Chapter 13

2.2K 78 2
                                    

Chapter 13

( Zamira )


Madaling araw ng bumangon ako mula sa higaan ko, tiningnan ko pa ang oras sa cellphone kong Nokia 3210 na hanggang ngayon ay full charge parin at nakitang alas-singco palang ng umaga.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit lang ang kamay ko saka ako nagsuot ng tsinelas.

Iinitin ko nalang muna ang mga dala kong ulam kagabi.

Lumabas ako ng kwarto at unang dumapo ang paningin ko sa kala mo malaking puno na nakahiga sa Sala ko, nakabaluktot ang mga tuhod nito at kita ko rin mula dito sa kinatatayuan ko ang mga pantal sa braso't hita nito na marahil ay dahil sa lamok.

Kawawa naman si Big Banana, teka nga't mapalipat na sa kwarto ko.

Lumapit ako sa kinahihigaan niya na tanging manipis na kumot lang at isang unan na dantayan pa ng paa ko.

“Big Banana––este, Ser..” tapik ko rito. Umungot lang ito at tinalikuran ako. “Ser, lipat ka nalang dun sa kwarto ko.” sambit ko. Saglit nga lang ay agad na ako nitong nilingon.

“What?” dikit ang kilay na aniya. Napakamot ako sa pisngi.

“Sabi ko, lumipat ka na sa kwarto ko. Mukha kasing nahihirapan ka na d'yan sa pwesto mo. Sige na, ser.” sabi ko pa.

Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya at agad na napaupo.

“Okay, if you insist.” aniya pa at tumayo na bitbit ang unan at manipis na kumot na sinundan ako hanggang sa kwarto ko.

“Dito ka nalang ser matulog, kaso lampas-lampasan ka dito kasi pang-cute size lang ‘to.” sabi ko pa habang inaayos ang latag ng kama ko. Isa kasi itong papag na may latag na manipis na kutson na pinatungan ng blanket at kumot.

“That's alright,” aniya na parang nangingiti. Nilingon ko siya at nakitang nakangiti nga siya.

Hah, baka na-impress si ser dahil sa kabaitan ko, Mweheheh.

Nang matapos sa pag-aayos ay sinenyasan ko na siyang mahiga na, agad naman siyang naupo sa gilid ng higaan at nakangiti akong tiningnan.

“So, magtatabi tayo sa higaan?” sabi niya at may kung ano akong nakitang ekspresyon sa mukha niya na di ko matukoy, tuwa? excitement? Ewan.

Kunot noong mahina akong natawa, “Hindi, ser––”

“What? Why? You will sleep outside? That's a no to me, Zamira.” kunot-noong sabi niya at muntik pa'ng tumayo kung ‘di ko lang napigilan.

“Naku, ser. Madaling araw na kasi, kagigising ko lang at balak kong magpainit ng dala kong ulam kagabi. ‘Di na ko inaantok kaya ikaw na ang pinahihiga ko r'yan sa higaan ko.” paliwanag ko. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“I'm not sleepy anymore.” aniya at binaba ang lahat ng dala saka nauna pa sa'kin sa paglabas sa kwarto. “Gusto ‘kong kumain.” kala mo hari na anuns'yo niya. Nasa kusina na siya at nakaupo sa hapag.

“Ser, magpapainit palang ako ng ulam at magsasaing. Weyt ka lang.” sabi ko at dumeretso sa kalan de uling para magpabaga.

“What's that?” takang tanong niya na nasa gilid ko na pala.

“Kalan de uling, ser.” sabi ko nang hindi siya nililingon.

“I know, what I mean is... magluluto ka gamit ‘yan?” tanong niya. Nilingon ko siya at nakitang kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa ginagawa kong pagpapabaga.

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon