Chapter 7

6.4K 109 2
                                    


SA LOOB ng dalawang araw ay walang narinig na anuman si Althea mula kay Hubert. Hindi ito sumama kay Danielle nang magpunta ang babae sa shop niya nang nagdaang araw.

Pauwi na sana siya nang biglang dumating sina Karen at Danielle. Nakangiting sinalubong niya ang mga ito.

"Bakit bigla kayong naparito? May hindi ka pa ba nasabi sa akin kahapon?" tanong niya kay Danielle.

Umiling ito. "Wala, ii-invite ka sana namin ni Karen na sumama sa amin mamaya."

"Saan?" nakakunot ang noong tanong niya.

"Wala, gigimik lang. 'Punta tayo sa kahit saang bar sa Libis o sa Makati," ani Karen.

Napakagat-labi siya. "I'm sorry pero hindi ako puwede ngayon. Marami akong—"

"For Christ's sake, Althea!" putol ni Karen sa pagtanggi niya. "Kalimutan mo naman ang trabaho paminsan-minsan! You deserve a break."

Napakamot siya sa kilay.

"Basta sa ayaw o sa gusto mo, susunduin ka namin mamaya sa inyo. Let's go, Danielle. May bibilhin pa tayo," ani Karen.

Naiiling na sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito.

Umuwi na rin siya kapagkuwan para makapag-handa sa lakad nila nina Karen.

Napakislot siya nang marinig ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid. Katatapos lang niyang mag-ayos at magbihis.

"Nasa ibaba na ang sundo mo, Ate," ani Lawrence nang pagbuksan niya.

"Sige, bababa na ako. Sabihin mo, sandali na lang."

Dinampot niya ang kanyang handbag bago muling tiningnan ang repleksiyon sa salamin. Nasiyahan naman siya sa nakita.

Naghihintay na si Karen sa sala pagbaba niya.

"Nasaan si Danielle?" tanong niya rito.

"Naghihintay sa kotse, kasama sina Hubert."

Natigilan siya. "Akala ko, tayong tatlo lang ang lalabas?"

"Sa tingin mo ba papayagan ako ng asawa kong gumimik nang hindi siya kasama? Isinama na rin ni Danielle si Hubert. Don't worry, hindi ka maa-out of place," nakangiting sabi nito.

"Hindi maa-out of place? Kayo may partner, ako wala." Parang gusto niyang umatras. "Hindi na lang kaya ako sasama..."

Tumaas ang isang kilay nito. "Batukan kaya kita! Kaya ka hindi magkaasawa, lagi kang nakakulong sa shop at dito sa bahay mo."

Mali. Ang taong pakakasalan ng pinsan mo ang dapat sanang napangasawa ko, naisaloob niya.

Ikinawit nito ang kamay sa braso niya at hinila na siya palabas. "May nahanap kaming partner mo. Susunod na lang daw siya sa atin. Walang dahilan para hindi ka sumama."

Walang kibong sumakay siya sa kotse. Habang nasa daan ay ilang ulit niyang nahuli ang mga pasimpleng sulyap ni Hubert sa kanya. Ito ang nagmamaneho. Katabi nito sa unahan ang asawa ni Karen na si Francis. Magkakatabi naman sila nina Danielle at Karen sa backseat.

Nang makarating sila sa bar ay parang sinaksak ang puso niya nang makitang inaalalayan ni Hubert si Danielle sa paglalakad. Kina Karen na lang siya sumabay.

"Shit!" sabi ni Karen. Hawak nito ang cellphone at may binabasang text message.

"Bakit?" tanong ni Francis.

A Promise of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon