Chapter 10
( Zamira )Bitbit ang regalo ko para kay Small banana'y bumaba ako sa jeep na sinakyan ko.
Ngayon ang kaarawan ng maliit na saging at tanghali na nga ako nakarating dahil sinamahan ko sa pagpapa-check up sa OB si Yura.
Tapos na ang pa-party sa Jollibee kaya kainan nalang sa masyon nila ang maaabutan ko. Sayang dahil ‘yun pa naman ang pinaka-inaabangan ko.
Pero wala akong magagawa, mas mahalaga sa'kin ang kapatid ko e.
Tinanguan ko ang guwardiya na nagbabantay sa pinaka-main gate ng subdivision bago ako pumasok sa loob. Kilala na naman ako no'n e, lagi ba naman siyang nakakasilay sa kagandahan ko. Psh.
Nilakad ko nalang ang distansya mula sa main gate hanggang sa mansyon ni Big Banana, hindi naman kasi ‘yun gano'n kalayo. Walking distance parin.
Hindi nagtagal ay nakarating din ako do'n, suot ang kulay pula kong t-shirt at itim na pantalon ay naglakad na ‘ko papasok sa gate ng mansyon, nginitian ko pa si Kuya Efren na nakaupo sa tapat ng guard house. Siya ang gwardiya rito na piling klows ko na agad, hayun nga't nginitian din ako pabalik.
Tahimik pa ang paligid kaya sa tingin ko'y hindi pa nagsisimula ang pa-party nila rito sa mansion. ‘Di bale't pupuntahan ko nalang si Small banana.
Nang makarating sa nakabukas na pintuan ng mansyon ay biglang nag-ingay ang dala ko'ng pang-regalo kay Small banana.
Eto ang binili ko'ng regalo para kay Dexter, para may aalagaan siya.
Nasa loob ito ng kulungan na maliit na gawa lang sa manipis na alambre, nabili ko ito sa nadaanan ‘kong baranggay na fiesta pala ang ipinagdiriwang.
“Ganda!”
Nalipat ang tingin ko kay Small banana na pababa na ngayon sa hagdanan, nagmamadali ito at palipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa bawat hakbang na ginagawa niya pababa ng hagdan. Sa likuran niya ay nakasunod si Big Banana na nakapamulsang nakatingin din sa'kin.
Ngumiti ako kay Dexter at hinintay na makalapit siya sa'kin.
Naka-all yellow na naman ang maliit na saging, mula sa damit nito na may print pa'ng 'I love Banana' hanggang sa sapatos niyang dilaw na Airmax.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin ay yumapos siya sa hita ko at malaki ang ngiting tiningala ako.
“I thought you wouldn't come na po.” aniya at mamasa-masa pa ang pilik-mata niya.
Napakamot ako sa pisngi, “Ano kasi, emergency lang sa bahay.” sabi ko at pilit siyang nginitian.
“What's this emergency you are talking about?” singit naman ni Big Banana ng makalapit siya sa pwesto namin, saglit pa siyang napatingin kay Small banana na nakayapos parin sa hita ko.
“Ahm,” nag-isip ako ng pwede kong dahilan. Ayokong sabihin na sinamahan ko sa pagpapa-check-up ang kapatid ko dahil buntis at baka kung ano pa'ng isipin niya kay Yura.
“Whatever.” paos na sabi niya ng matagalan ako sa pagsagot. Buti nalang.. “Later,” aniya at nilampasan na ako. “Let's go little B.”
Nangunot ang noo ko sa huli niyang sinabi..
Little B?
“No. I don't want to come na po, Dad. I want to stay with Ganda po.” sabi ni Small banana at habang nakayapos siya sa hita ko'y sinilip niya ang Ama niya na nasa labas na.
BINABASA MO ANG
Eat My Banana [Book 1]✓
Ficción General"C-customer.." usal ko nang mabalik ako sa sarili kong huwisyo. "What!?" kunot noong tanong niya. May bahid rin ng pagkairita ang mukha niya. "Whatever. Just suck my banana." dugtong niya at dinaklot ang sariling ari. © Sabawatkabanata