PUNO ng mga bisita ang mansiyon ng mga Colmenar para sa selebrasyon ng ika-dalawapu't-anim na kaarawan ni Paige. Masiglang-masigla ang mansiyon at tila tuluyan na ngang nakalimutan ang lahat ng gulong nangyari.
Magkahawak kamay na nilapitan nila Paige at Thaddeus ang mga kaibigan niyang nasa isang lamesa. Inalalayan siya sa pag-upo ni Thaddeus saka ito naupo sa tabi niya.
"Guys, look at this!" excited na sabi niya at ipinakita sa mga ito ang suot niyang singsing.
Mangha na nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Thaddeus.
"Engaged na kayo?" shock na tanong ni Perrie.
BINABASA MO ANG
Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)
Romance"I told you I'm willing to give up my life for you. I'm not scared of dying. Mas takot ako kung ikaw ang mawawala. Because if that happens, wala na rin ako. You are my life." Dahil anak ng senador ay de-numero ang bawat kilos ni Paige. At dahil din...