Chapter 9

2.3K 77 5
                                    

Chapter 9

( Zamira )


“Hey, wake up.”

Naalimpungatan ako dahil sa mainit na hiningang tumatama sa mukha ko. Nang imulat ko ang mga mata ko'y mukha ni Big Banana ang sumalubong sa'kin. Sobrang lapit na naman niya habang tinatanggal ang seatbelt ko.

Kelangan ba talagang ganyan kalapit ang mukha pag tatanggalin ang seatbelt sa isang 'Nanny' lang ng anak niya?

Siguro kras ako nitong si Saging.

Mwehehehe. Kunsabagay, maganda ako––payat nga lang. Pero maganda parin ako..

Na-fall in love na kaya siya sa'kin?

Hihi. Iba talaga ang kamandag ko, sssiiis!

“What's funny?” aniya ng matanggal na ang seatbelt ko. Tumikhim ako.

“M-may naalala lang..” sagot ko at tumingin sa labas ng bintana. Malakas parin ang ulan.. “Salamat sa paghahatid, ser. Una na––”

“Zamira..” pagputol niya sa'kin. Nilingon ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

Ser?” sabi ko pa. Seryoso siyang nakatingin sa'kin, tahimik ang loob ng kotse niya kahit pa malakas ang ulan sa labas kaya rinig na rinig ko ang miya't-miya niyang pag-buntong hininga.

“I....” panimula niya. Parang nagda-dalawang isip na ewan. Sa huli'y nag-iwas nalang siya ng tingin at mahigpit na kumapit sa manibela. Naglabasan tuloy yung mga yaminess na ugat sa kamay niya. “Whatever. Get out.” malamig ang boses na sambit niya.

Nangunot ang noo ko, anong meron sa kanila ni Small banana at para silang may mga sira sa ulo?

‘Yung kay Small banana maiintindihan ko pa dahil baka naapektuhan lang ang utak niya nung ibalibag ko siya, pero itong si Big Banana..

Ay, ewan!

Walang imik na binuksan ko nalang ang pinto ng kotse niya, pero bago ‘yun ay hinablot ko muna ‘yung payong na ginamit niya kanina saka ko ito binuksan para kahit papa'no'y hindi ako gaanong mabasa.

Pagbaba ko sa kotse niya ay mahina akong napamura ng baha agad ang sumalubong sa naka-sandals kong paa. Ang gago naman, oo.

“Ingat, ser.” pilit ang ngiting sambit ko at akmang isasara na ang pinto ng bigla siyang magsalita.

“Take care.” aniya ng hindi tumitingin sa'kin. Tumango nalang ako at isinara na ang pinto.

Rinig na rinig ko ang malalakas na patak ng ulan sa mga bubong ng bahay at ramdam ko ang malamig na tubig baha sa paa ko. May mga sumasabit pa nga sa daliri ko sa paa na agad ko rin'g inaalis sa pamamagitan ng maruming tubig.

Nilingon ko ang kotse ni Big Banana ng mapansing hindi parin siya umaalis. Nakasara ang lahat ng bintana at tinted pa ‘yun kaya hindi ko makita kung anong ganap niya sa loob.

Kibit-balikat na dumeretso nalang ako sa eskinita papasok sa apartment na nire-rentahan ko. Hindi naman kasi kasya ang kotse ni Big Banana rito, kaya natural lang na sa labas ng eskinita niya ‘ko ibaba.

Nang malapit na sa apartment ko'y nangunot ang noo ko, pa'no ba naman kasi'y may natatanaw akong isang bulto ng tao na nakauklo sa tapat ng pintuan ng apartment ko.

Madilim kasi sa parte na iyon dahil may mataas na bahay sa tabi ng apartment na inuukupa ko, nahaharangan nito ang liwanag na nanggagaling sa poste ng ilaw rito kaya hindi ko maaninag ng maayos kung sino iyon. Pero sigurado akong tao ‘yon.

Eat My Banana [Book 1]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon