Chapter 12

3.9K 102 2
                                    

"Masyado kang tahimik," aniya kay Paige nang ihatid niya ito sa mansiyon ng pamilya nito buhat sa bahay nila.

Nakabalik na sa piling ng pamilya nito ang dalaga. Nakangiti siyang sinulyapan ni Paige. "Excited lang ako para mamaya."

Napangiti siya. Napagkasunduan nila ni Paige na mamaya na siya nito ipapakilala sa mga magulang nito bilang nobyo ng dalaga. Hinayaan muna nila na humupa ang sitwasyon bago nila napagpasyahan na ito na ang tamang panahon para ipaalam sa lahat ang kanilang relasyon.

"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong sa kanya ng dalaga.

"Ikaw ba, kinabahan ka ba kanina habang nagla-lunch tayo kasama ng pamilya ko?" ganting-tanong niya.

"Hindi naman," nakangiting tugon nito.

"Hindi raw. Akala mo ba hindi ko napansin ang panginginig ng kamay mo kanina?" kantiyaw niya rito.

"Noong una lang naman iyon, ah," nakalabing sabi naman nito.

Nakangiti lang niyang hinagkan ang noo ng dalaga. "Sige na, pumasok ka na sa loob. Magkita na lang tayo mamaya, okay?"

Tumango ito. Pagkapasok ni Paige ng mansiyon ay tinungo na niya ang kanyang motorbike at bumalik na siya sa bahay nila.

*****

BAKAS ang excitement sa mukha ni Paige nang huminto ang van na sinasakyan nila ng kanyang mga magulang sa labas ng isang garden restaurant sa Quezon City. Doon sila magdi-dinner kasama ni Thaddeus. Agad na sinalubong sila ng receptionist ng rerstaurant at sinamahan sila patungo sa lamesang ipina-reserve ni Thaddeus kanina. Mangilan-ngilan lamang ang taong naroon.

"Nasaan na ba 'yong taong ipapakilala mo sa amin, Hija?" tanong kay Paige ng Mama niya pagkalipas ng halos sampong minuto na nag-aantay sila sa kanilang lamesa.

"Sandali lang ho, 'Ma, paparating na ho siya. Sabi ko naman po sa inyo na masyado pang maaga kanina nang umalis tayo ng bahay," tugon naman niya. "Sandali lang po pupunta muna ako ng powder room."

Tumayo na siya at nagtungo sa powder room ng restaurant. Pagkalabas niya ng cubicle ay humarap siya sa salamin at mabilis na nag-retouch ng makeup. Pagkatapos ay inilabas niya ang cell phone at tinawagan si Thaddeus.

"'Asaan ka na?" agad niyang tanong nang sumagot ang nobyo.

"Malapit na ako, na-traffic lang. Hindi ko na ginamit ang motor ko, eh, nagtaxi na lang ako," tugon ni Thaddeus.

"Okay, mag-ingat ka ha," aniya at pinindot na niya ang end button ng cell phone. Isinilid na niya iyon sa hand bag niya.

Pagpihit niya para lumabas ng pinto ay eksaktong pumasok ang isang lalaki. Namilog ang mga mata niya nang makilala ito.

"Kumusta ka na, Paige?"

"TITA!" masiglang salubong sa kanya nina Fiona at Sonia nang pumasok siya sa silid na kinaroroonan ni Thaddeus.

Nasa St. Joseph Medical Center sila kung saan dinala si Thaddeus matapos itong tamaan ng bala sa likod. Masuwerte na hindi tinamaan ang baga ng binata kaya hindi naging kritikal ang lagay nito. Ikalawang araw na ngayon matapos maoperahan ng binata para maalis ang bala sa katawan nito.

Bahagya siyang yumukod para mahagkan siya ng dalawang bata sa pisngi. Lumapit siya sa ina ni Thaddeus at nagmano. "Kumusta na ho siya?" tanong niya sa matanda.

"Nagkamalay na siya kaninang madaling araw, Hija," bakas ang tuwa na balita sa kanya ng Mama Divina ng binata.

Napangiti siya. "Mabuti naman ho kung ganoon."

"Ikaw nga ang hinahanap niya nang magkamalay siya," ani pa ng matanda.

Lumapit siya sa binata at pinagmasdan ang payapa nitong mukha. Maingat niya itong hinagkan sa pisngi.

Nagmulat si Thaddeus at nagtama ang mga mata nila. Nanghihina itong ngumiti. "Hi, Beautiful."

Nangilid ang luha niya. "Ligtas ka na," nakangiti niyang sabi at masuyong hinaplos ang ulo nito.

"Gising ka na pala ulit, Hijo," ani ng ina ng lalaki. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos na ako, 'Ma. Huwag na ho kayong mag-alala sa akin. Sabi ko naman sa inyo kanina matagal pa akong mabubuhay, eh," nakangiting sabi ng lalaki.

Nangingiti na napailing ang matandang babae. "Bueno, maiwan na muna namin kayo para makapag-usap kayong dalawa. Iuuwi ko muna itong dalawang bata at kukuha rin ako ng ilan mong gamit. Ikaw na muna ang bahala kay Thaddeus, Paige."

"Opo," nakangiting sabi naman niya.

Nagpaalam na ang dalawang bata kay Thaddeus at umalis na. Nang wala na ang mga ito ay naupo siya sa upuang nasa tabi ng higaan ng binata. Hinawakan niya ang kamay ni Thaddeus at hinagkan iyon. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Thaddeus sa kanya. Binawi nito ang hawak niyang kamay at hinaplos ang mukha niya.

"I'm just happy that you're fine now," aniya at tipid na ngumiti.

Hindi nagsalita ang lalaki pero ngumiti ito.

"Nang matumba ka sa harapan ko at nawalan ng malay, I thought I'm going to lose you," umiiyak na sabi niya.

Pinahid ng lalaki ang luhang nasa kanyang pisngi pero hindi pa rin ito nagsalita.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? You almost got yourself killed!"

Tinitigan siya ng binata. "Alangan namang hayaan kong ikaw ang tamaan ng bala, 'di ba?"

Posh Girls Series Book 1: Paige (Completed_Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon