Chapter 7

2.5K 86 8
                                    

Chapter 7

( Zamira )

Humihikab na bumaba ako ng hagdanan, inabot na 'ko ng hating gabi dahil nakatulog ako sa pagpapatulog kay Dexter.

Tahimik na ang buong mansyon at wala na rin akong nakikita maski isang kasambahay na pagala-gala.

Sinilip ko ang oras sa malaking orasan na nakasabit sa Salas. Kaya pala...

11:25 PM.

Late na talaga. Kung bakit naman kasi nakatulog ako?

Ansakit tuloy ng ulo ko dahil inaantok pa ako.

Saktong nasa pintuan na 'ko ng makarinig ako ng humintong sasakyan. Kunot ang noong binuksan ko ang pintuan at sumilip sa labas.

Kotse ni Big Banana pala..

Tuluyan na 'kong lumabas habang ang mata'y nakatutok sa sasakyang nakahimpil. Nagbukas ang pintuan no'n sa bandang driver seat at lumabas si Big Banana.

Magulo ang buhok, bukas ang dalawang butones ng damit sa taas, at pagewang-gewang ang lakad.

"Big Banana!" tili ko ng sumalampak siya sa sahig.

Anong problema nito at nakikipag-beso sa sahig?

Dagli ko siyang nilapitan at tinulungang makatayo. Naamoy ko pa ang amoy ng alak sa kanya, kung gano'n ay lasing siya.

Kinuha ko ang isa niyang braso at pinatong yun sa batok ko saka ko siya pilit na itinayo.

Tangina ang bigat niya. Halos mautot ako habang inaakay siya papunta sa pinto.

Imagine sa payat kong 'to? Tapos sa laking ito ni Big Banana, puro maskel pa. Himala nalang na nadala ko pa siya hanggang dito sa pintuan ng mansyon niya.

Paupo akong sumalampak sa marmol na sahig saka ko minasahe ang sariling braso.

Pagulungin ko nalang kaya 'to?

O, hilahin ko nalang habang nakahiga siya sa sahig?

Iwanan ko nalang kaya?

"Oy, Ser!" tinapik ko ito sa pisngi. "Gising, uy!" niyugyog ko na rin ang balikat niya at salamat sa diyos at bahagya naman siyang nagmulat.

"what.." mahinang usal niya.

"Tumayo ka, dadalhin kita sa kwarto mo." sambit ko at hinawakan siya sa braso.

Hindi siya sumagot pero tinuon niya ang isang braso sa sahig saka pinilit ang sariling makaupo.

"Okey ka lang?" kunot noong tanong ko.

"Who....are you?" mahing usal niya. Napakamot ako sa pisngi.

Hindi pala nakakakilala 'to kapag lasing?

"Si Zamira 'to, ser." sambit ko at muli siyang inalalayan ng tumayo siya ng pagewang-gewang.

Ba't kaya naglasing 'to?

"Oh. The banana eater..." aniya at mahinang tumawa. Bahagya rin siyang napatuon sa'kin kaya halos panawan ako ng ulirat dahil sa bigat niya.

Hindi na ko sumagot. Banana Eater daw? Hindi ko naman kinain ang saging niya no'n ah?

"Tell me, why did you bite this?.." aniya sa puno ng tenga ko at biglang dinaklot ang sariling ari. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niyang 'yon. Lalo na nung mahina siyang tumawa sa tapat ng tenga ko.

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon