Chapter 8

3.3K 98 0
                                    

NAPABALIKWAS si Thaddeus nang makitang ang liwanag na tumatagos sa bintana ng silid na tinutuluyan niya. Tiningnan niya ang relos na suot, pasado alas otso na ng umaga. Bumangon siya at mabilis na nagsuot ng itim na sando saka lumabas ng silid. Nakahiwalay sa mismong rest house ng mga Colmenar ang quarters para sa mga bodyguards. Nakita niya ang isa niyang kasamahan na nagkakape sa may front door ng resthouse.

"Gising na ba si Paige?" tanong niya kay Aljon.

"Oo, kanina pa. Gusto nga sanang sumama kanina kay Manang Belen sa pagpunta ng palengke pero nang sabihin ko na nagpapahinga ka pa hindi na siya nagpilit," sagot ng lalaki.
 
Napatango siya. "Sinamahan ba ni Ricky 'yong kasambahay?"

"Oo, pinagsabihan na rin namin na walang dapat makaalam na narito si Miss Colmenar," ani naman nito.

"Mabuti kung ganoon. Nakapag-almusal ka na ba?"

"Katatapos lang kani-kanina. Sige Pare, maglilibot muna ako. Titingnan ko kung saan ikakabit ang mga surveillance camera. Okay pa naman 'yong dating camera na nakakabit, kaya lang sa gate at front door lang mayroon," sabi ni Aljon.

Tinanguan lang niya ito at pumasok na siya sa loob ng rest house. Aakyat sana siya sa second floor para tingnan kung naroon si Paige nang mapatigil siya. Napakunot ang noo niya nang may maamoy buhat sa kusina. Pumihit siya at sa halip ay doon nagtungo.

Hindi niya napigilan ang mapangiti nang maabutan roon si Paige. Nakatalikod ang babae at mukhang abalang-abala sa pagluluto. Sumandal siya sa may pinto at pinag-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib habang pinapanood ang dalaga. Napaka-simple ng ayos ni Paige, hindi mo aakalaing ito ay ang nag-iisang anak ni Senator Colmenar. Nakapusod ang mahaba nitong buhok kaya kita ang maganda at mahabang leeg nito. Naka-puting t-shirt ang babae na hapit sa katawan at maikling maong na short. Pakanta-kanta pa ito habang nagluluto ng pancakes. Natigilan ang babae nang pumihit ito at makita siya.

"Good morning," nakangiti niyang bati rito.

"Gising ka na pala. Sandali lang ha, hindi pa kasi tapos ang breakfast mo." Dinampot ni Paige ang isang bowl at hinalo ang laman niyon.

Humakbang siya palapit dito. "Para sa akin 'yan?"

Tiningnan siya ni Paige at tumango. "Yeah. Maupo ka na d'yan, malapit na itong matapos."

Sinunod niya ang babae. Naupo siya sa breakfast counter at pinanood ang dalaga. Kumuha ito ng isa pang frying pan at isinalang iyon sa lutuan.

"Gusto mo bang tulungan na kita?" tanong niya.

"Huwag na, kayang-kaya ko na ito."

"Are you sure? Marunong ka ba talagang magluto?" nagdududang tanong niya.

Nakatikwas ang kilay na humarap sa kanya ang dalaga. "Ano bang akala mo sa akin? Siyempre I know how, tinuruan naman ako ni Mama kahit papaano. Maghintay ka lang diyan. I bet hahanap-hanapin mo ang luto ko kapag natikman mo."

Hindi na siya umimik. Hindi niya inaalis ang tingin sa dalaga. Natutuwa siya na mabilis itong naka-recover sa nangyari, akala niya ay matu-trauma ito dahil doon. Kung sabagay malakas si Paige at bilib siya sa tapang nito. Kung sa iba siguro nangyari iyon malamang ay linggo ang bibilangin bago maka-recover.

Ilang sandali pa ay tapos na sa pagluluto ang dalaga. Nakangiti nitong inihain sa kanya ang mga ginawa nitong pancakes at ginisa na ground pork. Gumawa din ng juice ang babae bago ito naupo sa tabi niya.

"Pasensiya na, ang mga iyan lang kasi ang nakita ko diyan sa ref. Pero namalengke na si Manang ng stocks natin," ani ng babae.

"Okay lang, hindi naman ako maselan sa pagkain kaya puwede ko nang pagtiyagaan ito," pabiro niyang sabi. 

Inirapan lamang siya nito.

************************FOLLOW ME PO SA DREAME FOR COMPLETE EPISODE. jUST SEARCH FOR SAPPHIRE MORALES. THANKS!!!!**********************************

Lumapit siya at kinuha ang isang kamay nito. "Alam ko natatakot ka. Hindi mo kailangang magtapang-tapangan, Paige. Natural lang na shaken ka pa rin hanggang ngayon sa nangyari."

"Wala namang mangyayari kung hahayaan kong kainin ako ng takot, 'di ba?"

Napahinga siya ng malalim at tinanguan ito. Binitiwan niya ang kamay ni Paige at dinampot ang baril. "This is a Beretta 92. Isang bagay lang ang kailangan mong isipin," aniya na tinitigan ang babae. "Once you point your gun, make sure na kaya mo iyong iputok."

Tumango ang babae.

Iniabot niya ang baril dito at ipinuwesto ang dalaga paharap sa shooting board. "That will be your target, okay? I-point mo doon ang baril. Deretso lang ang braso. Iyong isa mong kamay gamitin mong pang-suporta sa kamay mo na nakahawak sa baril."

Sinunod siya ni Paige. Inalalayan naman niya ito sa pag-puwesto ng tama. Nakatayo siya sa likuran nito habang nakaalalay ang kamay niya sa mga braso ng dalaga. Maya-maya pa ay inutusan na niya itong kalabitin ang gatilyo ng baril. Nakita niya ang mariin na pagpikit ng mga mata ni Paige kasabay ng pagbaril nito.

"Tinamaan ko ba?" malakas na tanong nito bago nagmulat.

Inalis niya ang earmuffs ng dalaga. "You missed. Medyo tumaas ang braso mo pagkalabit mo, eh. Sikapin mong huwag igalaw ang kamay mo at kapag babaril ka huwag kang pipikit. Titingnan mo ang target mo. Isa pa, three times mong iputok okay?"

Tumango naman ito. Muli niyang ibinalik ang earmuffs sa tainga ng babae.

Nang maubos na ang bala ng dalawang baril ay pinatigil muna niya si Paige habang muli niyang nilalagyan ng bala ang magazine.

"Noon pinipilit ako Papa na mag-aral bumaril, pero ayoko lang. Hindi ko kasi naisip na one day mangyayari ito," ani ng babae habang nakapanood ito sa ginagawa niya.

"Hindi ka kahit na kailan nakakasiguro, lalo na sa estado ng buhay ninyo," sabi naman niya.

"Why did you join the NBI?" tanong ni Paige. "Matalino ka naman, CPA ka, 'di ba? Napakarami namang ibang trabaho na pupuwede na malaki rin ang suweldo and you don't have to risk your life."

Sinulyapan niya ito. "Hindi ko naman talaga ito gusto noong una, at si Mama tutol din siya sa naging desisyon ko."

"Kung ganoon bakit ka pumasok sa ahensiya?"

Napahinga siya ng malalim. "My father was a senior inspector in NBI. His team was ambushed, siguro isa sa mga malaking tao na nasagasaan nila ang nag-utos no'n. I was only eighteen when that happened. Si Ninong Victor ang tumulong sa akin na makatapos ng pag-aaral. After kong maka-graduate I worked in a company for four years and then I decided na pumasok sa NBI. Kahit si Ninong ayaw rin noong una."

"So pumasok ka dahil sa father mo? Para makaganti?"

Umiling siya. "Hindi ko sila basta gustong gantihan. Hindi ko sila gustong patayin. Kapag pinatay ko sila, magiging madali lang ang lahat. I want to put them in jail. Iyong habambuhay nilang pagsisisihan ang mga nagawa nila."

"May idea ka ba kung sino sila?" tanong pa nito.

"Binabalikan ko ang mga dating kaso na nahawakan ni Papa para makakuha ng lead, pero sabi ni Ninong huwag ko raw i-focus ang sarili ko doon. May isang kaso na nahawakan si Papa na hanggang ngayon hindi pa solved, pero hindi ako ina-assign doon dahil baka raw makaapekto ang personal grudge ko sa operasyon," patuloy niya.

"Do you think sila iyon?" kunot ang noo na tanong pa ni Paige.

"I think so," aniya na inilagay na ang magazines sa mga baril. "Pero sa ngayon ang kailangan kong bigyan ng pansin ay ang kaligtasan mo. Ayokong may mangyaring masama sa 'yo, Paige."

Hindi nakakibo ang dalaga. Sinalubong niya ang mga mata nito pero maya-maya ay nagbawi na rin siya ng tingin.

"Mag-practice pa tayo. After this round, bukas naman ulit," aniya na iniabot nang muli ang baril sa dalaga.

Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon