dagdag ko at tipid siyang nginitian.

Napasubsob siya sa mga palad niya at tahimik na umiyak.

Huminga ako ng malalim, “Nangako ako kay Mama noon na pagtatapusin kita ng pag-aaral.” usal ko kasunod ng isang pagsinghot.

“S-Sorry..” rinig kong sambit niya sa pagitan ng mga hikbi.

Sumandal ako at pinikit ang mga mata para pigilan ang nagbabadyang muli kong pagluha.





© Sabawatkabanata

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon