Chapter 4

3.5K 115 3
                                    

NAKANGITING tiningnan ni Paige ang mga batang naglalaro sa playground sa loob ng Quezon Circle. Pagkatapos ng limang laps ng pagdya-jogging kanina ay naisip niyang pumunta dito sa may playground habang nagpapahinga. Dahil bihira siyang nakakapunta ng gym, ang pagdya-jogging tuwing Linggo ang pinaka-exercise niya. Madalas ay doon siya sa subdivision nila tumatakbo pero minsan ay naiisip rin niyang pumunta rito.

Maya-maya ay tumayo siya at tinungo ang ice cream parlor na lagi niyang pinupuntahan kapag narito siya. Malapit na siya doon nang may motorsiklong humarang sa harapan niya.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong kay Thaddeus nang alisin nito ang suot na helmet.

“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan, Ma’am? Ano’ng ginagawa ninyo rito ng mag-isa?” malamig na tanong nito. Madilim ang anyo ng binata habang nakatitig sa kanya.

“Nag-jogging ako,” kaswal niyang sagot.

Umalis ang lalaki mula sa pagkakasakay sa motor at humarap sa kanya. Bahagya naman siyang napatingala dahil mas mataas sa kanya ang binata.

“Nag-jogging ka nang nag-iisa, walang kasamang kahit isang bantay at higit sa lahat nang hindi nagpapaalam sa mga taong iniwan mo,” bakas sa mukha ng lalaki ang tinitimping inis.

Hindi niya napigilan ang pagtikwas ng kilay niya. Ano’ng karapatan ng lalaking ito para sermonan siya?
“Dati ko na itong ginagawa, alam naman nilang every Sunday nagdya-jogging ako. At saka ano bang problema mo? Off duty ka, 'di ba? So ano’ng ginagawa mo rito at pinakikialaman mo ako?” mataray niyang sabi.

Ilang sandali siyang tinitigan ng lalaki pagkatapos ay naihilamos nito ang mga kamay sa mukha. “Exactly! I shouldn’t be here kasi off ko, dapat nagpapahinga ako ngayon. But you’re mother called me para sabihing nawawala ka. Yes, naisip nila na nag-jogging ka kaya hinanap ka nila sa subdivision pero wala ka. Alas singko pa lang umalis ka na ng bahay at alas nueve na ngayon pero hindi ka pa bumabalik. Sa tingin mo hindi sila mag-aalala?”

Hindi naman siya nakaimik, bahagya siyang nakadama ng pagkapahiya.
“Nagpunta ka rito nang hindi dala ang kotse mo, nang hindi nagsasabi and worst of all you turned off your phone!” pasinghal nitong sabi.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Sa buong buhay niya ay ngayon lang may taong nagtaas ng boses sa kanya, pero pakiramdam niya ay hindi niya kayang sagutin ang lalaking ito. Paano pa nga ba siya sasagot at magtataray, eh ito ang nasa katuwiran?

“I didn’t turned off my phone, na-empty na ang battery,” mahinang sabi niya.

Napahinga ito ng malalim at saka inilabas ang sariling cellphone at may tinawagan. “Ma’am Andrea, si Thaddeus ho ito. Nahanap ko na ang anak ninyo.”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi habang tinitingnan ang lalaki.

“Yes, she’s fine. Pauwi na ho kami riyan,” ani pa ng lalaki bago nito pinindot ang end call button ng cell phone at binalingan siya. “Sa susunod iisipin mo rin ang mga taong maaabala mo. Alam mong may threat ngayon sa kaligtasan ng pamilya ninyo kaya sana maging maingat ka rin.”

Hindi siya nagsalita. Iniabot sa kanya ng lalaki ang helmet, napatitig siya rito.

“What? Isuot mo na ito,” ani pa ng lalaki nang hindi niya kunin ang helmet.

“H-hindi ako sumasakay sa—”
“Sumakay ka na, hinihintay na tayo ng parents mo,” putol nito sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin sa mga mata nito. Hindi naman pagalit ang pagkakasabi niyon ng lalaki pero bakit hindi niya ito kayang suwayin.

Aabutin na sana niya ang helmet nang hawakan siya ng lalaki sa kamay at marahan siyang hinila palapit rito.  Hindi siya nakapag-react nang ito mismo ang magsuot sa kanya niyon.
Dama niya ang napakabilis na tahip ng dibdib niya habang tila napiping nakatitig sa mukha ng binata. Ano ba itong nangyayari? Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya. Ang mga mata nito, daig pa nito ang may mahika na kayang-kaya siyang isailalim sa kapangyarihan. Dumako ang tingin niya sa labi ng lalaki. Bago pa siya makapag-isip ng kung ano ay biglang ibinaba ng lalaki ang pro shield ng helmet.

Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon